Chapter 2 - Unang kaibigan

45 6 12
                                    

"Ikaw?!" Sabi ko ng may pagkataray.

Lumapit siya sa'kin at tinulungan akong tumayo. Kung mayroon sa inyo ang nagtataka kung sino siya, ay aba, magugulat kayo, or maybe not. 'Yung masungit na lalaki kanina? Oo. Tama, siya nga 'yun.

 "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

"At ano naman ang ginagawa mo dito?" Itinaas ko ang kaliwang kilay ko.

"Pasensya na nga pala kanina. Medyo, naging rude ata ako. Sorry talaga a."

Wow. Mukhang mabait naman pala siya e.

"Aa, e.. Sige, wala na 'yun. Iyun lang naman e." Sinabi ko ng nakangiti.

Iniabot niya ang kamay niya sa'kin, wari bang, nais niyang makipagkamay. "Ako nga pala si Kenneth Cruz. Nice to meet you."

Kinamayan ko naman siya, "Mukhang natatandaan mo naman 'yung pangalan ko pero, Mariel.. Mariel Santos." 

"Sige Mariel, mauuna na ako. Patapos narin 'yung lunch break e."

Tumingin ako sa relo ko, "12:50 na agad? Ang bilis ng oras a." Sabi ko ng may konting pagkagulat. "Sige,  bye." Dagdag ko.

Umalis na ako at umakyat sa classroom. Pagdating ko, may kinakausap si Ma'am na babae. Maputi, kasing tangkad ko, may dimples, mahabang straight ang buhok na umaabot sa likod niya, at mayroong browns eyes. Pero, dahil hindi naman ako kasali sa usapan, hindi nalang ako nakinig at umupo na sa pwesto ko. Baka mapagalitan pa ko. Tumingin ulit ako sa relo ko at nakitang, 1:05 na, tapos na ang lunch break. Pero wala parin ang lahat sa loob ng room. 

Tumayo si Ms. Pascual, "Okay, everyone, take your seats."

Pagkatapos umupo ng lahat, kahit hindi pa kami kumpleto ay nagsimula ng magsalita si Ma'am.

"Okay class, she is another transferee in this school. Though, she's late because of some circumstances. I hope you'll get along with her." Sabi ni Ma'am na may magandang english accent. "Sige miss Navarro, maupo ka na dun." Tinuro niya ang bakanteng upuan sa likod ko.

At ayun, nagsimula nanamang magsalita si Ms. Pascual. Binigay na niya ang schedule namin, ang personal rules niya sa class room na ito, at iba pa. Maya maya pa ay dumating na ang ilang lalaki kong ka-klase.

Tumingin si Ma'am sa wall clock, "The four of you, why are you late?!" Galit na sabi ni Ma'am.

"Pare, lagot." Sabi nung isang lalaki.

"Mi-miss. Sorry po, hindi po kasi namin alam na mali pala 'tong oras sa relo ni JM." Pagrarason nung isa pang lalaki.

"Please come with me to the Admin's office. The four of you, hurry!" Hinila ni Ma'am 'yung mga lalaki.

Lumabas na ng room si Ma'am at 'yung apat na pasaway kong kaklase. Syempre, 'yung mga chismoso't chismosa sinundan pa sila ng tingin sa bintana. 'Yung iba, tuloy sa daldalan, tuloy sa pagtulog, at iba pa. Ako, eto lang. Nakaupo at nagpe-penspin. May kumalabit sa'kin at bigla kong nahulog 'yung bolpen ko.

"Ay, sorry." Sabi nung babae sa likod ko. Siguro siya 'yung kumalabit sa'kin.

Pinulot ko 'yung bolpen ko at lumingon sa likod. "Hindi, ayos lang." Sabi ko ng nakangiti.

"Pwede po bang makipag-kaibigan? Bago lang po kasi ako dito e." Sabi niya na medyo nahihiya.

Wow. May ganito parin palang mga tao? Medyo shocking para sa'kin 'to kasi kung tanda ninyo sa Chapter 1, naisip ko ring gawin 'to, pero ibinasura ko lang rin ang ideyang 'to dahil medyo 'childish' para sa'kin.

"Aa, e, O-oo naman." Medyo nauutal-utal pa ko sa pagkabigla.

"Talaga po?" Sabi niya ng nakangiti at mukhang tuwang tuwa. "Ako nga po pala si Ruth Navarro." Kinamayan niya ko.

"Ako naman si Mariel Santos." Sabi ko ng nakangiti.

"Bago ka lang rin po ba dito?" Tanong niya sa'kin.

"Oo, kalilipat ko nga lang dito nung isang linggo e." Sagot ko.

"Aa, kaya po pala kayo nalipat ng school. Ako naman po, nagsara kasi 'yung school na pinapasukan ko last year kaya nalipat ako dito." Kwento niya.

"Nga pala, ilang taon ka na?" Tanong ko sa kanya.

"13 po. Kayo?" 

"13 rin. HAHAHA!" Sagot ko ng natatawa. "Huwag ka ng mag 'po' at 'opo'. Magkasing edad lang naman pala tayo e." Sabi ko sakanya.

"Ay. HAHAHA. Sige po. Ay, sorry. HAHAHA." Sagot niya ng natatawa.

"Andiyan na si Ma'am!" Sigaw nung isa naming ka-klase sa may bintana.

Upuan agad sila. Takbo dito, takbo doon. Ang bibilis kumilos!

Bumukas ang pinto, "Class, get a whole sheet of paper. We'll have a long quiz regarding what you have learned last year." 

"Ha? Quiz sa first day?" Reaksyon ng isa sa likod.

"Ang bilis naman!" Reaksyon pa nung isa.

At marami pang samu't saring reaksyon. Pero wala rin naman kaming nagawa kaya kumuha nalang kami ng papel at sinimulan na ang pagsusulit.

"Number one, who invented the Cartesian Coordinate Plane?" Tanong ni Ma'am.

Dahil alam ko naman ang sagot, sinulat ko ito sa papel ko. Lumingon ako sa likod ko. Pagtingin ko, iba't ibang mukha ang nakita ko. Pero, iisa lang ang pinahihiwatig. Iyun 'yung "Ha? Pinag-aralan ko ba 'to? Hindi ko alam kung ano 'to." Naulit lang 'to hanggang makarating kami sa number 50. Medyo mahirap 'yung mga tanong, pero, alam ko namang mataas ang makukuha kong marka. Wala naman akong hinulaan, at medyo sigurado naman ako sa lahat ng sagot ko.

"Pass your papers in front." Utos ni Ma'am.

"Ang hirap!" Sabi ni Ruth.

"Oo nga e. May nasagot ka ba?" Tanong ko.

"Medyo. Siguro naman papasa." Sabi niyang medyo disappointed.

Kinabukasan, nagsimula na ang classes. Inanunsyo na ni Ma'am ang resulta ng pagsusulit kahapon ngayong first period.

"For the results of yesterday's quiz, we only had one student who got a perfect score." Sabi ni Ma'am.

"Ikaw na siguro 'yun Mariel!" Tuwang tuwang sabi ni Ruth sa'kin.

"The one who got a perfect score is.."

__________________________________________________________

Hehehe. Sana naman po okay 'yung story. :) Comment niyo nalang po kung mayroon kayong comment o suggestion. :DD

Ang magulong LOVESTORY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon