"Noong unang panahon, namumuhay ang mga tao kasama ang mga engkantado at engkantada. Mapayapa, walang gulo. Ganyan ang buhay noong unang panahon. Pero, dahil sa kasamaan at kasakiman ng mga tao, nagkagulo ang mundo. Nagsimula ng gera ang mga tao laban sa mga engkanto. Pero, dahil sa angking kabaitan at pagmamahal ng mga engkanto sa tao, umiwas sila sa gulo at nagtago."
"Nasaan na po sila ngayon?" Tanong ko ng may matinding pagtataka.
"Kaya nga sabi nagtago di'ba? Kasi hindi natin alam kung nasan sila. HAHAHA." Sabi ni Mama na patawa.
"Eeee, oo nga po. Pero, wala po bang nakakaalam kung saan sila nagtago?" Patuloy kong tanong.
"Wala, wala sa ngayon. Kasi kung meron, ibabalita nila 'yun sa TV di'ba?" Sagot ni Mama na papilosopo.
"Ayy, oo nga 'no!" Sabi ko ng may paniniwala.
"Sige na anak, matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Hinalikan ako ni Mama sa pisngi, "Good night, anak."
"Good night, Mama." Humalik rin ako sa pisngi nya.
BINABASA MO ANG
Ang magulong LOVESTORY.
Teen FictionAng magulong lovestory ni Mariel, isang matalino at masipag na estudyante. May mas ikagugulo pa kaya ang storya ng buhay niya?