Chapter 3 - Encounter

34 4 8
                                    

"The one who got a perfect score is.. Mr. Kenneth Cruz." Anunsyo ni Ms. Pascual.

Si Kenneth ang nakakuha ng perfect score. Ang nagi-isang nakakuha ng perfect score. Pero, teka. Kaklase ko pala siya? Ba't parang wala naman siya dito sa room kahapon? Nakakapagtaka. At mukhang hindi lang ako ang nakapansin nito.

"Ha? Sinong Kenneth Cruz naman 'yun?" Sabi doon sa likod.

"Aa. Si Kenneth pala e. Teka, sinong Kenneth?" Sabi ng katabi ko sa gilid.

"Taga dito ba sa room natin 'yun? Parang wala naman siya kahapon." Sabi ni Ruth sa'kin.

"Quiet please. Everyone quiet!" Sigaw ni Ma'am sa'min. "Ehem. So, for those students of this school for the past few years you may already know him and I know you've heard this explanation before, but let me repeat for those transferees."

"Ano naman kaya 'yun?" Sabay naming sabi ni Ruth.

"Mr. Kenneth Cruz is a student of this school, of this section. But, he isn't attending to classes and yes, it is approved by the administrator. He is a genius and joins different competitions for the school. He is not attending class because he already knows these topics that we're studying. He might even know more things than me." Paliwanag ni Ma'am sa amin.

Kaya pala nakita ko siya sa Science Lab kahapon, ayos lang pala 'yun kasi approved na ng mga admin. Mukhang, magaling pala 'tong kalaban ko! Kaya ko kaya 'to?

"Now, moving forward. With the score of 39.." Sabi ni Ma'am.

"39?!" Bulong ko sa sarili ko. "Ang baba naman na ng score ko."

"Ms. Ruth Navarro and Ms. Mariel Santos."

"Oh?! Galing ko manghula a!" Sigaw ni Mariel.

Tumayo ako at nakipag-high five kay Ruth, "Galing natin!"

Kinuha naming sabay ang papel namin. Mukhang marami pala akong kakumpitensya dito. Akala ko si Kenneth lang. Haaay. Dapat magsipag pa ko sa pag-aaral!

"With the score of 27, Ms. Trisha Mae De Jesus."

50 ang highest score, sumunod ay 39, tapos 27 na agad? Mukhang konting-konti lang kaming pumasa. May tumayo na galing sa likod at kinuha 'yung papel, mukhang si Trisha ata 'yun.

"Unfortunately, only Mr. Cruz, Ms. Navarro, Ms. Santos, & Ms. De Jesus passed the quiz. The rest of the class failed." Sabi ni Ms. Pascual na mukhang dismayado.

Apat lang ang pumasa sa pagsusulit na binigay ni Ms. Pascual. At hindi tulad ng inaakala ko, hindi nagalit si Ma'am. Mukhang dismayado lang, walang sigaw, walang sermon.

Natapos ang araw namin na puro subject orientation lang. Pakilala sa mga teachers, pakilala sa mga kapwa estudyante, expectations sa subjects, at iba pa. Mayroon na ring ibang guro na nagbigay ng takda. Tinulungan na namin ni Ruth si Ma'am na maglinis ng classroom.

"Salamat sa inyo a." Sabi ni Ma'am na nakangiti.

"Hala! Si Miss! Ngumingiti si Miss o?" Bulong sa'kin ni Ruth.

"Wala po 'yun Miss." Sagot ko naman kay Ma'am.

Lumabas na kaming dalawa ni Ruth habang naiwan naman si Ma'am sa classroom. Mukhang may gagawin pa siya.

"Sige, Mariel. Una na ko a? Nandiyan na si Mama e." Paalam ni Ruth sa'kin.

"Sige. Bye!" Kumaway ako sa kanya.

Tinignan ko ang relo ko, 5:30PM na. Umuwi na rin naman na si Ruth, kaya mabuti pang umuwi narin ako. Magmumukha naman akong genuine loner kung tatambay pa ko dito sa school ng walang kasama. At isa pa, dumidilim na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang magulong LOVESTORY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon