Eilla
"Tapos na kong magligpit, mag-bihis lahat lahat tulog pa rin kayong dalawa?!" sigaw ko dun sa dalawa kong pinsan na nag kukusot ng mata.
"Ano ba naman yan, Eilla! Ang aga aga, nambubulabog ka. Manahimik ka." Sabay bato sa akin ni Jenny ng unan niya.
"Five minutes." murmur naman ni Andy sa kabilang side ng room.
"Sige, bahala kayo jan! Aalis kami nila lola. Maiwan kayo dito mag isa." Sabay bitbit ng sneakers ko paalis sa kwarto namin.
Papunta ako sa banyo matapos ayusin ang suot ko para mag toothbrush ng biglang dumating si lola.
"Eilla, asan na yung mga pinsan mo?"
"Ah, ma--"
"Eto na kami Ma! Good morning!"
Tss, gigising din naman pala. Pahirap pa sa buhay.
"Oh, good morning din. Bilisan niyo na't mag ayos. Nag aalburoto na ang tiyan ko." Sabi ni mama (mama tawag namin sa kanya kahit lola namin siya) na hinihimas pa ang tiyan niya.
"Hihi sige po mama." Parang tangang sabi ni Andy, ngumingisi pa kasi.
Mayamaya pa ay papunta na kami sa mall. Nang makarating kami ay dumeretso agad kami sa pwedeng kainan.Pinaka malapit na yung Berdeng Alin kaya dun kami pumasok. Fast Foodchain na medyo may class ang dating.
"Justine at Eilla kayo na mag order. Maghahanap na kami ng upuan." Nautusan pa kami ni mama. Binelatan naman ako nung dalawa. Tss, humanda kayo saakin.
Pinuntahan ko na si Kuya Justine na nakapila na. Tito ko siya actually pero trip niyang Kuya na lang itawag sa kanya. Feeling bagets, sa bagay nasa 25 pa lang naman siya.
"Okay na siguro to no?" Tanong sa akin ni kuya na pinakita ang mga inorder niya.
"Oo tama na yan."
"Ay hala, ang gwapo naman nun oh."
"Asan?"
"Ayun oh. Yung nasa counter, yung may kasamang babae."
Chismisan ng dalawang babae sa may table malapit sa amin. Ha, gwapo to? Gwapo ba tong kasama ko?
"Ang gwapo ko talaga." Pag mamayabang sa akin ni Kuya.
"Magimbal ka nga Kuya, pinagsasasabi mo dyan. Naka-amoy ka ba ng medyas?"
"Oo, yung medyas mo. Tsk, Inggit ka lang."
Ako inggit? Wew.
"Eto lang po ba, sir?" Malanding tanong nung babae sa amin- or kay Kuya.
"Oo ate yan lang po." Ako na ang sumagot.
"Sige po ma'am. Ah, sir. Pahintay na lang po after 20 minutes." Talande din nito oh.
Binuksan ko naman yung phone ko at nag timer ng 20 minutes. Sinadya kong ipakita yun sa babae at parang napa-lunok pa siya. Tss. Kaumaga-umaga na babadtrip ako. Alam kong napaka rude ng ginagawa ko, but sila na ang may sabi na after 20 minutes. I'm just making sure of it.
Napapa-iling at ngiti-ngiti na lang si Kuya sa akin. Nasanay na siya sa akin. Umalis na kami sa counter at hinanap sila mama. Medyo malayo yung nakuha nilang table kaya nahirapan kami sa paghahanap ni Kuya.
BINABASA MO ANG
After Break Up [An Exo-l's story]
FanfictionThey used to be happy. I used to be bliss. They used to be 12. And now they're gone. Back then everything was perfect. Back then, 'We are One' was said. What happened really back then 3 years ago? Let's find out. Join me in my journey to the answers...