Bias

16 0 0
                                    

Note: I'm sorry if the series of events are incorrect. (Wooh english!) Kasi naman diba sinimulan ko nung year 2013 pa wooy! Anong taon na? 2015 na kaya, hindi ko na maalala ang nakalipas. Ang pag alis lang nila ang fresh na fresh sa utak at puso ko. Huhuhu.

So eto na:

Eilla


"Ang dami-dami naman kasi nila! Haist. Ok,ulit. Luhan, Kris, Chanyeol, Tao, Baekhyun, Chen, Kai, Xiumin, Suho, Lay, D.O... Sino ulit yung isa?."

"SEHUN!"

"Ay, Gaga!... Argh! Ano ba naman Andy!"

Bwisit naman kasi , nakakagulat kaya.

"Hahaha! Fudge. What a face,Eills! Hahaha yung mukha mo parang na-tae hahaha!"

Lecheng babaita to. Nakaluhod na siya sa kakatawa.

"Bwisit! Lumabas ka nga sa kwarto ko."

"Hahaha sorry. Can't help it. Nakita mo si Jenny?"

"Hindi, lumayas ka na nga!"

"Hahaha sige."

Patawa tawa niya pang sabi habang tumatayo sa pagkakaluhod niya.

Argh! Bwisit na pinsan to oh.

Growl... Growl...

Yung mga dragon ko sa tiyan, gutom na. Lumabas ako at pumunta sa kusina.

"JENNY! BAKLA! Ay, tomboy pala! MAY MGA BINILI AKONG K-POP MERCH! BILIS, TINGNAN MO!"

Ang lakas talaga ng trip ng babaeng to. Gumamit daw ba ng megaphone? Gaga talaga. Para namang ang laki-laki ng bahay namin.

"Hoy! Baliw ka talaga! Maka-megaphone ka jan. Pero, teka, wait. Nasaan yung mga binili mo? Patingin, bilis!" Sigaw ni Jenny papalapit kay Andy sa living room.

"Eto! Eto!"

Pumunta din ako dun dala ang MGA pagkain, makiki-usyoso lang.

"San mo binili?" tanong ko.

Napatingin sila sa akin ng naniningkit ang mata.

"Hoy ikaw! Babaeng sungit! Umamin ka nga, k-pop fan ka na ba?" Dinuro-duro niya pa ako na parang may kasalanan.

Hindi ba obvious?

"Tss." Na lang ang reaction ko.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Welcome to k-pop, girl! Wahaha, yes!" At yinugyog ako ni Andy

"Hihi, so sino bias mo?" Tanong niya pa.

"Bias? Ah, si Luhan."

"WHAT?! ANG MALANDING YUN!? BAKIT? BAKIT SIYA PA?!"

"Hoy! Maka-malandi ka jan. Saksak ko sa baba mo yung Sehun na yun!" Sigaw ko sa kanya.

"Huhuhu Jenny!"

"Manahimik ka nga, Andy. OTP ko din kaya ang HunHan. Congrats, Sungit! Mababawasan ang pagka-sungit mo!"

"Bakit naman?" Tanong ni Andy.

"Duh. Syempre, masaya maging K-pop fan!" Maarteng sabi niya.

"Back to my question. San mo binili?" Tanong ko habang ngumunguya ng Gummies

"Hihi, secret!... Aray!"

"Sasabihin mo o sasabihin mo?"

"Wow, daming choices ha?"

"Sagutin mo na lang kaya?!" Sabay pa kami ni Jenny

"O-ok. Easy. Grabe nakatakot mukha niyo. Sa 'Oppa Loves Me' ko binili. Mura lang dun kesa sa dati nating binibilhan Jenny."

After Break Up [An Exo-l's story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon