Note: The places and other names that you'll encounter are not true or just a product of my imagination. In tagalog, ang ganda ng imaginations ko hahaha. Kdots. Thanks.
Eilla
"Ate-ate, palimos po. Kahit konting barya lang po ate. Gutom na gutom na po kasi talaga ako." rinig kong sabi nung isang musmos na bata sa isang babaeng malapit sa akin kalalabas lang ng mga tao sa simbahan.
Kakatapos lang ng mass, Linggo kasi ngayon.
Nilapitan ko yung batang nanglilimos dahil hindi naman siya pinansin nung babae.
"Woy, bata. Eto oh." Binigay ko sa kanya yung pagkain na kinuha ko sa bulsa ng lalagyan ng gitarang nasa likod ko.
"Ate, pwedeng pera na lang po." nakangiwi pa nyang sabi sa akin.
"Choosy ka pa, ah. Wala akong pera kaya yan na lang. Tsaka diba sabi mo gutom ka? Ayan na.. pagkain."
Nginitian ko muna siya, tsaka ko siya nilayasan. Minsan nakakabwisit din tumulong, kasi napaka demanding pa ng mga tutulungan mo. Gaya na lang nung bata kanina. Grasya na yung binibigay ko, nagpapakachoosy pa. Hays...
Tatlong linggo na rin pala ang nakalipas. Sa tatlong linggong yun hindi ko na alam ang gagawin ko.
Masyadong maraming nangyari. Una, akala ko magkakasama kaming tatlong magpipinsan papunta dito. Yun pala magkakaiba kami ng probinsyang pinagtapunan.
Pangalawa, kailangan kong bumalik sa high school dahil iba ang curriculum ng school na pinasukan ko. Kailangan kong makahabol sa lessons.
Last, limitado lang ang perang ipinadala sa akin. Saktong sakto lang talaga, walang labis walang kulang. Paano naman ang ibang pangangailangan ko? Tss, di talaga nag-iisip ng malawak nanay ko. Kaya nag-hahanap ako ng letcheng trabaho ngayon.
Palakad-lakad lang ako habang nagsasound trip. Di ko alam kung saan ako pupunta, eto na rin ang paraan ko makahanap ng trabaho. Part-time job lang.
Tanghali na ng makarating ako sa tapat ng isang mall. Nagugutom na ako, tsk binigay ko na kasi dun sa bata kanina yung pagkain. Dahil nagtitipid ako, sa isang karinderya ako kumain malapit lang sa mall na natapatan ko kanina.
"Ano sayo, ineng?" nakangiting tanong sa akin ng matandang babae sa loob ng kainan.
"Isa po nito, Ma'am." Nakangiti kong turo doon sa isang ulam na kulay puti.
"Haha, hindi ako teacher iha." Tatawa-tawa niya pang sabi.
"Po?"
I don't get it.
"Wala-wala. Isang order nitong Bicol Express diba?"
Tumango naman ako. Bicol Express pala tawag doon.
Pumasok na ako sa loob at naghanap na ng ma-uupuan. Pagka-upo ko naman ay na-serve na agad ang pagkain na inorder ko with rice, spoon and fork na.
Nice service.
"Haa! Haa! Ang hanghang! Haa!"
"O-oh ineng, eto tubig oh. Dali inumin mo na."
Matapos kong mainom yung malamig na tubig na ibinigay sa akin ni Ate, hays medyo na-alis na yung anghang sa dila ko.
"Ineng bakit mo ba naman kasi kinagat yung sili?" malumanay at nag-aalala niyang tanong.
"H-hindi ko naman h-ho alam na sili pala yun." nahihirapan tuloy akong magsalita dahil sa anghang.
BINABASA MO ANG
After Break Up [An Exo-l's story]
FanfictionThey used to be happy. I used to be bliss. They used to be 12. And now they're gone. Back then everything was perfect. Back then, 'We are One' was said. What happened really back then 3 years ago? Let's find out. Join me in my journey to the answers...