Bea's POV
Kasalukuyan akong pumipili ng isusuot para sa date kuno namin ni Jho. Kagabi kasi mga 8 PM na siya nakauwi. Dahil daw sa nagkayayaan sila ng mga kaibigan niya na mag-gala syempre bilang bestfriend niya karapatan ko naman siguro na magtampo diba? Nag-aalala kasi ako sa kanya, wala manlang text o tawag sakin na gagabihin siya. Medyo nasaktan nga ako eh at ang unfair din. Pag ako nagpapaalam pa sa kanya pero pag siya? Parang wala lang pake eh. Walang pake sa pwede kong maramdaman. Hay.
"Hey, Bei. Be happy." Bulong ko sa sarili ko habang nakatapat sa salamin. Ngiti lang, Bea. Dapat maging masaya ako right? Mag-de-date kami! Gusto niya raw bumawi sakin e, kaya ayun mag-de-date kami. Haha!
Pumunta na ako agad sa ateneo para sunduin si Jho. May class pa kasi siya until now. Pero baka patapos na yun or di niya tapusin ang klase niya dahil math class yun. Haha! Knowing Jho? Baka tulugan o layasan na lang niya ang nakakadugong math. Maya-maya pa eh nagbeep ang phone ko. Tinignan ko at nagtext si Jho.
From: beh jhosa
wer na u beh? tagaaaaaal
Odiba? Misyadong mainipin pero baka tapos na rin klase niya. At, ehem siya yung naglagay ng name na yan sa phone ko. Jhosa (Dyosa) naman daw kasi talaga siya. Hindi na ako kumontra, totoo naman kasi. Diba? Diba?
"Hi Jho."
"Ay mahal!" Gulat na pagkakasabi niya nang makita ako. Hilig kasi sa kape e. Haha! Pero ano daw? Mahal? Sinong mahal niya? Sakit dude.
"Anong mahal? May mahal ka na?"
"Mahal.. A-ano, mahal ang bigas? Tama! Kaya mag-aral tayo ng mabuti." Okay? Ang weird niya.
"Nako, Jho. Tell me, inlove ka?" Syempre kahit ayoko na itanong yun tatanong ko pa rin. Martyr be like diba?
"Yuck naman beh! Ew ew ew! Volleyball, studies, and bestfriend muna dapat." Sabi niya sabay wink sakin. Okay pa naman puso ko. Nakakabit pa naman, pakyu Jho. <3
"The f*ck?" Okay, award-an niyo na ako ng best actress award. Galing ko magtago ng kilig no? Kaya mo ba yun?
"Leche beh. Walang kilig?"
"Wala. Akin na yang bag mo." Seryosong sabi ko saka kuha ng bag niya at hinawakan yung kamay niya para sabay kami maglakad. Hokage moves by BDL.
"Bwisit ka talaga beh." Bulong ni Jho habang tumatawa kaya natawa na rin ako. Ang ewan kasi ng tawa niya e, nakakahawa.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive. Kasi naman, siya nagyaya ng date tapos hanggang ngayon di pa sinasabi sakin kung san kami pupunta.
"Kakain ng streetfoods? Pero kung ayaw mo seafoods na lang di ka naman kasi kumakai--"