Bea's POV
"Beh, gising na."
"Hmm.." Ano ba naman tong si Jho. Parang kapipikit ko pa lang nang gigising na eh.
"Beh, may training tayo. Bumangon ka na dyan. Anong oras ka ba umuwi kagabi? Sabi mo sasaglit ka lang dun kanila EJ pero nagising ako ng 12 midnight wala ka pa rin." Ang daldal talaga ng Jho na to. Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi kanina ko pa siya sinipa palabas ng kwarto. Antok na antok pa ako oh!
"BEATRIZ!" Sabi ko nga e. Tatayo na ako.
"Hi beh! Morning beh!" Nakangiti kong bati sa kanya kahit na medyo napipikit pa ako. Pag kasi Beatriz na tawag niyan ni Jho sakin dapat na akong kabahan. Galit na yan for sure. Hirap pa naman suyuin niyan.
"Good morning rin beh. Dali na bangon na nagprepare na ng breakfast si ate Ly sa baba." Minsan hindi ko maiwasang di mag-assume. May gusto kaya sakin si Jho? Ngitian ko lang kasi or konting pagpapa-cute lang kahit gaano siya kagalit kakalma e. Haha! Pero di ako aasa.
"Yes ma'am." Sabi ko na lang at dumiretso sa CR para maghilamos at magmumog then sabay na kami bumaba ng beh ko.
"Gising na pala ang baby besh at baby Jho namin. Eat na kayo tapos kilos mabilis para makapunta tayo ng BEG ng maaga." Sabi ni ate Ly samin. Kaya agad rin namin siyang sinunod.
Umupo si Jho dun sa tabi ni Gi. Kaya tumabi na lang ako kay Maddie since yun na lang yung pwesto na available at para na rin katapat ko si Jho, di ako mahihirapan na titigan siya.
"Morning Bei!" Nakangiting greet sakin ni Mads.
"Morning Mads!" Nakangiti ko ring bati sa kanya.
Tumingin ako kay Jho na nakatingin samin ni Mads tapos bigla na lang niya kong inirapan. Hala? Problema niya?
"Jho, paabot naman nung pitchel." Malapit kasi sa kanya yung pitchel e. Busy kasi sa pagkain si baby Gi kaya di ko na inistorbo. Etong si Jho, mukhang walang gana.
"Jho?" Hindi niya kasi ako pinansin.
"Okay sabi ko nga ako na." Sabi ko tapos kinuha yung pitchel. Ano nanaman kaya problema nito?
Natapos kaming kumain. Kaya yung ibang teammates namin eh pumunta na sa kani-kaniyang rooms para magayos.
"Bei and flyfly kayo naka-assign sa dishes today ah." Pagreremind samin ni ate Ly tapos sumunod na kay ate Den sa kwarto nila.
"Opo ate Ly." Sabi namin ni Mads at nagtungo dun sa sink.
Sumulyap muna ako kay Jho pero nakikipagtawanan siya kayna Jia dun sa sala. Ang bilis magbago ng mood? Kanina iniirapan ako tapos ngayon?
BINABASA MO ANG
If You Only Knew (COMPLETED)
Любовные романыKung alam mo lang kung gaano kita kamahal.