Bea's POV
"U-uy! Bakit mo ko hinahanap?" Tanong ni Jho dun sa chinito guy.
"Nalimutan mo ba? Yung bet natin?" Natatawang tanong nung chinito. Tinignan ko si Jho tapos parang di siya mapakali na ewan. Yung totoo what's happening here? Anong bet?
"Uy di ah. Nga pala, Marci si Bea. Bea si Marci, blockmate ko pati.. friend."
"Hindi mo na kailangan ipakilala, famous kaya yan si Bea." Nakangiting sabi nito sakin. Ugh! Bakit ba naiirita ako sa kanya?
"Ah ano.. Pwede next time na lang yung sa bet natin? Kasama ko kas---"
"No. Bakit di niyo ituloy ngayon? Ayos lang ako, beh." Sabi ko. Bakit kailangan next time pa? Tsk.
"Oo nga, Jho. Ngayon na lang please? Tapos Bea pwede ka naman sumama samin. Manlilibre lang naman ako kasi natalo ako sa bet namin, nataasan ako ni Jho sa math quiz."
"Oo Bea! Nataasan ko siya ng one point. Ang galing ko diba?" Sabi ni Jho na proud na proud. Ang sweet naman nila, may pataasan pa ng scores.
"Oo." Nakangiting sabi ko. Syempre pilit lang nakakairita kasi talaga yung chinito dito e.
"So Jho and Bea? Tara na?"
"Tara." Nakangiting sabi ni Jho tapos agad na niligpit yung gamit niya at sabay silang naglakad nung Marci. Ako? Nasa likod nila. Guard talaga ako e.
Pumunta kami sa maliit na Japanese resto malapit sa school. At seryosong nakaka-op sila. Tapos si Jho? Ang saya-saya niya kahit ang corny ng pinagsasabi nung chinito. Hindi kaya may gusto si Jho kay Marci?
"Beh, lalim ng iniisip mo ah." Sabi niya nang makaalis si Marci dahil oorder.
"Yes naman you noticed me. Akala ko di mo na alam na I'm also with you guys eh."
"Hala. Sorry beh ang tahimik mo kasi e. Pag kinakausap ka naman ni Marci ngingiti ka lang." Wtf? So kasalanan ko pa?
"It's because ikaw yung gusto kong kausapin ako." Medyo nagulat rin ako sa sinabi ko pero hayaan na lang. Totoo naman e.
"Sorry talaga beh. Hindi ko alam na nao-op ka na pala. Sorry talaga."
"Yea right. Sobrang saya mo kasi with him eh." Sabi ko at buti na lang dumating na si Marci dala yung inorder para saamin. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para umarte ng ganun kay Jho.
"Diba Jho you like seafoods? Here eat this."
Kung hindi ko sila kilala. Malamang iisipin ko na sila na. At ang sakit lang isipin nun. Pero naniniwala naman ako dun sa sinabi ni Jho na hindi muna siya magiging open sa mga love na yan at uunahin niya ang lahat ng bagay na mas importante ngayon.
"Beh, ikaw diba favorite mo to? Shrimp say ahh." Nagulat naman ako sa ginawa ni Jho kaya wala sa sariling sinubo ko yung shrimp.
"Isa pa, beh?"
"Enough na beh, may kamay naman ako e. Ako na lang." Natatawang sabi ko.
"Ehh beh naman eh sige na last na to promise." Sabi niya kaya naman napailing ako pero sinubo rin yung shrimp.
"Very good talaga tong baby ko." Tumatawang sabi ni Jho. Did she just call me her baby kahit na may ibang tao? Bumabawi ata ang Jhoana ko ah.
"Syempre beh." Proud na sabi ko napalingon naman kami kay Marci na pekeng umubo.
"Ang sweet niyo guys. Friendship goals talaga!" Sabi niya na ikinangiti ni Jho.
"Yep love na love ko tong bestfriend ko eh." Sabi ni Jho sabay akbay sakin. Okay na sana e. Nilagyan pa ng 'bestfriend' o ayan na Bea gising na. Wag ng umasa.
Nagkwentuhan na lang sila tapos tahimik na lang akong kumain. Sa sinabi ni Jho, halatang walang pag-asa eh. Ang saya-saya niya nung binanggit niyang bestriend niya ko na parang sinasabing hanggang bestfriend lang talaga.
Sino ba kasi nagsabi na umasa ka, Bea? Wag ng umasa. Tsk.
"Beh, babawi ako sayo ah? Sorry talaga pero may kailangan kaming asikasuhin na project ni Marci eh."
Tinignan ko si Jho at kita ko sa mga mata niya na importante talaga yun. Kahit ayoko, sino ba naman ako para di siya payagan diba? Atleast nagpaalam siya sakin. Okay na siguro yun.
"Sure ayos lang beh. Wag ka magpagabi ah." Sabi ko na lang at nginitian siya.
"Oo naman. Bye beh." Sabi niya at bumeso sakin tapos sumama na kay Marci.
Kawawang Bea mag-isa nanaman. I decided na bumalik na lang sa dorm para magpahinga and at the same time para siguro makapagisip-isip na rin.
Hay Jho, bakit ba ganun? Bakit ang hirap mong mahalin? Ang complicated misyado. Simpleng hiling mo hindi ko kayang tanggihan. Argh! Bakit ba mahal na mahal kita?
![](https://img.wattpad.com/cover/66303652-288-k738578.jpg)