Epilogue

29.8K 718 399
                                    


"You may now kiss."





Isa sa pinakamasaya at magandang nangyari sa buhay ko yung araw na iyon. Yung araw kung saan pinatunayan at pinakita namin kay God na mahal talaga namin ang isa't-isa... yung araw na ikinasal ako sa taong mahal ko... yung araw kung saan naging ganap na akong Jhoana Maraguinot De Leon.





Maraming beses na kaming nagkiss pero masasabi ko talaga na iba yung feeling nung araw na yon.




Simple lang lahat sa kasal namin... pero naging magical yon the moment na makita ko siyang hinihintay ako sa altar. That day, when our eyes met... hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko... pero pakiramdam ko, isa akong prinsesa na hinihintay ng prince charming ko na isa ring prinsesa.





Fresh pa rin saakin lahat kahit na tatlong taon na yung nakalipas simula nung ikinasal kami. Sobrang saya pa rin talaga.








"The day I first met you, aaminin ko... parang wala lang. Normal lang. Sabi ko pa dati sa sarili ko, ikakasal lang ako dun sa taong unang kita ko pa lang, siya na talaga. But I was wrong... that made me realize na... We should ALWAYS look again. Not because the impact was not that good or great at first glance dapat na natin balewalain iyon. You know what Jhoana? The second time I looked at you... it really hit me hard. Kaya ito ako ngayon, kaharap mo dahil hanggang ngayon... at kahit lumipas pa ang 1415ever yung epekto mo saakin... hindi pa rin mababago. Thank you dahil you made me realize many things... dami kong natutunan sayo. Kaya ngayon, I promise to love and love and love you 1415ever and more. I will give you everything because you are my everything. I love you, Mahal na mahal kita baby Jhoana ko."









Heartfelt.




Hindi ko nga alam sasabihin ko nung sinabi niya yon eh... kinilig, sobrang kinilig at na-inlove lang ako lalo. Sobrang swerte at blessed ko talaga to have her as my bestfriend and lifetime partner.





Yung vow ko sa kanya? Masyadong mahaba eh... pero basta nagpromise ako sa kanyang magiging mabuti akong asawa at hindi magsasawang mahalin siya.






"Mommy!!!" Natigilan naman ako sa pagluluto nang marinig ang boses ni Luis.





Hay nako. Ano nanaman kayang ginawa ni Bea dun?




Agad akong pumunta sa sala tapos nakita ko si Bea na tawa lang ng tawa.






"Ano nanaman ginawa mo Bea?"





"Huh? Wala ah... Pfft."





"Dada you're a liar! Mommy oh gugulo po ni Dada yung toys ko." Inis na reklamo ni Luis sabay yakap saakin. Sinamaan ko naman ng tingin si Bea.





"Wag mo guluhin si Luis kitang naglalaro eh."





"Huh? Inaayos ko lang yung toys niya... diba baby Luis?"





"Ayaw kita kalaro nga diba Dada? Ang kulit mo po kalaro kaya si Mommy sigaw ng sigaw pag naglalaro kayo sa gabi. Hay nako ayaw ko po maingay." Sabi ni Luis.







Nagkatinginan naman kami ni Bea. Jusko po.





"Naririnig mo kami magplay?" Tanong ko kay Luis tapos si Bea naman naghihintay lang ng sagot. Facepalm.





"Opo ang ingay niyo dalawa kahit po sa kwarto ko ako ririnig ko kayo."





"Sino naman nagsabi sayong nagp-play kami?" Tanong ko ulit.




If You Only Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon