"May practice daw ng sayaw mamayang hapon." Sabi ni Ruth
"Lahat daw ba sasayaw?" Tanong ko.Gusto ko rin kasi siyang makasayaw.
"Pili daw eh.Sa level natin,sampu daw kada section.Nasa baba yung listahan."-Ruth
Bumaba na kami para tignan yung listahan.A part of me hopes na sana kasali ako doon kasi alam ko na ang taas ng possibility na makasali siya.Kasi pag nakasali siya,magkakaroon ako ng pag-asa na makapartner siya.Kahit doon lang sana,maisayaw niya ako sa gabing 'yon.
"Kasali kaya siya?" Nasabi ko nalang out of nowhere...
"Oo pre,kasali siya.Pero sad to say..."-Ruth
"Iba ang partner niya."-Cara
Ang saklap naman.Minsan na nga lang akong humiling,'di pa natupad.Ganun na ba akong kasama?Wala ba talagang pag-asa na makasayaw ko siya?
"Hayaan mo na,pre.God have his own plans." Pag cocomfort sa'kin ni Cara.
Ang OA ko ba?Well,siguro kung titignan niyo parang ganun na nga.Pasensya na kasi tatlong taon ko nang hinihintay to eh.Ang tagal kong hinintay yung pagkakataong 'to.Tapos,iba pa yung makakapartner niya.
--
"Isasayaw daw ako ni Rom..." Kilig na sabi ni Ruth.Kakagaling niya lang sa baba.
"Oh?Pano ka niyaya?" Tanong ko.Buti pa siya niyaya ng crush niya.Ang swerte niya naman.
"Ayun,sinabi niya sa'kin isasayaw niya ako.Wala nang tanong tanong.Haha."
Hinayaan ko na lang siyang magkwento.Tutal wala naman na akong masasabi.Baka lumabas lang yung ka bitteran ko,di bale nalang.Ano pang masabi ko sa kanya.Baka masabi ko lang, 'Uy,walang forever.Di kayo magkakatuluyan' o di naman kaya, 'Tama na yan!Walang patutunguhan 'yan!' Ano pa ba?
"Huy!Nakikinig ka ba?" Biglang tapik sa'kin ni Ruth.
"H-ha? Oo naman.Hehe"
"Di ka naman nakikinig eh.Ayos lang.I understand." Sabi niya.
"Di.Ano kasi..."
"Alam ko.Pasensya na talaga.Kinilig lang ako."
Ano ba 'to.Pati mood ko affected na.Dahil lang doon.Jill,don't lose hope.Malay mo,may mas magandang plano si God.Pero parang wala talagang pag-asa eh.Ano ba 'tong sarili ko.Minsan naguguluhan di ako eh.
"Section B,may meeting daw lahat ng Juniors mamaya para sa Prom." Pag aannounce ng mayor namin.
--
"So lahat ba ay may mga susuotin na para sa friday?" Tanong ng principal namin.Siya ang namununo sa meeting ng Juniors.
"Yes Ma'am." Sagot namin.
Sinabi lang niya yung tungkol sa daan,sa map,yung sa service na sasakyan.Yung mga waiver,pinamigay din yung mga invitation.Kinwento din yung tungkol sa pag aalok ng sayaw sa mga babae.Na dapat daw,in a good way.Naiimagine ko kung aalukin niya ako ng sayaw.Hay...nakakakilig lang.Pero hanggang imagination lang yun eh.Hanggang doon lang,hindi na lalampas pa.
"And,doon nga pala sa practice ng sayaw,yung mga hindi nakasama sa listahan,sabay na rin yung practice niyo mamaya.That's all,thank you.Goodbye." sabi ni ma'am at umalis na sa auditorium.
--
Kapartner ni Pyron si Clarisse.Kaklase ko.Magkaiba kasi kami ng section eh.Ako,kapartner ko naman yung ka tropa ni Pyron.Eto nga,nagpapractice na kami ng sayaw namin para sa prom.At ang partner ko,todo asar.
"Ayie...Pyron..." Pangaasar ni Tom,partner ko.
"Leche ka.Tigilan mo 'ko."
"Hahaha.Wawa naman,iba partner ni Py."
"Tigilan mo 'yan nako.Kapag ako sinayaw ni Pyron,tignan mo,who you ka sa'kin."
"In your dreams!" Yeah.In my dreams.Kahit nga sa panaginip parang ang labong mangyari nun eh.Aasa na naman ba ako?Ayoko na.Hayaan ko nalang sigurong lumipas yung prom.
"Game na!Umayos ka naman.Kanina ka pa nakatingin sa likod eh." Sabi ni Tom.Di ko kasi makuha yung steps.
"Eto na nga.Maayos na!" Sabi ko.
"Tingin pa kasi kay Pyron.Masasaktan ka lang." Bulong niya.Akala niya di ko narinig?Tss.Masasaktan ka lang.Oo nga naman.Masasaktan lang ako.Bakit ko pa sila titgnan sumayaw tapos may patawatawa pa.Halata namang masaya siya kasama yung babaeng 'yon.Hay nako nga naman Pyron.