[03] O

10 0 0
                                        

"Ang kapal naman ng foundation ma!" Pagrereklamo ko kay mama.Prom na namin at si mama ang nag memake-up sa'kin.

"Wag na magreklamo.Huhulas din yan kasi pag papawisan ka mamaya.Pawisin ka pa naman."

"Eh.Baka naman di nila ako makilala niyan,hindi pa nila ako maisayaw." Sabi ko.

"Sayaw sayaw.Ah,sus!'Wag kang mag alala,makikilala ka pa ni Pyron!" Pang gogoyo ni mama.Well,kilala ni mama si Pyron kasi lagi ko siyang naikekwento.You see,open ako kay mama sa mga ganyan.

"Pyron.Sus!Di ako isasayaw nun.Asa pa ko?Wag na uy!"

"Wag na daw pero sa kaloob looban.Oh,siya.Mamaya na lipstick.Suotin mo na yung gown mo."

Umakyat na ako at sinuot ko yung gown.Bagay kaya sa akin yung gown pag naka ayos na ako? Simple lang yung make up na nilagay sa akin ni mama.Pinaayos niya naman ng pakulot yung buhok ko sa bakla.

Ang gown ko,isang simpleng long gown lang na kulay pink.May mga sequins na nagpapakinang sa gown.First time ko ngang magsuot ng pink eh.Kasi yung pagka pink niya,hindi nakakasawa tignan.May slit di siya na di ganon kahaba tapos hindi siya tube.Yung kabila lang.Yung isa sleeveless,kabila pa tube.Gets niyo?Naka heels din ako na black.

Bumaba na ako para ipakita kay mama yung itsura ko.Baka kasi may mali,'diba?

"Ikaw ba yan Jill?" Tanong ni mama.

"Hindi.Ako yung nawawala mong pusa." Sarcastic kong sagot kay mama.Pano ba naman,para siyang si Ruth kung makatingin.Kumikinam kinam yung mga mata niya.Kulang nalang lagyan ng stars eh.

"Tao ka na!Halika,halika.Pipicturan kita,dali!" At hinila na nga niya ako papunta sa may magandang background at pinicturan na.

--

"Ilagay mo naman yung maskara mo." Sabi ni mama habang pinipicturan na naman kami.Nandito na kami sa venue.Sumabay kami sa service nila Cara.Kasabay din namin si Ruth.Dito lang kami sa isang hall ng sikat na university.May fountain bago ka makapasok sa mismong venue.Doon,pwedeng mag picture picture.May mga benches,lights na iba't ibang kulay.

"Oh,bilis.Tayong tatlo naman.Mamaya pa daw dadating si Dan eh." Si Danica,yung isa naming kaibigan.Dan for short.

"One...two...three...Smile!" Sabi ni mama habang pinipicturan kaming tatlo.

"Isa pa!Isa pa!" Tuloy tuloy lang yung pag picture namin.Pero palingat lingat din ako.Nasaan na ba siya?Kanina ko pa siya hinahanap eh.Ano kayang suot niya?Ano kayang kulay ng polo niya?Siguro ang gwapo niya.

"Tara pasok na tayo sa loob.Magkatable tayo eh." Sabi ni Ruth.

"At saka,malay mo,nandun na si Pyron my loves mo.Haha." Dagdag pa niya.Sana nga nandoon na siya.Eh kung nandoon nga siya,isayaw niya kaya ako?Mapansin niya kaya ako?Hay nako.Ewan.Bahala na nga.Eenjoyin ko nalang 'tong gabing to.Pero kinakabahan ako...Bakit kaya?

--

Mga maliliwanag na ilaw...

Mga magagarbong lamesa...

Mga taong naka todong ayos...

Ako,nagpa make-up na kadalasang hindi ko naman ginagawa kapag ma okasyon.

Nakaheels ako kahit hindi naman ako sanay.

Nagbawas pa ako ng kain para lang dito.

Nag effort ako para sa gabing 'to kasi alam kong minsan lang mangyari.

Galing pa sa ipon ko yung pinangbayad ko dito.

Nageffort ako para sa kanya...

Sana naman,kahit ngayong gabi lang,mapansin niya.

Unforgettable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon