Epilogue
"Ang sarap naman nito!Huy,Jill,di mo ba gagalawin yang pagkain mo?Sayang bayad mo ah." Sabu sa'kin ni Ruth.Nakita ko siya...Mas lalo siyang gumwapo sa suot niya.Dark gray na suit...Light pink na polo.Terno kami.Pink.Pero siguro,nagkataon lang 'yon.
"Ay,nakatingin kay Pyron.Di ka talaga makakakain niyan.Tsk.Sumubo ka na!"
Imbis na titigan ko si Pyron hanggang sa matunaw,eh kumain na nga lang ako.Sayang naman yung binayad ko no.Pero...ano ba yan!
"Wait lang ha?Kukuha pa ako ng salad." Sabi ni Ruth.Ang takaw talaga.
"Iiwan mo din ako?Pati ba naman ikaw,iiwan ako?" Pagdadrama ko.Feel kong magdrama ngayong gabi.Ang swerte niya lang,kasi mamaya,isasayaw siya ng taong nagugustuhan niya.Eh ako?
"Maghintay ka lang diyan.Sanay ka na naman 'diba?Haha."
Maghihintay na nga lang ako.Ano pa bang magagawa ko.Palagi nalang ganito.Maghihintay.Nilabas ko na lang yung cellphone ko at tinignan yung wallpaper...Picture namin 'to nung March 23.Last year.Madami na kaming pictures pero ito yung memorable.Yun kasi ang first selfie namin.Hay memories...
"Jill!" Sigaw ni Ruth na parang ewan.Nanginginig nginig pa yung boses.
"Oh?"
"Mag ayos ka dali.Magpipicture kayo!" Picture?Sino naman?
"Ha?Di kita magets." Tinuro niya lang yung tao sa likod niya na parang naka abang.Si Pyron...
"Tara,picture tayo sa labas." Sabi niya na nag gegesture pa ng picture.Totoo ba to?Siya na yung nag aaya sa akin mag picture?Hindi na yung asar asar o dare?Di nga?Baka nananaginip lang ako.
Natulala ako saglit. "Tara?" Sabi niya at inalok pa yung kamay niya sa akin.Lord,totoo po ba ito?
Hinawakan ko na yung kamay niya.Dere deretso lang ang lakad namin.Lahat ng mga madadaanan naming kaibigan ay pinag uusapan kami.Puro asar yung mga naririnig namin.Alam naman kasi ng mga kaibigan ko na parang 'Dream Come True' itong pangyayaring 'to.Dahil nga masikip yung daan,nabitawan ko yung kamay niya at nauna siya sa akin.
Dumiretso na ako sa photobooth malapit sa entrance pero,"Hindi dyan." Pagtawag niya sa akin.
"Ha?"
"Doon." Tinuro niya yung fountain sa gitna.Doon sa fountain,nakita ko rin ang isang babae at lalaking may dalang DSLR na camera.Namumukhaan ko yung babae...Nakita ko na siya sa school...
"Ma." Sabi ni Pyron na nakaturo sa akin.Nasa likod niya kasi ako.
"Hi po Tita Anne." Sabi ko at tumingin naman sa lalaking may dalang camera.
"Hello Jill.Kay gandang bata nga naman oh."
"Haha.Salamat po Tita."
"Ako naman si Tito Tony.Daddy ni PJ." Sabi ni Tito Tony.Nakipag shake hands nadin ako at nag goodevening din syempre.
"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Py.Hinihintay pa kasi namin matapos yung naunang nangpipicture eh.
"Oo.Ayos na ayos."