"Eto,gusto mo?" Pinakita sakin ni mama ang isang tube gown na color blue.Marami siyang beads sa bandang dibdib at may malaking ribbon sa likod sa bandang gitna.
Tinitigan ko yung gown saglit. "Ayoko nyan." Favorite color ko ang blue pero ayoko ng ganong design.Gusto ko simple lang,pero elegante.
Hinarap sakin ni mama yung gown na black.Tube siya tapos pa-balloon."Eh eto?" Tanong ulit ni mama.Sa totoo lang pang limang gown na ata yun.Pero wala parin akong mapili eh.
"Nah.Para akong Cinderella na nagluluksa dyan." Yun nalang ang nasabi ko kay mama.Totoo naman eh.Alangan magsinungaling ako 'diba? "Nako batang 'to.Sige,tara na.Umuwi muna tayo."
Umuwi na kami ni mama tutal wala naman akong mapiling gown.Hay nako.Pano ba 'to?Madami na akong nakitang gown pero wala talaga akong magustuhan eh.
//Doorbell
Sino naman kaya yung bisita ni mama?Wala naman siyang nabanggit sakin ah.
"Jill,nandito si ninang Jo mo oh.May dalang gown.Sukatin mo nga." Sabi ni mama papasok sa bahay.
"Po?Talaga po?Eh magkano naman po ang renta?" Tanong ko.Kasi baka mahal 'diba?Sayang naman ang pera.
"Wag mo nang alalahanin yun Jill,libre na para sa paborito kong inaanak." Sabi naman ni Ninang Jo.Inabot niya sakin yung gown at pumunta ako sa kwarto para masukat ko.Noong una kong sinusuot,medyo hindi ako kumportable.Pero nung tumagal,ok na rin.
Bago ako bumaba,tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin.Habang nakikita ko yung sarili ko suot yung gown,isa lang ang naisip ko.
Gusto ko tong gown na 'to.
--
"Ano,may gown ka ba para sa friday Jill?" Tanong sakin ni Ruth.
"Meron na." Matipid kong sagot.Si Ruth naman ay parang may mga bituin sa mata niya nung narinig niyang may gown na ako.Alam niya kasing ilang linggo na akong naghahanap ng gown at wala akong mapili.Choosy kasi ako eh,bakit ba?
"Talaga?Oh my.Anong kulay?Malalim ba?Tube?Pa-balloon ba?Matingkad?Maraming glitters?Anong kulay ng heels mo?May bag ka na ba?Sino mag aayos sa—" tinakpan ko yung bibig niya ng panyo ko.Sunod sunod kasi yung tanong niya eh.Nga naman oh.
"Ay!Bat mo naman tinakpan yung bibig ko.Nako Jill,ang sadista ah.Pano mo nagawa yun sa kaibigan mo?Bakit ka ganyan?Ang hilig mong manakit.Pare-pareho lang kayong mga lal—" at tinakpan ko na naman ang bibig niya.Yan na naman yung line niya eh.Paulit-ulit nalang.
"Jill naman!" Sabi niya at nag pout pa.Anomg gusto niyang gawin ko?Hay nako buhay.
"Uy,ano nga kulay ng gown mo?" Di ko siya pinansin.Yan nalang lagi yung topic niya kapag magkasama kami eh.Gown,make-up,heels.Ano pa ba?Bag,hair,etc.
"Uy,anong kulay ng gown mo?" Pangungulit niya.Ang kulit niya talaga.Sobra sobra na.Kaya I gave in.
"Pink." Sabi ko.
"Oh my gosh!Pink?!Ikaw,Jill,magsusuot ng pink na gown?" Sabi niya.Well,di niya lang sinabi.Nasigaw niya pa kaya napatingin samin yung mga kaklase namin.Buti nalang at vacant.Wala kaming teacher.
Pinanlakihan ko ng mata si Ruth. "Napakaingay eh." Sabi ko.
"Eh kasi naman po.Ikaw?Mag go-gown na pink?Seryoso?As in?Hahaha." Sabi ni Ruth na hindi makapaniwala.
"Kumain na nga lang tayo.Asan na ba si Cara?"
"Ah,nag cr lang.Makikita nalang natin yun sa baba.Tara."
Pumunta na kami sa canteen para bumili ng lunch.Ay,sila lang pala yung bibili.May baon ako lagi eh.Share ko lang.
"Uy, si Pyron oh." Sabi sakin ni Ruth at sinisiko siko pa ako.Ako naman,si blush.
"Tigilan niyo nga ako." Yun nalang yung sinabi ko para di mahalatang kinikilig ako.
"Hahaha.Para ka nang mansanas,Jill." Pang-aasar ni Cara.
"Ganyan nga yan pag si Pyron na.Ngiti agad.Pula agad.Haha." Panggagatong pa ni Ruth.
"Heh.Tara na nga." Sabi ko at nag last look pa kay Pyron.T-tama ba yung nakita ko?Nakatingin din siya sa'kin?Baka naman guni guni ko lang yun?Tss.Nagkataon lang yun.
