It was an epic scene! Ito yung scene na hindi ko alam ang dapat kong gawin o ireact. They are all here, chatting while fitting their chosen suits for the party tonight, while me? I just sat here and watched them coping up, and this made me realize na ako ang dahilan why they are all sufferring, ako yung hindrance sa kanila, ako yung nagpapagulo sa kanila and look now they are very cautious not to bring the past... Because they all care for me, what would they feel if i told them that i do not have amnesia and this is all part of my drama...

"Pang catwalk na ba bessy? Hihi... Hey bessy, lalim ng iniisip mo. Care to share?", sabi ni Betty sabay upo sa tabi ko.

"Ha?", ang totoo di ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya o sinuman sa kanila. Dahil hanggang ngayon hindi pa din maprocess ng utak ko na nandito siya, na kasama ko sila...

"Bessy naman ih! You're not you when you're hungry. Buti na lang i always bring snickers with me. Here oh, you take it na i'll buy 1 box na lang ulit later", labag sa loob na alok nya sa akin ng chocolates nya.

Kahit corny napasaya pa din naman ako ni Betty, minsan aakalain mo na biro lang ang lahat sa kanya pero at times na down ako at may problema siya lang talaga ang maaasahan ko na makaintindi sa akin.

"Salamat Betty".

"Seriously, bessy if you need my advice just say it. Ayoko na pangunahan ka kasi nirerespeto ko desisyon mo. Pero kung di mo na kaya at kailangan mo na ng kausap remember B, remember E, remember T, remember T, remember Y. What do you get?", with action pa talaga sya sa harap ko.

"Tss. Betty..." kuya Dex interrupted with bored smile on his face.

Hindi naman makapaniwalang humarap si Betty kay Kuya Dex at patakbong yumakap dito. Imbes na mahiya siya dahil nakita ni kuya ang action niya naisip pa niyang lumandi. Hay naku naman!

"What the---", nabigla si Kuya sa pagyakap sa kanya ng mahigpit ni Betty.

"Yes, Dexie my loves! Yes! Yes! Yes!", nagtatakang tiningnan ako ni Kuya, di ko din alam kung bakit nagkaganyan siya.

"Hey, Ugly Duckling, what are you saying? Are you crazy?", pinipilit pa din alisin ni kuya ang pagkakayakap sa kanya ni Kuya pero may pagkatuko ata makakapit itong si bes.

"Yes! Dex i'll marry you everywhere of my everyday!", masayang sigaw ni bes habang mahigpit pa din na nakakapit kay kuya.

Nagtataka namang lumapit sina Michael at Vince sa amin.

"What?!", my brother asked in horror.

"Did you just propose Dex?", asked Michael.

"Without us knowing? Dude, you just broke my heart! Grabe dude wala ka man lang pasabi.", himutok ni Vince.

"Ha? I did not, even me nabigla sa mga pinagsasabi nitong ugly duckling na to.", sagot ni kuya napansin ko din na hindi na niya inaalis ang pagkakayakap ni Betty sa kanya.

"Aw, sorry I'm just carried away you know naman how excited I am sa honeymoon natin.", nakangiting sabi ni Betty.

"WHAT?!", sabay sabay namin tanong kay Betty.

♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡

After the epic scene kanina umalis na sila pagkapili ng suit and dress na gagamitin nila this evening. Mag isa na lang ako dito sa boutique at balak ko sanang magsara ng maaga para pumunta at tumulong sa factory.

Nagaayos na ako ng gamit ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Michael.

"May nakalimutan ka ba?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yes."

"What is it? Magsasara na kasi ako."

"Good. Because its you that i left.", nakatitig na sagot niya sa akin.

"Ha?", hindi ako makapaniwala sa narinig pero syempre ayoko naman umasa na ako nga ang nakalimutan niya.

"Let's go wife.", lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Dahil sa bigla ay hindi agad ako nakapagsalita, naestatwa na nga ata ako sa kinatatayuan ko. Tama ba ang dinig ko? Tinawag niya akong wife? Ibig bang sabihin nun...

Naputol ang pag iisip ko sa mga what ifs ng maramdaman kong hinawakan niya ang aking palasingsingan at tinitigan ito.

"Kahit gaano mo itago at pilit kalimutan, alam ko ako pa din Daniella, ako lang..."

Gusto ko ng lamunin ng lupa dahil hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa sobrang pagkabigla. Hindi ko alam kung paanong pagpipigil ang gagawin ko para hindi tumulo ang aking luha.

Kasi bumabalik lang lahat ng sakit. Lahat ng pilit kong kinakalimutan. Lahat ng pagdurusa at pighati na tiniis ko noon.

Tama naman siya, mahal ko siya, hindi mahal na mahal na mahal ko siya kaya nga napakaconfident nya na hindi ko sya magagawang iwan e.

"What are you saying?", kunwaring tanong ko sa kanya. Kasi di ba nga nagkukunwari akong may amnesia.

"Stop the drama wife."

Dont tell me he knows that I'm just acting? My god! Because if he does, hindi ko alam kung matatakot ako o mas lalong masasaktan dahil sa loob ng dalawang taon hinayaan niya ako o mas mabuting sabihin na pinabayaan niya ako. Is that how much he hates me?

Humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya

"Let me go, nasasaktan na ako.", niluwagan nya ang pagkakahawak sa braso ko and grin at me.

"Did you just ask me to let you go?", singhal niya sa akin.

"F@cking sh!t Daniella! I let you do whatever you want for 2 d@mn years and now what?", galit na sigaw niya.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko na naguunahang pumatak pati ang katawan ko gusto na din bumigay. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at nakatulala lang.

Lahat ng sakit bumabalik, hanggang ngayon pala hindi ko pa din kaya. Masakit pa din. Sobrang sakit...

"You are the most selfish person i ever knew! Sarili mo lang ang importante sayo, naisip mo ba ako Daniella? Did you ever think how miserable i am coping up on my own? Without you! Without my wife!"

And with that i look up to him and saw how miserable he is. He's right, i am a selfish bitch!

Selfishly Inlove (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon