Chapter: 2 The First Victim

33 3 0
                                    

THE FIRST VICTIM
------------------------------------


Kieffer Vince POV


I was on my way to my classroom. Hindi ako umiimik kahit na ainabati ako ng mga taong nakakasalubong ko. Blanko parin yung isip ko gawa nung nangyari kanina.


Nang makarating ako sa classroom ay dali dali kong binuksan yung pinto. Hindi ko alam kung napapraning na ko. Para kasing may mga matang kanina pa sumusubaybay sa mga kilos ko.


Pagkapasok ko ng classroom ay agad ko ding sinara yung pintuan. Nilock ko agad ito. Relieve? Oo. Pakiramdam ko natakasan ko na yung kamatayan ko. Narahan akong napapikit at sumandal sa pinto. Sa wakas! Bawas na yung kabang nararamdaman ko. Bahagya akong napangiti habang nakapikit. At namg maidilat ko na yung mga mata ko? Para akong pinagsakloban ng langit at lupa. Yung mga mata nila. LAHAT SILA NAKATINGIN LANG SAKIN. Tila ba inaantay kung ano yung susunod kong gagawin. Maging yung adviser namin ganun din.


Bwisit! Para na kong mamamatay sa kahihiyan! Wait?! Parang mas magandang mamatay nalang sa kahihiyan kaisa mamatay sa kamay ng kalaban.


"Mr. Buenaventura? Ayos ka lang ba?"Napatingin ako sa Adviser namin ng tanungin nya ko.


"O-Opo"Napakamot nalang ako sa ulo ko. Takte! Hot seat?!


"Osya. Maupo ka na at may iaannounce ako"Utos ni Maam.


Nakayuko akong naglakad papunta sa pwesto ko. Yung mga mata nila. Tangna. Daig ko pa yung may ginawang krimen dahil sa mga titig nila e -_-


"Anyare sayo?"Tanong ni Steve ng makaupo ako. Hindi ko nalang sya sinagot. Wala talaga ako sa hulog ngayon. Ayoko munang makipagusap sa kanila.


"Kieffer?"Bulong nya. Tinignan ko lang sya ng masama.


"Sabi ko nga, titigil na" Sabi nya habang nakapeace sign. Hindi ko nalang sya pinansin. Kasalanan nya to e. Kung hindi nya lang ako iniwan dun sa library ng magisa edi sana hindi nangyari sakin yun. Pero siguro kung nandun sya. Baka nauna pa sakin yan sa pagtakbo -__-


"Ok class, I would like to inform you na magkakaroon tayo ng Camping bukas. That will be your last bonding since magsesenior na kayo. Yan na din ang magiging project nyo sa subject ko "Paliwanag ni Maam. nagsimula nading magside comments yung iba.


"Maam, Pano po pag ayaw naming sumama. Magpapasa nalang kami ng special project"Suggest ni Michael. Saglit namang nagisip si Maam. Samantalang walang humpay sa side comments yung iba naming kaklase.


"Pwede din naman. May kapalit nga lang. Maghuhugas kayo ng pinggan sa canteen in 1 week. So deal?" Napakamot nalang sa batok nya si Michael. Samantalang yung iba e parang napipi na. Tsj. Mga ayaw sumama pero takot maghugas ng pinggan :3


"Sa ayaw at sa gusto nyo. Required kayong sumama. And by the way. Kasama na tuition nyo yung bayad sa camp kaya wala na kayong poproblemahin bukod sa sarili nyo"Nakangiting sabi ni Maam. Kasabay nun  ang napakalakas na tunog ng School bell. Napatakip nalang kaming lahat sa tenga namin.


"Damn that speaker! Always irritating my ears!"Maarteng sigaw ni Ezreal. Hindi nagtagal tumigil din sa pagring yung bwisit na school bell na yun.


Bigla naman kaming nakarinig ng napakalas na katok sa pinto. Punyeta! Ano bang problema ng mga tao ngayon?!


Dali dali namang binuksan ni Maam yung pinto at agad din namang tumambad sa harap namin si Hazel Kato, Isa sa mga SSG ng school namin. Pawis na pawis sya.


"S-Si Kenzo"Natatarantang sabi ni Hazel. Agad naman kaming lumapit sa kanila para makinig. Kaklase namin si Kenzo kaya normal lang samin na magalala.


"Anong nangyari sa kanya?"Natatarantang tanong ni Maam. Hindi ko na inantay kung anong isasagot ni Hazel. Dali dali akong tumakbo palabas ng Classroom. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng mga kaibigan ko. Nyeta! Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo.


"Dito bilis!"Sigaw samin ni Kean habang tumatakbo papunta sa labas ng building. Agad din naman kaming sumunod sa kanya. Paglabas namin ay agad na bumungad ang mga estudyanteng nagkukumpulan. Ang ilang ay nagtitilhpan at nagsisigawan. Na tila ba takot na takot sa kanilang nakita.


Marahan kaming nakipagsiksikan para makita kung anong pinagkakaguluhan nila. Tulak dito, tulak doon. Hanggang sa makarating kami sa unahan.


Buong akala ko ay maliligtas ko sya. Pero mukhang huli na. Wala na yung matalik kong kaibigan. Halos manlaki ang mga mata namin ng makita namin ang kalagayan nya.


"Oh God?!"


"This can't be happening!" Kung ano ano nang naririnig ko sa kanila. Samantalang ako nakatitig lang sa kaibigan kong naliligo sa sariling dugo, laslas ang leeg at puro saksak ang buong katawan.


Paano nangyari to? Bakit sa kanya pa? Dahan dahan akong napakuyom habang nanginginig ang buong katawan ko. Isang bulong.Isang bulong na nakapagpataas ng balahibo ko. Isang bulong na nagmula sa isang tao na nasa likuran ko.


"You're next!"


P L A Y ' S   N O T E

Bitin ba? Sorry yan lang yung kinaya ng utak ko e. Isang araw ko lang kasi yan ginawa. By the way may Part 3 po yan. Sa monday ko na po ipopost. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEAD END: Bloody CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon