CHAPTER ONE

488 15 5
                                    

SUE's POV

Naglalakad ako ngayon sa kaldasa papuntang school.Medyo nagmamadali na ako kasi malapit ng mag -time. NAgsisisi na talaga akong maglakad . Hay naku bakit ko pa napagtripan maglakad?  Nakakainis tuloy. At kanina ko napapansin na parang may sumusunod sa akin. Kaya't mas binilisan ko pang maglakad baka mamaya ihostage pa ako dahil alam niya ang pagkatao ko. Lakad lang ako ng lakad sabay tingin sa likod.

*booogsh*

"OUCH! ANG SAKIT NAMAN!" Letseng pader na ito. Nagmamadali pa naman ako.

Kaya't kinuha ko agad ang mga gamit ko. Nakakainis naman kailan pa nagkaroon ng isang pader sa kalasada. Promise hindi ako na inform.

"Miss?  Ok ka lang?  Tutulungan na kita" sabi ni kuya habang pinupulot ang mga books na nalaglag ko. Pero inis pa rin ako sa kanya. Tapos tatanungin ako kung ok lang.

"Anong ok ang pinagsasabi mo? ako ——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa lalaki. At wow ang gwapo niya. At tama nga ang hinala ko na hindi pader ang nabunngo ko kundi isang napakatikas na lalaki at napakagwapo pa. Oh di ba? 

"Ok na ako. Btw. Tingin tingin ka na lang sa dinadaanan  mo baka makabangga ka pa. " sabi ko sa kanya.

"Wow ako pa talaga. Eehh siya nga ang engot" narinig kong bulong niya habang naglalakad palayo. 

Wow ha ako pa talaga ang engot. Tong itshurang ito?  Engot?.Nasan ang HUSTISYA? Kuya tingin ka kaya sa salamin . Sayang naman ni kuya gwapo pa naman.

Titingnan ko sana ulit yung lalaki ngunit biglang nawala. Ang bilis naman nun. FLASH IKAW BA YAN? Bigla bigla ka kasing nawawala.

Magpapakilala muna ang babaeng nasa harapan ninyo ay este binabasa ninyo. Ako si sue anna ramirez.  I'm taking BS Accountancy at ngayon ay 2nd year college sa Puente's International Montessori School. Diba ang yaman ng school ko.  International na, montesorri pa.may sasabihin pala ako sa inyo . Ano? Late na ako este nagdidisguise ako bilang isang nerd para makakita ako ng true friends. Secret lang natin yun ha?At isa rin akong sikat na model . Hindi sa pagmamayabang kundi nagsasabi lang ng totoo. At hindi lang ako dito sa pilipinas sikat pati na rin sa ibang bansa. Dahil marami na kayong alam sa buhay ko kaya mamaya na lang ulit ako magkekwento nandito na kasi ako sa gate ng school namin. Hehehehehehe.

Pumunta na ako sa room namin dahil malapit na mag time at nasa 3rd floor pa room ko. 

Pagkaupo ko sa upuan ko ay lumapit sa akin ang grupo ni kath. Kilala sila dahil sa pagiging mean nila.

"Ohh, ang NERD nating classmate nandito na" sabi ni kath. At dahil nerd nga ako. Ayan binubully na naman ako. Ok lang naman sa akin kasi hindi naman physical.

"Oo nga, oh nasan ang magagaling mong mga kaibigan na kala mo kung sinung maganda . " sabi ni lianne. Ang pinakamaarte sa kanila.

"Bakit sakin mo tinatanong. Tanungan ba ako ng nawawalang tao?" Sabi ko sa kanila.

" so, lumalaban ka na ngayon porket tutulungan ka ng mga kaibigan mo ha?"sabi ni kath. Ibubuhos sana nila  sa akin ang dala niyang tubig ngunit dumating si aila. Ang bestfriend ko.  Siya lang ang nakakaalam about sa personality ko dahil childhood bestfriend ko yan.

"Subukan mong itapon yan kay sue kundi ipagkakalat ko sa buong school ang mga baho ninyo. " galit niyang sabi sa kanila.

"Tinatakot mo ba kami?" Sabi ni kath habang nakataas ang kanyang kilay.

"Hindi ko kayo tinatakot.  Sinasabi ko lang kung ano ang kaya kong gawin sa inyo. So, kung ako sa inyo pumunta na lang ako sa upuan ninyo.  " irita niyang sabi.Bumalik na sila sa kanilang upuan. Dahil alam nila kung    ano ang kayang gawin ng bestfriend ko because ang family nila ay may malaking share in this school.

ROYAL HASHTAG ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon