CHAPTER TWO

469 23 24
                                    

A/n: yung nasa multimedia ay mansion nila sue.

thank you for reading my story
SUE's POV

Dahil maganda ako este interesado ko if sino yung nag-aaway kaya sinilip ko kung sila nga.

"Aila naman. Kausapin mo ako. Ano bang problema? Ha? Si sue ba?" Sabi ni JM. Oo tama ang hinala ko. But bakit?? I stop crying baka marinig nila ako at pinanood ko sila.

"Oo Jm. Si sue na bestfriend ko. Jm stop it na. Hindi ko kaya if mawala ang bestfriend ko." Sabi ni aila na may halong lungkot. Bakit nila ako pinapag-usapan? At bakit ako? Kaya tinuloy ko pa rin ang panonood sa kanila.

"Aila, hindi naman kami ni sue. Pero bakit hindi mo parin ako sinasagot? Ano ang problema dun,aila?" Sabi ni jm na naguguluhan.

"WHAT!? JM IS COURTING AILA?" sabi ko sa isip. Ang sakit pala if bestfriend mo ang mahal ng crush/love. Double sakin. Napaluha na lang ako.

"Hindi nga kayo ni sue,jm but alam mo naman na matagal ka na niyang gusto rather mahal. You know naman simula pa grade 5 tayo,diba?" Sabi ni aila na parang umiiyak na.

"Oo alam kong gusto niya ako but ikaw ang laman nito." Sabay turo sa puso niya. Mas lalong sumakit ang nararamdaman ko. Dahil hindi ako ang mahal ng mahal ko.At ang mahal niya ay ang bestfriend. Hindi lang mahal kundi mahal na mahal. Ako naman si TANGA, iyak ng iyak.

"Ngunit pagsinagot kita,ang kapalit ay ang pagkakaibigan namin ni bestfriend at alam mong ayaw kong mangyari yun. " Umiiyak na si aila. Nakikita kong mahal din ni aila si jm ngunit hindi niya masagot sagot dahil sa akin. Dahil sa pagkakaibigan namin. Buti pa ang bestfriend ko handa ako piliin para sa kanyang kaligayahan. Na konsensya tuloy ako.

"Aila, it almost 1 year na akong nangliligaw sayo ngunit hindi mo pa rin ako masagot sagot dahil sa kaibigan mo." Sabi ni JM sabay iyak. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak. At alam kong mahal na mahal talaga niya si aila. FOREVER nga naman. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

"Mamili ka aila. Sino sa amin ni sue ang pipiliin mo?" Sabi ni jm.

"Jm, wag mong gawin to. Please. " sabi ni aila. Iyak lang ng iyak si aila. Pati ako napapaiyak na rin. Hindi dahil nasasaktan ako kasi hindi ako ang mahal ni Jm kundi na aawa ako sa bestfriend ko.

"Hindi aila. Mamili ka . Si sue na bestfriend mo o akong nagmamahal sa iyo?" Sabi ni JM habang umiiyak. Nasasaktan ako dahil ako ang parang wall sa kanilang pagmamahalan.

"Sorry JM but pipiliin ko ang bestfriend ko dahil ako na lang ang meron siya. "Utal na sabi ni aila. Habang iyak ng iyak.

"Sige aila. Tatanggapin ko ang desisyon mo. Sige alis na ako baka malate pa ako sa next subject." Sabi niya habang umiiyak. Sana tama itong gagawin ko.

Tumayo ako at pumunta malapit sa kanila. Tinawag ko si JM.

"JM!!!!!!AILA!!!" Sabi ko. Tumigin sila sa akin. And i know na shock sila.

Huminto si JM sa paglalakad. Habang si aila ay nakaupo at iyak ng iyak.

"Alam kong alam niyong dalawa ang nararamdaman ko dahil hindi ako ang gusto ng taong mahal ko . " sabi ko. Kaya't tumingin lang sila sa akin.

" Oo masakit. Hindi lang masakit kundi sobrang sakit . Alam kong OA ako dahil hindi naman kami ni JM pero mahal kita."sabay turo kay JM. Nagsimula na akong umiyak.Pero sila nakatingin pa rin sa akin.

" Una, nagalit ako sayo best friend dahil hindi mo sinabi sa akin na nangliligaw pala sayo si JM. Ngunit naisip ko bakit ako magagalit sayo? Ehh iniingatan mo lang naman ang pagkakaibigan natin. At ayaw mo akong masaktan kaya tinago mo sa akin." SABi ko kay bestfriend. Iyak pa rin kami ng iyak pati si JM ay na iyak.

ROYAL HASHTAG ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon