CHAPTER THREE

90 4 2
                                    

SUE's POV

Nandito ako ngayon sa corridor ng aming mansion. At hindi pa talaga sa akin nagsisink in ang sinabi ng mga magulang ko. Ang katotohanan sa pagkatao ko.

FLASHBACK

Umupo agad ako kasi alam kong importante ang sasabihin nila dahil hindi naman nila ako pinapapunta sa office nila kung hindi importante.

"Princess, musta school?" Tanong ni papa sa akin.

"Hindi po maganda" sabi ng isip ko. Yan sana sasabihin ko sa kanila pero hindi dahil magagalit sila.

"Ok naman po. Ang saya nga po ehh. Tapos ang sweet ng mga kaibigan ko." Sabi ko sa kanila sabay ngiti. Galing ko bang magsinugaling?? Gantan talaga mana sa kay author. Hahahahahaahaaaaa ( A/n: Hoy!! Wag mo akong idamay jan sa kasinungalingan mo baka gusto mong patayin kita sa storyang ito.)

Si author naman hindi majoke sabi ko sayo ako nagmana ng kagandahan.( ay ganun ba? Sige sige pag-usapan natin to. Pero mamaya na. Ha h) back to reality.

"Basta anak ,sabihin mo lang sa amin ng papa mo kung binubully ka ha? " sabi ni mama sa akin. Alam kasi nila yung pagdidisguise ko. Una hindi sila pumayag but napapayag ko rin. Hahahahaa.

"Opo" sagot ko sa kanila. Pumunta sila sa akin. Nasa table kasi sila samantalang ako ay nasa sofa ng office nila.

"Ma,Pa, bakit nga pala ninyo ako pinapunta dito? May sasabihin pa kayong importante?" Pagsisimula ko .

"Oo anak may importante kaming sasabihin tungkol sa pagkatao mo" sabi ni mama. Ito naman ako naguguluhan sa sinabi niya. Anu daw? Tungkol saan? Sa pagkatao ko? Oh My God! Don't tell me pangit ako ngunit dahil sa mayaman kami niretoke ang face ko nung bata pa. Para hindi ako kahiya hiya sa mga ka partnerahip nila. Sabi ko na nga ba.

"Princess/anak" sabi nila ng sabay kaya nagiaing ako. Lutang na pala ako. Hehehehehe

"Ay sorry. Ano naman po yung tungkol sa pagkatao ko? " tanong ko sa kanila. Sana mali itong hinala ko. Sana mali sila. Sana. Kaya ako ngayon ay kinakabahan sa suaunod na sasabihin ni mama at papa.

"Anak, pag nalaman mo ang katotohanan sana wag kang magbago. Alam mo naman na mahal ka namin ng papa mo." Sabi ni mama na parang naluluha na. Bakit si naluluha? Totoo kaya yun? Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Mama, sabihin na ninyo sa akin. Kasi gulong gulo na ako pati na ang utak ko. Kaya please sabihin na ninyo" sabi ko sa kanila. Gulong gulo na ako.

"Anak, sorry kong ngayon lang namin ito sinabi sa iyo. Ngayon lang kasi kami nabigyan ng oras para sabihin sa iyo at ngayon na rin siguro ang tamang panahon para malaman mo." Sabi ni mama. Hindi muna ako nagsalita para ipagpatuloy ni mama ang sasabihin.

"Princess, AMPON ka namin. Sana maintindihan mo kami ng mama kung bakit ngayon lang namin ito sinabi sayo." Pagkasabi ni papa. Umiyak si mama. At pati na rin ako ay napaiyak sa nalaman ko.

"WHAT!?" Sabi ko. Dahil hindi pa nagsink in sa utak ko.

"Anak, ampon ka lang namin" sabi ni mama. At umiiyak sa harapan ko.

"NO! Ma,Pa diba nagjojoke lang kayo? Mama diba? Sabihin ninyong nagjojoke lang kayo. PLEASE. " sabi ko habang umiiyak. Ang sakit isipin na pati magulang ko ay niloloko ako . Ano ba ang ginawa ko bakit nagkakaganito ang buhay ko? Siguro tama nga sila. Na hindi ako nabibilang dito. Siguro tanggapin ko na lang ang katotohan para kahit paaano hindi na masyadong masakit. Pero hindi ko pa kaya.

"Anak, sorry talaga. Sana wag kang magalit sa amin ng papa mo. " sabi ni mama habang humayakap sa akin. Siguro dapat hindi ako magalit sa kanila dapat pa nga magpasalamat ako. Dahil tinuring nila ako bilang isang anak. Pinalaki nila ako ng maayos.

ROYAL HASHTAG ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon