Part 1

331 23 3
                                    

The Plan

Ilang araw na ang nakakaraan pero hindi nabura sa isip n'ya si Julie. Kating-kati siyang magtanong sa daddy n'ya pero sigurado siyang sermon ang isasagot nito. Hindi naman siya makapagtanong sa mga lola at tita n'ya dahil wala daw talagang alam ang mga ito.

Her dad was only eighteen daw that time. Too young, well her mom is younger, base sa kwento ng yaya niya. Ito kasi ang kasa-kasama ng daddy n'ya noong kabataan nito. He had a girlfriend daw na grade 8 and got her impregnated at siya ang naging bunga. Sabi ng yaya n'ya, nakita daw nito ang mukha niyon pero minsan lang, ni hindi nga nito nalaman ang pangalan. Basta ang natatandaan nito ay 'babe' ang endearment ng minsang madinig nito na magkausap ang dalawa sa telepono.

Her mom was grade 8 ng ipagbuntis siya. Napaisip siya. If her mom was 14 to 16 ang age that time, ngayon ay 15 years old na siya. Siguro,naglalaro sa 29 to 31 ang age ng mom n'ya.

"Ya, anong oras daw uuwi si daddy?" Napapitlag pa ang kasambahay sa biglang pagsasalita n'ya. Kanina pa kasi malalim ang iniisip n'ya kaya wala siyang imik samantalang abala naman sa panunuod ng tv ang yaya n'ya.

"Bukas pa yata uuwi ang daddy mo." Sagot nito.

Tamang-tama. Napapalakpak siya sa isip. Nakabuo kasi siya ng plano. Tonight she's gonna do something amazing.

"Sige po, 'ya. Akyat na 'ko."

Humalik siya sa pisngi ng kasambahay bago pumanhik sa kwarto n'ya.

She made plans. Kailangan n'yang malaman ang tungkol sa mommy n'ya. Matagal na siyang nagtiis na walang mommy. Matagal na n'yang pinagbigyan ang pagtatago ng daddy n'ya.

Isa lang naman ang gusto n'yang malaman e, bakit sila iniwan nito.

Madaling araw na. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto, careful not to make any noise. Dalawa lang naman sila sa bahay since wala ang daddy n'ya at nasa States ang lola n'ya. Her titas have their own houses kaya they don't need to share houses. She slowly walked to her dad's bedroom na nasa ground floor. Bata pa siya ay hindi na siya nito pinapapasok sa kwarto nito. Maging ang yaya nila ay hindi din nakakapasok kaya malaking palaisipan sa kaniya ang nasa loob ng kwarto.

Malamig pero pinagpapawisan siya habang sinusundot ng manipis na alambre at pusher ang door knob. Nakailang paikot pa siya until she heard it clicked. Nagpawala siya ng mahabang paghinga. Ngayon lang n'ya narealize na hindi siya humihinga sa takot.

"Please forgive me God. I'm really sorry for breaking into my dad's room pero I know you know my purpose behind this. Please help me na lang find the answers to the questions in my mind. I know you won't let me down. I always trust you. This I pray in Jesus name, Amen." She prayed silently at pikit-matang binuksan ang pinto.

'I'm gonna invade your sanctuary Engr. Elmo Moses Magalona.'

Her heart skipped a beat ng bumukas ang pinto. Sinarado n'ya ulit ang pinto. Ipinamulsa n'ya ang mga alambreng ginamit. She took out her phone at inilawan ang ibaba ng pinto. Nilatag n'ya doon ang towel na dala, hinarang n'ya sa siwang sa ilalim to make sure na hindi makikita sa labas kapag binuksan n'ya ang ilaw. Sound proof ang room ng dad n'ya at off limits ito sa lahat. Even his past girlfriends didn't make it to his room. Ganun kahigpit ang dad n'ya. Minsan nga feeling n'ya hindi siya mahal niyon kasi napakadalang nilang magbond. As in once in a blue moon. Kundi pa siya sinashower nito sa material things hindi pa n'ya mararamdamang anak siya.

Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nanlabo lalo ang mata n'ya dahil sa biglaang pagliwanag. Malabo kasi ang mata n'ya, kapag malayo na ay hindi na siya nakakakita. Madalang lang siyang magglasses dahil sabi ng tita n'ya ay mas fashionable daw ang contact lens. Pero ngayon ay nakaglasses siya.

Casmi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon