Part 2

288 22 0
                                    

Julie Anne San Jose

This..

ID picture ng nagngangalang Julie Anne San Jose ang bumungad sa kanya. Grade 8- A ang section 'nun.

So it is possible na this 'Julie Anne San Jose' and the 'Julie' na nameet n'ya sa mall ang mommy n'ya? Her head hurts na because of thinking.

Tiningnan pa n'ya ang ilang laman n'yon. The other photos look like they are captured just recently. Mga bago pa iyon. And the last one is the same ng suot nito 'nung nagkita sila sa mall.

So all this time alam ng daddy n'ya kung nas'an ang mommy n'ya? Kahit parang galit na galit ang daddy n'ya sa mommy n'ya ay pinapasundan o sinusundan n'ya pa rin ito?

Hindi na siya nag-abalang ayusin ang nagkalat na pictures kinuha n'ya ang picture ni Julie noong nagkita sila sa mall. Sumampa siya sa kama, yakap ang picture, at sinearch ang pangalang Julie Anne San Jose.


She was amazed ng makita ang resulta. She can't believe na her mom pala is the eldest and the heiress of the San Jose Group. Halos nakailang lunok siya sa bara sa lalamunan habang nagsscroll ng ibang resulta. Tatlo lang silang magkakapatid, all girls. She clicked the photo of Julie's mom Madame Natasha Alline San Jose. Sumunod doon ay ang litrato ni Julio Anastacio San Jose. Napanganga siya, hindi siya makapaniwala.

'Yung mommy n'ya ang anak ng may ari ng isa sa pinakamalaking company sa
Pilipinas?

Yung mall mismo kung saan sila nagkita ay pag-aari ng pamilya ng mom n'ya?

Oh God!

She searched for more information. Nanlumo lang siya ng kahit simpleng article ay wala siyang nakita na tungkol sa nakaraan nito- sa pagbubuntis sa kanya.

Iyak siya ng iyak dahil sa nalaman. Nasaktan siya dahil parang alam na n'ya kung ano ang rason kung bakit iniwan sila. Siguro hindi pa n'ya alam ang tunay na storya pero sapat na ang mga nalaman n'ya. Pipilitin na lang n'ya ang daddy n'ya kahit magalit ito.

Hindi n'ya namalayang nakatulog siya sa pag-iyak. The next morning, nagtaka pa siya dahil wala siya sa sariling kwarto. Then she realized na nasa kwarto siya ng... d-daddy n'ya! It's almost eleven in the morning na. Oh crap!

Imbes na magmadali ay napaslowmo ang kilos n'ya dahil nakakumot na siya, bukas pa ang aircon patay na rin ang ilaw. Hindi na n'ya maalalang ginawa n'ya iyon. Hindi kaya...?

"You're awake na pala."

Nanlaki ang mata n'ya ng sumulpot ang daddy n'ya. He's wearing suit na and nakaglasses pa.

"So..." kinabahan siya sa 'so' ng dad n'ya, "...you broke into my room just to know her?" He said addressing Julie, "and what did you feel? Naramdaman mo din ba 'yung sakit ng iniwan kasi hindi ka n'ya kayang ipaglaban at mas mahalaga pa 'yung career n'ya kesa sa'yo at s-sakin?"

She can taste the bitterness on his tone. Napayuko siya at unti-unti na namang tumulo ang luha n'ya. Naiintindihan na n'ya kung bakit galit ang daddy n'ya. Pero kahit na, sana manlang ay ipinakilala nito ang mommy n'ya. She has the right to know. Ang tagal n'yang nagyearn sa kalinga ng ina. Ang tagal naging tanong sa isip n'ya kung sino ang nanay n'ya.

"Ah-I d-don't care kung mommy didn't fought for us, you should be the one doing that daddy!" She yelled, "you should have fought for mommy! You should have fought for us!" Sigaw pa n'ya saka dinampot ang picture ng mommy n'ya at bumaba sa kama.

She glared angrily at her dad. Umigting ang panga ni Elmo. Pigil na pigil n'ya ang sarili. Sa sobrang inis n'ya ang nasuntok n'ya ang pader. Napaatras doon si Casmi dahil sa takot.

"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko." Mapait na sambit pa ni Elmo.

"Because you chose to shoulder everything! Hindi mo hinayaang tulungan ka nila lola, you're selfish daddy!"

Tumakbo na si Casmi palabas sa kwarto. Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto and packed her things. She's leaving this house. She going to leave her daddy.

Isang bagpack lang ang pinaglagyan n'ya. Una n'yang nilagay ang piggy bank sumunod ay ilang pirasong damit at kinuha din n'ya ang wallet na naglalaman ng cash na naipon n'ya sa bigay ng mga relatives n'ya.

Sa fire exit siya dumaan. Ingat na ingat siya sa paghawak sa bakal na hagdan pababa ng bahay. Almost six feet pa ang taas n'yon sa ground kaya tinalon n'ya ang distansya. Lumabas siya sa gate, wala na siyang pakialam sa tindi ng sikat ng araw. Basta gusto n'yang umalis sa bahay n'ya. Sanay naman siya sa mga pasikot-sikot sa daan kahit pa sabihing nasa Manila siya at madaming masamang loob. Her tita trained her to rde a train. Sabi ng tita n'ya basta marunong siyang magbasa ay h'wag siyang matakot na maligaw. Casual lang ang bati n'ya sa guard ng palabas na siya ng subdivision nila. Inutusan pa n'ya itong ipara s'ya ng taxi. Ng dumating ang taxi ay hindi na siya nag-atubiling sumakay at sinabi sa driver ang lugar na pupuntahan.

After an hour ay nakarating na rin siya. Tiningala n'ya ang mataas na tower ng SJGC. Madaming employees ang namataan n'ya sa sa paligid. Mabuti na lang at hindi siya mukhang kawawa sa itsura n'ya. Nakapagbihis pa kasi siya ng disenteng damit na bagay nga dito sa lugar na pakay n'ya.

Taas-noo siyang pumasok sa building at lumapit sa reception area.

"Hi! Good morning Miss, can I please talk to the CEO, Ms. Julie Anne San Jose?" confident na sambit n'ya.

Matamis na ngumiti ang babae sa kany, "I'm sorry ma'am pero you need to set an appointment bago makausap ang CEO."

Bumagsak ang balikat n'ya ng marinig iyon.

"Can I set an appointment? I just wanna talk to her to discuss some matters regarding her..ugh, nevermind." She can't just tell the receptionist about her relationship to Julie. "Just tell her na pinuntahan ko siya. By the way i'm Casmi Magalona. Thank you miss."

Laglag ang balikat na naglakad siya palapit sa pintuan. Palabas na sana siya ng makita ang pagdating ni Julie at katabi ang kapatid nitong si Joanna.

Ngayong nakita n'ya si Julie parang nagdadalawang isip siya kung lalapitan n'ya ito o hindi. Pero in the end, naduwag siya...just like her dad. Mag-ama nga sila. Naramdaman n'yang hindi pala n'ya kayang harapin ang mommy n'ya.

Siyang paghakbang n'ya sa rotating door palabas ay siya namang hakbang ni Julie papasok. Narinig pa niyang sinambit nito ang pangalan n'ya kaya yumuko siya. Bigat na bigat ang pakiramdam n'ya ngayon pang nakatayo lang din sa di-kalayuan ang daddy n'ya. Hindi n'ya mabasa ang ekspresyon niyon.

Nanatili siya sa kinatatayuan saka doon umiyak. Narinig n'ya ang footsteps sa likod n'ya pero she ignored it dahil nararamdaman n'ya kung sino iyon.

"Casmi!" sigaw ng mommy at daddy n'ya ang huling narinig before everything went black.

Casmi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon