Part 3

299 23 0
                                    

Grudge

"Ako pa ngayon Julie Anne? Ako pa ngayon ang sisisihin mo kung bakit siya nagkakaganyan? Nasaan ka 'nung mga panahong kailangang-kailangan ka n'ya?"

Nagising si Casmi sa pagsigaw ng daddy n'ya. Nasa ospital siya, familiar na kasi ang amoy at ang bumungad na ilaw. May nakasaksak ding IV sa kamay n'ya.

"Gusto kong lumapit pero hinayaan mo ba 'ko? Inilayo mo siya!"

Sigaw pabalik ni Julie. Imbes na gumanda ang pakiramdam dahil naliwanagan na siya na si Julie ang mommy n'ya, parang mas lalo pa siyang nalungkot. Ayaw n'ya ng ganito. Kung hindi lang din sila magkakasundo ay mas pipiliin na lang n'ya na h'wag na magkananay. Gumugulo lang.

"Hindi ba mayaman kayo? Gasino na lang ba sa yaman n'yo na gumastos para malaman kung nas'an at ano ang kalagayan ng anak mo? Julie anne hindi ko nilayo si Casmi. Hindi mo lang talaga siya hinanap! Bakit ano nga naman ba kasi kami sa'yo? Di ba sagabal at panira sa pangalan ng pamilya mo?"

Pilit na bumangon si Casmi. Kaya naman n'ya bukod sa masakit ang ulo n'ya. Binunot n'ya ang swero kaya dumugo iyon.

"Hindi totoo 'yan! Oo natakot ako pero ginawa ko lang na umalis para sa kapakanan din ni Casmi!"

Casmi stood near them.

"Nakatulong ba Ms. Julie? Hindi naman di ba?" ipinunas niya ang dugo sa hospital gown na suot. "Akala ko si daddy ang selfish for not telling me who my real mom was. Pero ikaw pala ang selfish. Sarili mo lang ang iniisip mo! Dapat hindi ka na lang umalis! Fifteen years!" She shouted, "fifteen years akong nabuhay ng wala ka. Nasurvive ko naman and I think kaya ko pang magsurvive ng madami pang taon na wala ka."

Saka siya tumalikod at bumalik sa kwarto. Nilock n'ya ang pinto at umiyak sa paanan ng pinto, yakap ang mga binti.

"Casmi, baby, let me explain please. Open the door na din anak.."

Anak. She smiled bitterly at marahas na pinalis ang luha n'ya. Great, kilala na n'ya ang nanay n'ya and she just called her anak. What the hell.

"Don't call me 'anak', I'm not your daughter!"

Casmi the stubborn reigns. Bumalik siya sa kama. Nasa table ang bag n'ya. Kinuha n'ya ang telepono para tawagan ang tita n'ya.

"Casmi, sweetie."

She sniffed and played with her fingers, "Tita Sofia.." she whimpered. "Tita Fi.."

"Hey,..Casmi, umiiyak ka ba?" The lady on the other line worriedly ask.

"Tita Fi..."

"Hey Cas! You're making me worry. Anong nangyari? Where are you? Si Elmo, si Yaya Luz?"

"Ah-..Med City 'ta. Please sunduin mo na 'ko dito. Ayoko na dito."

Then she ended the call. Binilang n'ya ang mga natatanaw na pasa sa katawan.

She's dying.

Everytime na nakakakita siya ng pasa sa balat ay nangingiti na lang siya at naiisip na mamamatay na siya.Anemic lang naman siya.

Nagpalit siya ng damit. Mabuti na lang at hindi siya sinundan ng dalawa sa loob. Baka lumayo para ituloy ang pag-aaway.

Bumukas ang pinto dahil sa doctor na nagrarounds. Sumilip lang ang mga iyon para tingnan kung may oxygen sa kwarto at umalis na din agad. Di rin nagtagal ay humahangos na dumating ang tita Sofia kasama ang tita Mona n'ya.

"oh Casmi!" Yinakap siya ng dalawa. "Anong nangyari?"

"Where's kuya?" Mona asked.

"Maybe dad's with her?" She answered. Galit pa din kasi siya sa ina.

"Janine?" Sofia asked.

She shook her head then rolled her eyes, "Julie, my 'mom'."

Nagulat ang dalawa sa sinabi n'ya, halatang naguluhan din ang dalawa ng makabawi.

"Your mom? Nameet mo na 'yung mommy mo? The real mom as in?"

"Yeah tita Fi.. At nagsisisi ako na nakita ko pa siya."

-

Naghihintay si Casmi na sunduin siya ng tita Sofia n'ya, pero fifteen minutes na itong late. Umupo lang siya sa monobloc chair sa guard house at nilibang ang sarili.

Hindi agad siya nadischarge ng araw na 'yon dahil kailangan siyang obserbahan. Halos tatlong araw siyang absent, ngayon lang ulit siya pumasok. After n'ya sabihin sa mga tita n'ya ang nangyari, nag-usap ang dalawa na sa kanila muna siya tutuloy. Pumayag naman ang daddy n'ya.

Si Julie, ilang beses siyang sinubukang lapitan. Natunton din nito ang bahay ng tita n'ya.

Tama nga ang daddy n'ya. Konting kabawasan lang sa kayamanan ng mga San Jose ang paghahire ng taong maghahanap sa kanya. Then she wondered, ni minsan kaya ay namiss siya ng mommy n'ya at umisip ng paraan para makita o mayakap manlang siya? Ang unfair naman kasi. Noon pa n'ya gustong-gusto na mayakap ang mommy n'ya pero ngayong may pagkakataon na saka naman naging kumplikado ang lahat. Bakit kasi hindi na lang perfect lahat para walang mali?

"Good afternoon po Madame!" Napatingin siya sa binati ng guard. She bravely arched a brow at Madame Natasha Alline San Jose. Ganun din ang ginawa n'ya sa dalawang dalagang anak na kasama nito who happen to be her 'titas'. Ugh!

"Ellianna Cassandra San Jose Magalona. My dearest granddaughter." Sabik na sambit ng ginang. Mukhang masaya din ang dalawang anak nito sa pagkakakita sa kanya.

"I'm not a San Jose," she rolled her eyes "Ano pong kailangan n'yo?" She asked coldly and look at them with bored expression.

"Casmi!" Nakahinga siya ng maluwag ng dumating ang tita Sofia n'ya. "M-Mrs. San Jose,"

Namutla ito pero pinanatili nitong nakataas ang ulo. "Uuwi na tayo." Hinatak nito ng kamay niya at tinalikuran ang mga San Jose.

"Ms. Magalona, I just want to have a small talk with my grand daughter, if you will just let me."

Masyadong mahinahon ang ginang at may kung ano sa boses nito na mapapa-oo ka na lang bigla.

"Whatever your plan is, please don't take our niece away from us. Let her decide po kung ano ang gusto n'ya."

Tumango ang ginang, "Don't worry Ms. Magalona. We won't do that."

Unti-unting lumuwag ang hawak sa kanya ni Sofia. "Where are you gonna take my niece?"

"At our mansion," sagot ng nakatatandang San Jose, "8 pm, ihahatid namin siya sa bahay n'yo."

"What if ayokong sumama?" Tutol ni Casmi. "I'm tired, gusto ko na magpahinga."

Nalungkot ang mukha ng tatlo.

"Apo, pagbigyan mo na kami, kahit ngayon lang." Pakiusap pa ng ginang.

"And what is the assurance na ibabalik n'yo pa 'ko sa amin?" Paninigurado n'ya.

" We're true to our words, young lady." Sagot ng pinakabatang San Jose.

"Then..." she heaved a deep sigh, "okay, sasama ako."

She kissed her tita's cheek before stepping into the SUV of the San Joses.

"Salamat kasi pinagbigyan mo kami," Joanna said. Napapagitnaan nila ito ni Madame Natasha sa backseat. Nasa passenger's seat naman si Jac, 'yung bunso.

"I'm sure ate will be very happy to see you. " ani naman ni Jac.

Ngumiti lang siya ng maliit bilang sagot.

"Mama nagkausap na po ba kayo ni Ate Janine? Bakit hindi manlang n'ya namention sa atin 'yung tungkol kay Casmi. Knowing na she's ate's bestie."

Napatingin siya kay Jac. Iisa lang kaya ang 'Janine' na gilfriend ng daddy n'ya at ang 'Janine' na bestfriend ng mommy n'ya?

"Naiintindihan ko kung bakit mas pinili n'yang ilihim 'to sa atin. Well, I know everything about Casmi, since the day na pinanganak siya."

Casmi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon