CHAPTER 1

58 1 0
                                    

"See my new shoes? Padala sakin yun ni Mommy galing Milan, Italy. Sabi ko nga Black Stilletoes ang ibili niya sakin eh.." wika ng classmate kong si Georgina.

"Oo nakita ko yun sa Instagram. My Gosh your so famous talaga Georgina! You already have 1.7K likes dun sa shoes mo in just 1 hour. Hindi ka pa artist sa lagay na yan ha!" sagot naman ng isa sa mga alipores niya, si Lei.

"Hmmp. That's not a big deal for me.."

Hindi ko naman maiwasan ang hindi makinig sa kanila, kasi kahit ako, nacucurious din ako kung ano ba yung mga pinagsasabi nilang Istagram ba yun?

"Hey Casimiro! Bakit ba ang lapit mo samin? nakikinig ka ba sa pinag uusapan namin!?" Singhal sakin ni Georgina. Ang ganda niya nga pero ang taray taray niya talaga. Ang lakas ng boses nila kaya di ko talaga maiwasan na hindi marinig ang pinag uusapan nila.

"S-sorry Georgina.."

"Lumayo ka nga dito. You're too close to us. Ang baho-baho mo." Itinulak ni Lei ang upuan ko hanggang sa sumagad ito sa pader. Naipit pa ang braso ko pero hinayaan ko nalang. Alam kong kapag pinatulan ko pa sila, ako parin ang mag mumukhang masama. Lagi namang ako eh.

Para naman di na nila ako ulit mapansin, lumabas nalang ako ng class room. Sa paglalakad ko, parang ibang mundo ang ginagalawan ko. May mga nag-pipicturan, nag lalaptop, nag lalaro ng games sa mga celphone nilang malalapad at nanunuod ng mga palabas sa tablet nila. Kanya-kanya rin ang mga naka-charge na gadgets sa corridor. Oo aaminin ko. Huli na ako sa technology. Hindi ko rin alam kung anong tawag sa mga ginagawa nila. Basta ang alam ko lang, itong cellphone na paman pa sakin ng nanay ko ang meron ako. Nakakapag text pa din naman ako sa mga kaibigan ko kahit ganito ang itsura nito. Late receiver nga lang. May games din to, Snake Xenxia. 15,765 na nga ang High score ko eh.

"Famela, Oy panget!" Nilingon ko naman ang tumawag sakin. Isa sa mga kaibigan ko, si Marga. Di tulad ko, napakarami niyang alam sa teknolohiya. Wala na nga ata akong panahon para magpaturo sa kanya na maging "IN".

"Bakit Marga?"

"Nakita ko yung status kanina ng crush mo sa facebook kasama yung bago niyang girlfriend, grabe ang dami na namang likes tas ang matindi, bagay na bagay sila kaya ang dami rin nag share ng picture nila.. Haaay naku! Ang cute talaga nilang dalawa" kinikilig na sambit ni Marga

"Ano ba yung status? tsaka para saan yung likes? tas yung share? Bakit mo pa ba sakin sinasabi yan eh di ko naman yan maintindihan.."

" Ay Oo nga pala! Wala ka nga palang Facebook, mga taga-bundok nga naman Oo.." Napa-kamot nalang si Marga sa sagot ko. Mahirap lang kasi ang buhay namin. Hindi naman ako literal na naka-tira sa bundok. Mahirap lang din ang signal sa amin. Pero kahit papaano, parang gusto ko ngang malaman kung ano nga ba yung sinasabi ni Marga tungkol sa crush kong si Jhonny. Sanay naman akong marinig na may bago yung girlfriend pero syempre crush ko yun eh, interesado din ako.

"Pero..sino nga ba yung bagong girlfriend ni Jhonny?"

"Edi yung kababata niyang si Georgina! Oh diba? Finally naging sila rin. Ang daming nag amok na mga estudyante at kaklase natin nung nalaman yun, maraming na heart-broken kasi daw baka di na mag hiwalay ang dalawa. Baka kasi isang araw, kasal na sila.."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Kasal? Silang dalawa? Ang dami na palang nangyayari sa paligid ko at wala akong kamalay-malay kasi huli na rin ako sa balita.

Naalala ko, ang mga pamilya nga pala nina Georgina at Jhonny ay magkaibigan. Baka pinagkasundo na din ang dalawang yun ng mga magulang nila. Eh nga lang, sa panahon ngayon, uso pa ba yun? May kaunting kirot sa puso ko kasi High School palang kami, may pag tingin na ako kay Jhonny. Hindi ko naman masabi sa kaniya kasi alam ko namang magagalit lang yun sakin. Ang gusto niya kasi ay yung mga katulad ni Georgina. Sexy, maganda, mayaman, at modern. Eh ako? Panukso nga sakin ng mga kaklase ko noong high school sakin ay 'Babaeng galing sa baul'. Sobrang luma ko daw kasi.

Nakita ko naman na parang ang sama ng tingin sakin ni Marga. Parang gusto niyang basahin ang nasa isip ko.

"Alam mo Famela, mas maganda siguro kung guumawa ka na ng kahit isang social media account. Kahit facebook lang, para naman hindi ka na nahuhuli sa balita. Hindi na kasi uso yang mga GM-GM ngayon. Wala ng nagpapatamaan sa text teh! Halos lahat ngayon naka-messenger na! Karamihan na ng tao ngayon nag-aaway na sa twitter at facebook! Ang load ngayon, pang-internet nalang, bihira na yang gamitin sa pang-text ng mga tulad natin ngayon! at data connection na ang hinahanap ngayon, hindi na cellular signal!"

Hinampas naman ako ni Marga ng hawak niyang libro kaya nabitawan ko ang cellphone ko. Sinamaan ko ng tingin si Marga at agad pinulot ang cellphone ko. Medyo nahihiya pa akong pulutin kasi nagka hiwa-hiwalay ang parte ng cellphone ko sa sobrang lakas ng pagkakahulog. Ikinabit ko agad ang sim card ko at ang battery, hinanap ko pa yung takip. Nakita ko sa gitna ng corridor ang takip, lalapit na sana ako para pulutin yun ng biglang nagsidaanan ang mga pamilyar na mukha sakin. Ang soccer team ni Jhonny at ang mga alipores ni Georgina. Halos manlumo nalang ako ng makita ko ang mga malalaking paa ng team mates ni Jhonny at mga nagkikintabang stilletoes nina Georgina na natatapakan ang takip ng cellphone ko. Paglapit ko, durog na durog na ito. Lumapit naman sakin si Marga.

"OMG. Famela, I'm so sorry! Di bale, papalitan ko nalang yan, ibibili nalang kita ng bagong cellphone!" pag-aalala niya habang tinitingnan ang cellphone ko na wala ng takip sa likod.

"Hindi, wag na, ok lang naman. Mag-aabala ka pa eh." Nilagay ko nalang sa bag ko ang cellphone ko at dumako ulit sakausap ko na paluha na. Tsk. Ang babaw talaga nitong si Marga.

"Sorry talaga Fam! Ikaw kasi eh, masyado akong nadala sa emosyon ko dahil ayaw mo pang gumawa ng account! Kung gusto mo papalitan ko nalang talaga yan!" Pag-hawak sakin ni Marga habang inaalog-alog pa ako.

"Ayos nga lang, mapag titiisan pa naman tong cellphone na to eh. Sige na, baka inaantay na ako sa amin, uuwi na ako ha? Ingat ka." Paalam ko sa kaniya at tuloy-tuloy na akong lumakad palabas ng University.

Nakikinig ng radyo ang nanay ko ng umuwi ako. Dating gawi, mangiyak-ngiyak na naman siya sa istoryang pinapakinggan niya.

"Nay, mano po-"

"Shhhh! Wag ka maingay, nagtatapat na si Rodolfo ng nararamdaman niya para kay Teresa eh! Wag ka magulo jan!" Tinapik ni nanay ang kamay ko at nagpatuloy lang sa pakikinig. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Nakaka inggit yung ibang mga nanay na tinatanong yung anak nila kung kumain na pagkadating galing ng school. Kahit kailan yata hindi naging interesado sakin ang nanay ko. Hanggang ngayon siguro, 'malas' parin ako kung ituring sa buhay niya.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bag at kinuha na rin ang tape sa drawer ko. Pinalibutan ko ng transparent tape ang likod ng cellphone para hindi mahulog ang battery. Binuksan ko na ito at gumagana pa naman. Ayos pa 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Famous Story of Fammy CasimiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon