Name: Famela Lorena Ambonan Casimiro
Typing..
Pa-like po ng DP ko.
Sent.
Pinilit kong matuto at masanay na gumamit ng formal letters pag nag tetext or nag tatype. Malayo sa kinagawian kong Jejemon-format. Sabi kasi ni Ate Jennica, kung gusto ko daw maging famous sa social media, dapat naiintindihan din ng mga followers ko ang mga status ko para di nila ako i-bash.
1 message received
Na-like ko na po ka-CF. Punta ka po sa wall ko. Pa-FL po. Tnx
seen 1:26 am
Ayon rin kay Ate Jennica, dapat binabalik ko ang pabor na binibigay sa akin ng mga followers ko para di sila mag sawa na ilike ang mga post ko. Kung kinakailangan na ilike ko lahat ng post nila mula sa kauna-unahang status hanggang sa pinaka latest, why not? basta ba ifollow back nila ako sa instagram at twitter. At iflood likes din nila ako syempre.
Typing..
ATM. My OOTD :) :) :)
Post.
Sabi din ni Ate Jennica, karamihan ng mga famous sa social media ay may kaya. O di kaya mayayaman. Kapag daw nag popost ka ng magagandang damit at masasarap na pagkain sa magagandang lugar, lalo daw dadami likes mo. Oo, alam ko namang mahirap lang kami eh. Kaya nga nanghihiram pa ako ng damit sa pinsan kong rich kid. Imported ang mga damit nun. Kaya mukha talaga akong mayaman kapag sinusuot ko ang mga damit niya. Madalas namang tuyo o kaya bulanglang ang ulam namin sa bahay. Eh pano ako magiging sikat niyan kung yun ang ipopost kong ATM Food? So no choice. Umuutang muna ako ng pera namin sa paluwagan tutal ako naman ang treasurer. Pumupunta ako ng Star Bucks at doon ako kumakain at nakiki-sagap na rin ng free Wi-Fi.
2 notifications. Angel Bert,Xena Vheinte_Otso and 589 other people likes your photo.
Mia Sison,Carmina Perea and 38 other people commented on your photo
-Wow Ate Fammy! Sarap naman nyan! Penge.
-Rk ni Famm oh!
-Pretty nyo po jan sa suot ny0 <3
Pero minsan, kailangan ko rin kasing sumugal. Gustng gusto ko maging sikat dahil marami akong gustong patunayan. Marami akong gustong gantihan. Gusto ko rin ng atensyon. Gusto ko ng mga bagay na nakikita ko sa iba na alam kong wala naman ako. Mababaw lang para sa iba ang kagustuhan ko na maging sikat sa marami, pero sakin? Napaka laking bagay non. Kung kinakailangang isubasta ko ang pagkatao ko para lang dumami ang mga taga-sunod ko, gagawin ko. Ayokong malamangan ng iba pagdating sa kasikatan. Ako lang ang sikat. Si Famela Lorena A. Casimiro lang at wala ng iba.
1 message received
Hey honey. want new 800 followers? just send me your nude picture.
browse..
browse..
browse..
sent..
Thanks Famm. Your so fucking gorgeous. Check your account. Your followers are automatically sent.
Scroll to Twitter
Notifications..
browse..
browse..
browse..
Rocky Smith: So Fvcking sexy in your photo honey
Adafhil Shahil: See your video here baby
TANGINA. Hindi, hindi 'to nangyayari..
BINABASA MO ANG
The Famous Story of Fammy Casimiro
Fiksi UmumLahat na halos ng tao ngayon ay may mga social media accounts na. Malaki ang nagiging impluwensya nito sa marami mapa-Facebook, Twitter o Instagram man. May mga tao din na gumagaan ang loob kapag nakikita na may nag-like ng kanilang OOTD at ATM sa...