PAGKA-ALIS ni Zero ay siya namang pagpasok ng lecturer kaya naman lahat ng nakiusyusong estudyante kanina ay tahimik na naupo na sa kani-kanilang upuan.
Napatingin ang lecturer sa kanya at mataray na tiningnan.
"Oh, may bago pala tayong salta rito." Nakataas ang kilay nitong tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Judger amp.
"Tumayo ka't pumunta dito sa harapan, introduce yourself."
Kahit na ayaw niyang tumayo ay tumayo na lamang siya't hindi na pumunta sa harapan sa kadahilanang ayaw niyang maging sentro ng atensyon.
"Diamond Leigh Wro--" napatigil siya sa pagsasalita at sandaling napatikhim. "McRae." Pagpapatuloy niya.
"Aba't! Di ba't ang sabi ko'y pumunta ka rito sa harapan!?" Umusok ang ilong nito at nanlalaki ang matang tinanong siya.
Tumawa ang mga kaklase niya.
Bumaling ang guro sa mga tumawa. "At kayo naman, anong nakakatawa?!"
Hindi nalang siya nagsalita at naupo nalang.
"May sinabi ba kong umupo ka na? Stannap!"
Bumuntong hininga siya. "What is it sir?" She asked him boredly.
Tumikhim ang guro tsaka nag-isip ng sasabihin.
"Unang araw mo palang wala ka nang respeto.." pag-uumpisa nito sa sermon
Trastok yun ah!
"Gusto mo bang sa ikalawang araw ko rin sir?" Sarkastiko ang pagkakasabi niya ron.
Tumawa ulit ang kanyang mga kaklase.
"Quiet!"
"Ikaw! Sino bang mga magulang mo't di ka tinuruan ng manners?!" Malakas na sigaw nito na nagpatahimik sa loob ng silid.
"Sino rin bang magulang mo sir at di ka tinuruang makipag-usap ng hindi sumisigaw?" Pabalang nitong tugon.
Ops, natrastok din tuloy.
"A-aba't--"
"Maaari na ba akong maupo, sir?" Malamig niyang tanong rito dahil masakit na ang paa niya sa pagkakatayo.
Inirapan siya ng baklang guro. "Sige umupo ka na, antipatika!"
Hindi na niya pinansin ang inusal nito dahil sanay na siyang pagsalitaan ng masama. Yun nga lang, lumalaban siya.
Nagsimula na itong magdiscuss. Their subject for the first period is Filipino.
Nang tingnan niya si Tiara ay nagtaka siya nang nakatitig ito sa kanya habang nakanganga.
"What?" She asked her coldly.
"Wow, you're so cool!" Mahinang saad nito. Bakas sa ekspresyon na ito'y hanga sa pagka-antipatika niya ika nga ng guro niya.
Hindi nalang niya ito pinansin at nakinig sa mataray na lecturer. Ngunit makulit ang katabi niya dahil wala pang limang segundo'y nagsalita na naman ito.
"Alam mo bang sobrang terror niyan? Like, there are a lot of students who suffered because of his ballistic attitude but none of them reported him because they're scared. Omg" Mahinang bulong pa nito.
Hindi naman siya interesado.
AFTER their first and second period, it was already recess. Tumayo na siya at naglakad palabas ng room. Unfortunately, someone bumped her shoulders intentionally. Ito ay si Samantha na nakangisi sa kanya. Hindi nalang niya pinansin at nagtungo nalang sa Cafeteria.
YOU ARE READING
Neglected Heart
Fiksi UmumShe's not the typical girl who dreams to have a fairytale love story that has a happy ending. She grew having an idea that love will just leave you neglected in the end. Will she be able to make a difference on her preconceived judgment about love...