Chapter 18

15.8K 371 10
                                    

Chace's POV


Bumili na ako ng pagkaen at pagbalik ko tulog na ulit si Sabrina kaya lumabas na ulit ako ng kwarto at hinanap ko si Trim.


"Kailangan ko na tapusin ang shooting. Last day na ngayon kaya pwede ba bantayan mo muna si Sab para saken? Wag mo siya iiwan at wag mo hahayaan na may lumapit sa kanya."


Kinakabahan talaga ako na iwan si Sabrina pero kailangan ko din tapusin ang movie ko.


"Sige. Ako na bahala" sabe niya kaya mabilis akong umalis at bumalik na ako sa set.



*****


"CHAAAACEEE!" sigaw ng mga fans ko kaya mabilis akong napatingin sa kanila at hinanap ko ang mga mukha na nadatnan ko kanina na nanakit kay Sabrina.


Kahit hindi ko nakita, sigurado ako may kinalaman sila dito. Marami na ding mga nalilink saken ang nabalitaan napaaway dahil sakanila.


Lumapit ako sa kanila kaya mas lumakas ang hiyaw nila. Agad kong nakita yung babaeng nasa harap ni Sabrina ng matumba siya at agad ko siyang hinila.


"Oh my gooooossssh! Chace Lopez!" sigaw niya kaya nainis ako.


Cold ko siyang tiningnan "Ang ingay mo alam mo ba yun?"


Nabato siya at tumahimik ang paligid.



"Anong ginawa mo sa girlfriend ko kanina?" pagtitimpi na tanung ko.


Alam kong utang ko ang career ko sa kanila pero may sarili pa rin akong buhay. Hindi nila hawak ang paghinga ko kaya wala silang karapatan sirain ako! WALA SILANG KARAPATAN NA GAGUHIN AKO!


"Wala--"


Hinawakan ko siya sa braso "WALA PERO MUNTIK NA MALAGLAG YUNG ANAK KO!!!!!" galit na galit kong sigaw at hinigpitan ko talaga ang kapit ko sa kanya.


"Alam kong fan kita at mahal mo ako pero diba parang sobra na kung pati personal na buhay ko papakiaalaman mo?! ARTISTA AKO HINDI LARUAN! HINDI KO UTANG NA LOOB SAYO NA HUMIHINGA AKO! HINDI KO UTANG SA INYO ANG BUHAY KO!"


"Chace!" sigaw ni Avery at hinila ako kasama yung ibang staff.


"Chace sorry" iyak ng babae pero mas lalo lang akong naiinis.


Hindi ko alam ang magagawa ko pag may nangyareng masama sa anak ko. Mapapatay ko din siya yun ang sigurado ko!


Hinila ako ni Avery papasok sa tent dahil biglang nagkagulo sa labas.



"Ano bang ginagawa mo?! Hindi pa narerelease ang movie naten Chace! Sino pa ang tingin mo susuporta saten?! Bakit ngayon pa! Matapos naten maghirap? Chace hindi lang ikaw ang nasa movie na to! Mas maraming tao ang umaasa dito pero dahil selfish ka hindi mo naiisip yun!"


Naiinis akong napatingin kay Avery "Wala na ba akong karapatan magalit? HINDI BA KARAPATAN NG ANAK KO NA IPAGTANGGOL?!"


Nagulat siya pero naging composed pa rin ang mukha niya "Personal mo yan na buhay at wala na kameng pake dun. Sana inisip mo muna kung sino ang mas maaapektuhan. Alam kong mahalaga sayo ang babaeng yun at ang anak mo pero hindi lang ikaw ang may pamilya Chace! Lahat ng staff umaasa sa success ng movie na to! May pamilya din sila gaya mo! Sana naisip mo yun. Pilit kameng nag aadjust sayo kase syempre, ikaw naman talaga ang may dahilan kaya nabuo ang movie na ito. Ikaw ang mahal ng lahat at kame? Umaasa lang kame sayo. Sino ba kame para mag demand?" sabe niya at umalis na kaya napayuko ako.


Napatingin ako sa labas at halos karamihan sa mga fans ko umiiyak.


Tumayo ako at lumabas. Mabilis na nagtakbuhan ang mga reporters saken.


"Chace Lopez? Totoo ba na nakabuntis ka?"


Napatingin saken ang lahat lalo na ang mga fans ko. Sasagot na sana ako ng may magtaas ng isang papel na may nakasulat na:


'KAHIT MAY MAHAL KANG IBA, AYOS LANG. KAHIT NA HINDI MO AKO NAPAPANSIN, AYOS LANG. SASAMAHAN KITA CHACE LOPEZ KAHIT NA IWAN KA NG LAHAT. MAHAL NA MAHAL KITA CHACE AT NAIINTINDIHAN KITA!'


Napangiti ako at napatingin sa mga reporters.


"Oo nakabuntis ako sa edad na 18. Alam kong maraming nagulat at maraming maapektuhan kaya humihingi na ako ng pasensiya. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito pero hindi ko rin kaya iwan ang mag ina ko. Sorry sa lahat kung nadisappoint kayo saken. Sa lahat ng tatanggap saken, matapos ang lahat. Nagpapasalamat ako. Tao lang din ako, sana maintindihan niyo ako at sana irespeto niyo ang private life ng girlfriend ko." sabe ko at mabilis akong tumalikod.



"CHACEEEE MAHAL KA PA RIN NAMEN!!!!!" sigaw ng mga fans ko kaya napangiti ako.


Salamat sa inyo.

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon