Chapter 46

14.6K 332 8
                                    

Chace's POV



Pumasok na kame sa loob ng Hospital para tingnan si Kendrie ng may maalala ako.



"Sab. Mauna kana may tatawagan lang ako.." sabe ko kaya ngumiti siya at naglakad na.


Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ang Secretary ni Dad.



[Vice President. Bakit po?]


"Set an appointment with Dr. Bautista. Tsaka.." napahinga ako ng malalim "Mag set ka din ng appointment para kay Empress. I need to cancel the wedding." sabe ko.


[Sir..]


"Yes?"


[I'm happy for your decision. Congratulation Vice President sa pagbalik ng ala ala niyo. Kame na po bahala mag settle ng account ni Young Lady Kendrie sa Hospital.]


Nagulat ako at napatingin sa paligid "SINUSUNDAN MO BA AKO SAMUEL?!" sigaw ko.


[Meron pa po ba kayong kailangan sir?]


Natawa ako "Just take care of everything.." sabe ko.


[Yes. Vice President] sagot niya kaya pinatay ko na yung kabilang linya.



Mabilis akong pumasok sa kwarto ni Kendrie at napangiti ako ng makita ko na ayos na siya at masayang nakikipaglaro kay Phoenix.


"Chace.."


Napatingin ako kay Sabrina.


"Wag mo na muna sabihin sa kanila ha? Ako na magsasabe pag nakauwi na kame. Baka mabigla sila.." kinakabahan niyang sabe kaya tumungo ako.


"Sasamahan kita." sabe ko kaya nagkunot ang noo niya.


"Ako na nga!" naiinis niyang sabe kaya natawa ako.


Nakakatuwa siyang inisin.


"Anak ko din naman sila ah. Diba?"


Namula yung pisngi niya at nagsimula na siyang mainis "Hoy Chace Lopez! Baka nakakalimutan mo na iniwan--"


"Mommy?"


Napatingin kame ni Sabrina sa kambal at nagtataka silang nakatingin sa amin.


Umupo ako sa tabi nila "Your Mom need to say something..." sabe ko kaya naramdaman ko na kinurot ako ni Sabrina.

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon