Chapter 33

13.4K 303 9
                                    

[NEXT DAY]


Chace's POV


Mabilis akong sumakay sa kotse na pinadala para saken. Pagod na pagod ako sa biyahe. Akala ko rarayumahin yung likod at mamamaga ang pwet ko kakaupo.


"Sir saan po tayo?" tanung ng driver.



"Sa mansion" sabe ko kaso nagulat ako ng kumulo ang tiyan ko at naalala ko, wala palang tao sa bahay. Boring dun panigurado.



"No. Sa five star hotel nalang pala." sabe ko at pumikit na ako ng mag ring yung phone ko.



"Hello?"


[CHACE?! NASA MANILA KA NA BA? NASAAN KA NA? SUSUNDUIN NA KITA!] masayang masayang bati saken ni Trim kaya natawa ako. Akala ko mababasag na ear drums ko! 



"Pinasundo na ako ni Dad sa airport. Mag checheck in muna ako sa isang hotel. Inaantok na ako kaya mamaya na tayo mag usap."


[HOTEL? Teka Chace anong hotel---]


"Bye." sabe ko at pinatay na ang linya.


Anung akala niya? Bubulabugin lang niya ako pag sinabe ko kung nasaan ako! Kilalang kilala ko na siya kaya hinding hindi ko ipapaalam yun sa kanya.


Napatingin ako sa billboard at natawa ako ng makakita ng isang bagong mukha sa Energy Drink Commercial.


Dati ako yun eh.


Natawa nalang ako at pumikit na ulit.





Sabrina's POV


"Dalian niyo ang kilos! Sabe saken ng Head dito daw kakaen ang anak ng isa sa mga pinakasikat na negosyante kaya bawal may magkamali!" sigaw ng isa sa mga Chef kaya napasigaw ang lahat.


"YES SIR!" sigaw namen at nagsimula na kameng magtrabaho.



Naghihiwa ako at nag aayos ng mga order dito sa loob ng kusina ng tawagin ako ng Manager kaya mabilis akong lumapit sa kanya.



Ngumiti siya saken "Sabby ikaw na muna ang magserve ng pagkaen please?" pakikiusap ng bestfriend kong si Clia kaya nainis ako.


Siya yung boardmate ko dati na naging bestfriend ko sa loob ng ilang taon. Same school din kame na pinasukan sa college dahil binigyan siya ng Daddy ko ng scholarship na deserve na deserve niya talaga. Kumuha siya ng HRM kaya ayan, manager na sa isang sikat na Five Star Hotel ang Ninang ng Kambal ko.



"Chef ako at hindi waiter! Bakit ako?" tanung ko kaya nagsimula na siyang magpacute at inayos ang mukha at buhok ko.



"Maganda ka kase tsaka balita ko masunget daw yun. Baka pag babae ang nagserve bumait siya! Dali naaaa please?" pakikiusap niya kaya nainis ako.



"Mukha ba akong display ha? Ayoko! Marami akong ginagawa!" sabe ko at aalis na sana ng hawakan niya ang kamay ko. 



"Hoy! Baka ipaalala ko sayo ako ang nag alaga sa kambal nung lahat kayo wala sa mansion nung isang Linggo! Kahit na pagod na pagod na ako! Ako ang nagpakaen sa masunget mong anak na si Phoenix at ako ang magdamag na nakipag usap sa madaldal na si Kendrie kaya!" tiningnan niya ako ng masama "LUMABAS KA NA AFTER 10 MINS DAHIL NANDYAN NA SIYA!" sigaw niya kaya nainis ako.



"Oo na po. Diba? Dibaaaaa!" sigaw ko kaya mabilis siyang ngumiti "Salamat! Sige na aasikuhin ko lang siya!" sabe niya kaya mabilis na akong nagpalit ng damit at nag ayos ako ng konti.



"SAB! DALIAN MO NA! SERVE MO NA DAW!" sigaw ng kasamahan ko kaya huminga ako ng malalim.



"Ito na po!" sigaw ko at kinuha yung order na pagkaen. 



Nakakainis talaga. Bakit ba lage nalang ako ang pinagseserve niya pag mga ganitong sitwasyon!


Pumunta na ako sa labas at sinerve ko na sa customer yung pagkaen.


"Here's your order sir. Please enjoy your meal--"



"Yes. I will" nakangiti niyang sabe saken kaso natigilan ako ng makita ko siya.



Anong ginagawa niya dito?



"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanung niya saken pero natulala lang ako.

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon