Chapter 15

15.1K 334 11
                                    

Sabrina's POV


"IKAW!" galit na galit na napatingin saken ang Director kaya nanginig ako bigla. Lahat ng tao nakatingin saken.


"Sab." tawag saken ni Chace at mabilis siyang tumakbo palapit saken kaya nagulat ako.


"Sinipon ka? Malamig ba?" nag aalala niyang tanung at hinubad niya yung jacket niya sabay nilagay niya saken "Mahangin dito kaya kung nilalamig ka, bumalik ka na sa tent. Konting scene nalang naman to matatapos na din kame."



Napatitig ako sa kanya at walang kahit sinong nagsasalita. Gulat ang lahat lalo na ako.



Pilit lang akong ngumiti "Ayos lang ako. Babalik na ako sa tent." sabe ko kaya pinat lang niya yung ulo ko.


"Bibilisan ko para makauwi na tayo" nakangiti niyang sabe kaya tumungo lang ako at bumalik na ako sa tent.


Naghintay lang ako dun ng may tatlong babaeng pumasok sa loob.



"Hi." nakangiti na bati ng isa saken kaya ngumiti ako.



"OMG! Siya yung nakita ko sa isang site na nakasama ni Chace sa bar at girlfriend daw niya...." bulong ng isa pero hindi ko narinig.


Lumapit sila saken at may dala silang milk shake. Gusto ko tuloy hablutin yun sa kanila. Gusto ko talaga ng milk shakeeee!



Nakangiti silang lumapit saken "Mag aabot lang sana kame ng pampalamig sayo.." nakangiting sabe ng isang babae kaya ngumiti ako.


Inabot niya saken yung cup at aabutin ko na sana yun kaso nagulat ako ng ibuhos niya saken yun. Napatayo ako at gulat na napatingin sa kanilang tatlo. Mga mukhang 16 below lang sila pero kung makaasta sila akala mo kung sino sila!



"Naiinis kame sayo! Sino ka para bigyan ni Chace ng jacket?! Sino ka para mapabalita na girlfriend niya?! MAPUTI KA LANG AT CUTE PERO HINDI KAYO BAGAY! SINISIRA MO ANG LOVETEAM NILA NI AVERY!!!! KONTRABIDA KA!" sigaw niya at nagulat ako ng itulak niya ako.


Mabilis akong napaupo sa sahig at galit ko silang tiningnan.


"MGA SIRAULO KAYO!" sigaw ko at mabilis akong tumayo at hinatak ko ng sobrang lakas yung buhok ng babaeng tumulak saken kaso may humila saken at may humatak din ng buhok ko.



"BRUHA KA! LUBAYAN MO NA SI CHACE!!!" sigaw ng isa sa kanila pero mas nilaksan ko ang hila ko sa buhok ng isa sa kanila.



Mabilis nila akong nahatak at malakas na natulak kaya tumama ako sa mesa.



Nahilo ako bigla at mabilis na kumirot ang tiyan ko. Hindi ko alam pero napakasakit talaga..



"ANO BANG PROBLEMA NIYO!" sigaw ko at natigilan yung tatlo. Natulala sila sa binti ko kaya gulat akong napatingin sa binti ko at namutla ako ng may dugo na tumutulo.



"Sab yung pagkaen pala--SHIT! SABRINA!" sigaw ni Chace pero hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko pag gumalaw ako malalaglag ang baby ko.



Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.



"Chace? Chace yung baby ko! CHACE!!" sigaw ko kaya mabilis niya akong binuhat.



"Sab....wag ka magpanic!" sigaw niya at biglang namutla yung mukha niya.



"Chace wag mo ako iiwan..." sabe ko at unti unting umiikot ang paningin ko kaya mas lalo akong kinabahan.



"Sab wag ka pipikit. Sabrina tingnan mo ako..SABRINA!"

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon