okay. saan ko ba sisimulan? haha. well, dito na magsasara ang TROMN. salamat sa mga naging supporters ko, at mga magiging supporters ko, at syempre sa mga kasalukuyang supporters ko pa lang na sinubaybayan ang TROMN simula nung una pa lang ito nailimbag. :) maraming salamat sa inyong suporta. sobra-sobrang laking ng naging tulong ninyo sakin, na kahit isang click lang ng read sa aking story at kahit sulyap lang yan, ay naging malaking tulong na iyon sakin. every read counts... :)
salamat din sa mga vinote eto simula una hanggang sa huli, kahit na nung dati pa lang, eh medyo sapilitan akong nagpapavote sa story na ito. XD haha, those times... lol. :) kayo rin ang may dahilan kung bakit dumami ang voters ko. kaya sobrang thank you ko diyan sa inyo. :)
salamat din sa mga nagcocomment sa story ko. eto ang pinaka at sobrang na-appreciate ko sa lahat. kahit di mo pa vinote yan, pero yung simpleng pagcomment ninyo? kahit "update po", "ganda", "thanks sa dedication" - sobra ko pa rin pong na-appreciate yan .^_^ kung akala niyo ay binabalewala ko ang mga comments ninyo, hindi po, dahil kahit di ko kayo narereplyan diyan, nababasa ko naman po ang mga comments niyo at sobra pa nga po akong natutuwa. ^___^ kahit yung iba ay puro negative, at may halong mga critics, okay lang sakin yun. nobody's perfect, eh? diba, diba? so natural lang yan. at buong puso po ako tumatanggap ng KAHIT ANONG komento sa aking istorya. :)
salamat din pala sa mga nagpromote, nagplug at nagbroadcast ng story ko, nung una pa lang. isa rin kayo sa mga tumulong sakin para paluguin ang pahina ng librong ito. :)
salamat din sa aking mga dearest followers, kahit di niyo binabasa ang TROMN, pero binabasa niyo naman ang iba kong stories... sobrang thank you pa rin talaga! dito lang ako lubos na nagpapasalamat, kasi one shot stories na naman yung iba ko. wala ng paglalagyan para sa mga author's kuno churvanes dun. XD kahit na napapansin kong paisa-isang nababawasan ang followers ko, okay lang sakin yun. nagsisi ata sila? haha. kahit medyo kumirot ang damdamin ko pag nakakasaksi ng ganun, okay lang sakin yun. at least naging parte kayo ng followers ko. <3
salamat din sa mga supporters ko ng TROMN dun naman sa labas ng Wattpad world. sa FB, karamihan dun.. maraming salamat sa inyo! na kahit simpleng post ko lang na "updated na po! blah blah blah", eh nila-like ninyo at binabasa ninyo kahit wala kayong account dito. sooo much thank you for that. :)
at maraming salamat din sa aking mga silent readers! kahit di na kayo lumabas sa lungga ninyo, okay na okay lang sakin yun. swear! XD maraming salamat dahil binabasa ninyo ng palihim ang story ko, at silent supporter ko na rin kayo. sobrang thank you talaga, every reads counts nga diba? :)
kaya ayun, maraming salamat s inyo! itong TROMN talaga ang nagpabuhat sakin paitaas. wag kayong mag-alala, kahit ganito na rin ang standing ko dito (medyo mayabang. -___-), di ko pa rin kayo iisnob-in. open ako sa inyo. kung gusto ninyo ng kausap, wag mahiyang iapproach ako. di ako masungit, makulit pwede pa. :) palakaibigan ako, tanung niyo pa sa iba! XD sa FB, pwede niyo kong kausapin dun. wala na kasing chat-chat dito sa Watty eh. kaya medyo sayang, pero pag sa messages, maaari niyo akong i-approach talaga. di ko naman hinahayaang nakatiwangwang ang mga messages ko eh. binabasa ko naman agad, at nirereplyan ko rin naman agad. kaya wag kayong matakot sakin. super bait ko! >:) hahaha. XD gaya nga ng sabi ko, kung nangangailangan kayo ng advice para sa pagsusulat, pagibig o kung ano man yan, wag mahiyang lumapit sakin. ^__^ kahit kailan di ako naging snobber. ano yun? feeling peymus? haha. XD
nung una pa lang, akala ko puchu-puchu lang ang TROMN. basahin niyo nga yung title oh, "The Revenge Of Ms. Nerd". halatang pampipichugi lang diba? pero ang pipichuging title pala na ito, ay naglaman ng halos 109parts, 300+ na pages, at 100 na chapters. biruin niyo yun? balak ko talagang palitan ang title niyan dati pa, kaso huli na eh. la eh, nasimulan ko na to. babaguhin ko pa? magba-back out pa ba ako? di na dapat diba? panindigan nalang. so pinandigan ko na ang pagsusulat nito GAMIT ANG PHONE KO LANG po. opo, phone lang talaga ang gamit ko pag ako nagsasave ng maia-update ko. nagsimula na ko magsave sa MS Word nung sa mga nasa chapter 80+ na siguro yun. biruin niyo? mano-mano akong nagpipipindot dito? haha. kaya nga ang dami diyang typo errors at grammatical errors pa. yun nga po yung pinagkakaabalahan ko muna ngayon. ang pagedit ng maraming errors diyan para mapost ko na ang PDF at SC nun bago ko ipost ang book II. hantay lang kayo sa book II, nagsisimula na akong magipon ng mai-uupdate para di kayo nabibitin. para post nalang ng post! XD sa ngayon kasi, ang dami ko pa talagang pinagkakaabalahan kaya medyo late kong naipost ang Epilogue.
BINABASA MO ANG
TROMN 1: The Revenge Of Miss Nerd (PUBLISHED BOOK)
Teen Fiction(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang ginagawa ng isang taong nasaktan nang ilang beses. Iba talaga kapag tadhana ang naglaro sayo, sa iny...