3.5 EXTRA CHAPTER.
Ynah's POV
4 PM na. 1 more hour to go bago mag-uwian na namin. Free time namin ang 15 minutes na inilaan sa amin ng second to the last na prof namin. Pero, may last pa kaming subject. Wala naman masiyadong nangyari. Iniwasan nalang namin ang mga bitch na ‘yun, para ‘di na kami ipahiya pa o ano. Laking pasasalamat din namin na, sa kabilang section ang grupong ‘yun. Tatlong sections lang naman kasi kami. ‘Di sa pagmamayabang, pero section I kami ni Faye, section III ang tatlong ‘yun, at section II naman si Zayn.
‘Di rin naman namin namalayan ni Faye na sa sobrang kakachikka namin kanina pa, e ‘di kami makapaniwalang chikadora na rin pala ang nerd na tulad namin.“Bhez! Anong feeling naman ba nung nag-lend ng hand si Zayn sa’yo?! Kuwento naman!” Excited na sabi sa akin ni Faye.
“Shh. Baka may makarinig! Ayun, kinilig lang naman po ako ng bongga. ‘Di ko alam! Hihi.”
“Asus. Pakipot ka pa kanina. Bakit hindi mo naman inabot ‘yung kamay niya?! Naunahan ka tuloy ng Niknik na ‘yan.”
“Hayaan mo na ‘yun. Baka pagtulungan na naman nila ako eh. Ayoko nang gumawa ng eskandalo pa. Malaking isyu na naman ang mangyayari.”
Oo. Malaki talaga. As in, MALAKI!
‘Yung isyu…
Balik tayo, kasi sa bawat kilos ni Zayn, sikat na agad siya. Ang dami kaya niyang paparazzi sa tabi-tabi. Kaya, pag hinawakan mo ang kamay niya, yari ka! Dudumugin ka ng maraming mga kababaihan! Kaya maiingat talaga ang mga galaw ng mga estudiyante dito, lalo pa’t si Zayn ang gagalawin nila. Aba! Ewan ko nalang kung buhay ka pang makakalabas sa eskwelahan na ito.Oo. Sa sobrang kasikatan kasi niya, may sarili siyang fanclub. Pero, hindi ako kabilang dun ah. Mabubully lang din ako dun, panigurado.
“Kunsabagay. Okay na rin. Oh, marami-rami naman ngayon susulat mo sa diary mo? ‘Di lang basta ‘yung pang-aapi masusulat mo diyan, syempre pati ‘yung nangyari sa inyo kanina ni Louis!”
Louis? Teka, sino ‘yu---Ahh! Si Zayn nga pala. Pauso kasi ‘tong si Faye, eh.
“Oo naman. Dadalhin ko bukas ‘yung diary ko at ipababasa ko sa iyo.”
“Sige!”
Siyempre, para ngang kapatid ko na ‘yang si Faye. Kaya lahat ng bagay, alam niya sa akin. ‘Di kami nagtatago sa isa't-isa. Mi ultimo diary ko nga, pinababasa ko sa kanya eh. Simula rin nung 1st year high school pa lang kami, hindi na kami nagkahiwalay ng section niyan.
Kadalasan, nagsisleep over pa kami sa bahay namin kasama siya. ‘Di naman kasi ganun kalakihan ang bahay nila bhez. Sakto lang, pero mas maganda talaga pag ‘yung tipong pwedeng maraming pagtaguan, kaya sa bahay namin kadalasan!‘Di uli sa pagmamayabang, maykaya naman kami. Hanggang 3rd floor kasi bahay namin. Kaya, mas bet niyang dun nalang kami. Saka nga may iba’t-ibang business kami sa iba’t-ibang lugar at bansa. Ilang beses na rin ako nakisleep over sa kanila. Okay lang naman. Simple lang kasi sila, pati ang bahay nila. At saka, halos second mother ko na ‘yung mommy ni Faye na si tita Diane.
“Bhez! Oo nga pala… Dun ka raw uli makisleep over sa amin sabi ni kuya Gab.” Dagdag pa ni Faye.
Ayan. Speaking of sleep over. Si Gabriel Samson, A.K.A Gab, ay ang kapatid siya ni Faye. Mas matanda si Gab. At alam ko, crush na crush daw ako nun. Biruin niyo? Sa ganitong itsura ko, may nagkakacrush pa pala sa akin? Wow.
“Bakit daw?”
“Gusto ka raw uli niya masilayan. Haha!” Maniniwala na sana ako sa babaeng ‘to, kaso bumanat pa siya ng nakakalokong tawa eh!
Pero, dahil hindi nga ako naniwala sa sinabi ni Faye… Hindi pa rin talaga! Guwapo kaya ang kuya niya, kung alam niyo lang!
Mabait, matangkad, basket ball player, at isa pa lang daw ang nagiging girlfriend nito. Pero balita ko, niloko lang daw si Gab. Wala akong pakielam dun sa babae kung sino man siya. Bahala na lang ang karma sa kanya.
Basta! Kamukha niya si Faye. Eh, magandang babae kaya ‘tong si Faye. Ayusan mo lang eh. Parang ako? Oo! Parang lalaking Faye lang ‘yung kapatid niyang si Gab.
“Eh? Haha. Sige, samahan mo ako kay Tita at Tito magpaalam, ah?”
“Oo naman. Gusto mo ako na magpaalam sa iyo sa kanila eh. Malakas yata ako sa kanila.” Nagsmirk si Faye at saka kinindatan pa niya ako.
“Bhez, ‘wag kang ganyan. ‘Di bagay sa iyo. Hahaha!” Ganti lang.
“Lokong ‘to. Sige ka, ‘di kita patutulugin sa amin!”
“Okay, ‘di naman makakasilay kuya mo.” Sabi ko, at binelatan ko nga siya.
“Bhez naman eh! Joke lang naman. Hehe. Magagalit kasi sa akin ‘yun pag ‘di kita naiuwi sa amin mamaya lalo pa’t nagpromise na ako sa kanya,” Nakapout niyang sabi, “May kapalit pa naman din ‘yun…” Dagdag pa niya. Ano raw? Nakakaloka talaga itong magkapatid na ‘to.
“Oo na. Okay na. Andiyan na si Ma'am oh. Behave na tayo.” Sabi ko dahil bigla nang pumasok ang prof naming.
“Yeees! First time ko na lang uli makachikahan ka nang ganito. Hehe.” Habol pa na bulong ni Faye.
“Oo na. Haha! Puro aral na lang kasi tayo eh. Sige maya na.” Bulong ko rin.
“Hai!” Bulong niya rin ‘yan. Half Japanese kasi si Faye. Tatay niya Hapon, nanay niya Pilipina.
Kaya ang ganda nya eh. ‘Di naman dahil sa Hapon siya eh, maganda siya. Ang ganda lang ng mixture. ‘Di lang din talaga ito marunong mag-ayos.
Ako naman, Pilipina. May pagka-half Korean nga lang pala, pero ‘di rin naman ako minsan nakakaintindi ng mga Korean words! Ayun lang.
BINABASA MO ANG
TROMN 1: The Revenge Of Miss Nerd (PUBLISHED BOOK)
Teen Fiction(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang ginagawa ng isang taong nasaktan nang ilang beses. Iba talaga kapag tadhana ang naglaro sayo, sa iny...