4. SLEEP OVER
Ynah's POV
Uwian na namin. Dumeretso muna ako sa bahay namin para magpaalam. Nagpasama na rin ako kay Faye. Malapit lang naman ang bahay namin sa kanila. 5 minutes kung magjejeep ka at 15 minutes naman kung lalakarin.
“Tita, puwede po bang makisleepover si Ynah sa amin?” Si Faye na nagpaalam para sa akin. Inunahan na pati niya ako magsalita.
“Teka, kay tito George niyo ikaw magpaalam. Kung sa akin, okay lang naman eh. Andun siya sa basement. May kinukuha…” Sabi ni Tita. Bait talaga nila tita.
Ang suwerte ko nga, ang bait ng mga tiyahin ko sa akin. ‘Yung iba kasi, sinasamantala ang mga pamangkin nila. Minsan inaabuso at pinahihirapan. Kaya thankful ako at may ganitong kapatid si Mama. Bali, kapatid ni Mama si tito George.
“Oh sige po.”
Pinuntahan na namin si Tito.
“Tito George. Puwede po ba makisleep over sa amin si Ynah?”
“Oh sige. Anong oras ka uuwi Ynah? Este, ilang araw ba ‘yan?” May pagkasaltik din ‘tong si tito eh. Sleep over nga, anong oras naman daw uwi ko?
“Ngayong gabi lang po.” Sagot ko.
“May pagkabaliw rin pala tito mo. Hehe.” Bulong sa akin ni Faye. Ngayon niya lang napansin? Eh dati pa siya pumupunta dito sa amin.
“Sige, sige. Dun lang kayo ah. Ynah, maghanda ka na ng mga gamit mo.”
“Opo.”
Nag-impake na ako. Para ngang lalayas lang ang drama ko, eh.
Faye's POV
@Faye’s crib
Andito na kami sa bahay. At siyempre si kuya, wala pa. Okay nga ‘yun eh. Sosorpresahin ko siya! He loves suprises. Isang taon lang naman ‘yung tanda niya sa akin. Kaso, sa ibang school siya nag-aaral. Next year daw, lilipat na siya dito sa school namin.
“Mama! Papa!”Bati ko, sabay kiss ko sa kanila.
“Good evening po tito Jun at tita Diane.” Nagmano naman si Ynah.
“Oh ihja, ikamusta mo ko sa mga magulang mo ah? Kamusta ka na? Gumaganda ka yata ah.” Sabi ni Papa kay Ynah.
“’Yung huli nating kita, ang liit mo pa.” Sabi naman ni Mama.
Ang O.A nila Mama at Papa ah. Eh, last month lang naman nila huling nakita si Ynah. Kunsabagay, ako? ‘Di ko napapansing gumanda siya? Araw-araw ko kaya siyang kasama.
“Hahahahaha. Sige po. Salamat po.” Sabi ni Ynah.
“Nak, asikasuhin mo na si Ynah.” Sabi sa akin ni Mama.
“Opo Ma.” Tugon ko.
Dumeretso na kami sa kwarto ko…
“Faye, asan ang kuya mo?” Sabi na nga ba eh. Hinala ko, may gusto rin ‘tong si Ynah kay kuya. Pero alam ko, mas apaw pa rin ‘yung feelings niya kay Zayn. Pero, bakit ba kasi ang O.A ko? Hinanap lang naman niya si Kuya, napunta agad kay Zayn?
“Nasa labas pa nga eh, may binili yata.” Ang tagal kasi ni kuya! Nauna pa tuloy kami dito sa kanya.
“Ah. Okay.”
Inayos na namin ‘yung gamit niya pati ‘yung hihigaan namin kanina. Nagluto rin kami ng sarili naming pagkain para food trip mamayang hatinggabi.
Dumating na pala si kuya.. ‘Di namin namalayan. Nagulat lang kami ng bigla siyang pumasok dun sa sala. Paano namin nalaman? Well…
“Bayad! Bayad!” Sigaw ni kuya.
BINABASA MO ANG
TROMN 1: The Revenge Of Miss Nerd (PUBLISHED BOOK)
Teen Fiction(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang ginagawa ng isang taong nasaktan nang ilang beses. Iba talaga kapag tadhana ang naglaro sayo, sa iny...