MOONBLOOD ALPHA
-Series 1-Territorial Alpha
written by: white_serpentine
All rights reserved.
+++
DAHIL na rin sa tulong ng liwanag ng buwan ay kitang-kita niya kung gaano kakisig ang lalaking nasa kaniyang harapan. Tila ba isa itong perpektong nilalang na nilikha na ngayon niya lang rin nakita!
Wala nito sa Amerika! Isip niya
Mapupungay ang asul na mga mata nito. Taglay nito ang kakisigan na sino man ay talagang hahanga rito. May matangos na ilong at mapupulang labi na talagang kaakit-akit!
Mahabaging Diyos! Sino ba talaga ito?
Maskulado rin.
Hindi alam ni Khyla kung ano ang sasabihin. Speechless siya sa kaniyang nakikita! Pero hindi niya maialis ang tingin niya rito. Para siyang asong nakanganga!
Hindi ko alam na ganito pala ang makikita ko kapag nagpunta ako rito sa gubat!
Naglalakad-lakad lang naman si Khyla nang mga sandaling 'yon dahil alam niyang wala na siyang mapupuntahan. Naligaw kasi siya sa baryo nila nang bagong dating pa lamang nila kanina ng kaniyang ina. Hanggang sa abutan na nga siya ng dilim at napadpad sa kagubatang di niya tiyak kung ligtas nga ba.
Magsasalita na sana siya nang maunahan na siya nito
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?"
My ghad! Pati boses, sexy!
Napalunok siya at tumikhim. "Ah. You know, Naligaw kasi ako. H-Hindi ko na alam ang daan pauwi. Can you help me?"
Mataman lang siya nitong tiningnan at halos mapuno ng kilig cells niya ang katawan nang napakunot noo ito.
Mas lalo itong gumagwapo!
"Umalis ka na! Hindi mo alam kung gaano kadelikado rito."
'Yon lamang at tinalikuran na siya nito.
Napanguso siya habang sinusundan ito ng tingin.
Akala ko tutulungan niya'ko! Hmp. Hindi naman pala gentleman!