Territorial Alpha
Epilogo---
KHYLA
"Wooh! Let's partyyyy!"
"Come on Khyla, sabay ka samin. Sayaw tayo!" Yaya sakin ni Erika, bestfriend ko.
Umiling ako at ngumiti "No thanks. Kayo na lang. Wala akong gana."
"Che! Ang KJ mo talaga! Tara na kasi!"
"I'm sorry. Wala talaga ako sa mood."
"Sus! Lagi ka namang ganyan eh."
I sighed. "Erika..."
"Fine, dito ka lang ha!" Aniya at tinalikuran na ako.
Bumuga ako ng hangin saka ininom na lang ang mojito ko. Obviously, nasa bar kami ngayon. Ewan ba, halos gabi-gabi na lang kaming narito. Wala namang akong magawa sa bahay kaya sumasama na lang ako.
I was taking a sip when a guy approached me. "Hi beautiful. Alone?"
Pinakatitigan ko siyang mabuti at binaba ang hawak kong wine glass. He's tall. In fairness, he got the looks. But I don't like the way he smile. Guwapo siya pero hindi ako interesado sa kaniya.
"No, sorry. I am waiting for my boyfriend."
"Oh...I though.."
"Nope. I'm not alone."
"Sorry.. Well, I'll leave you alone." Aniya at dismayadong iniwan ako.
I sighed and take my glass back.
What is wrong with me? Nung nasa amerika ako noon, hindi naman ako ganito. I'm actually a party girl. Mahilig akong pumunta ng bar. But... Simula nang bumalik ako...mula sa gubat na yon, nag-iba na ang lahat. Pakiramdam ko ay committed ako. Pakiramdam ko ay may nagmamay-ari na sakin. Pakiramdam ko ay nakakagawa ako ng isang malaking kasalanan kapag nakikipaglapit ako sa ibang lalaki.
Damnt it! Ni hindi ako makapag-isip ng matino araw o gabi. Maraming bumabagabag sa isip ko. Ngunit iisa lang ang dahilan.
Walang iba kundi ang lalaking 'yon--si Carlisle.
[Flashback]
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Masyado pa rin akong nanghihina at wala man lang akong lakas na gumalaw. Sa pagmulat ko ay siya agad ang bumungad sakin. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata.
"K-Khyla! May malay ka na!" natutuwang aniya. doon ko lang napansin na nasa kama ako habang nasa bisig niya.
Ngunit bakit tila hindi ako natutuwa? Pinaghalong takot at galit ang namumuo sa dibdib ko.
Tanda ko pa ang huling ginawa niya sakin. Ang pagsakal at pananakit niya sakin. Isa nga talaga siyang halimaw. At hindi dapat ako lumalapit sa isang kagaya niya dahil paniguradong sasaktan niya lang ulit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/66646756-288-k785615.jpg)