Pusong may agam-agam

8 1 0
                                    


Nakatingin sa kawalan.

Lutang ang kaisipan.

"Ano ba ang gagawin? " Ang sagot ay hindi alam.

Nagtatanong sa kawalan.


Hindi makatulog, hindi alam ang dahilan.

Nagbalik tanaw sa mga nakaraan.

"Saan patutungo?" Ang tanong sa isipan.

Ang tanging hawak lang ay ang pag-asang sagot ay makakamtam.


Hangad lang ay magkaroon ng tunay na kasagutan.

Sa mga tanong na parang walang katapusan.

Patuloy ang buhay.


Ibigay sa Maykapay ang mga agam-agam, 

Sa kanyang takdang oras sagot ay lubos na maiintindihan.

Darating din ang tunay na kasagutan sa pusong naguguluhan.

Maghintay ka lamang pusong may-agam agam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga buhay na letraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon