Chapter 12: Adventure? (Part Two)

65 2 0
                                    

Bea's POV

Aish! Lintek naman na buhay to. Nawalan pa ko ng bala. Kasalukuyang hinahabol kami ng mga zombies na to. Tsk! 'Di ako nakakatulong kay Tricia! Siya lang ang bumabaril. Sana bigla nalang sumulpot si Isabelle. Sakin lang kasi siya nag paalam kanina. May alam siyang weapon store dito sa mall.

"Here you go." - sheeems! Thank God she's okay. "So ano? Tara na. Kailangan natin tulungan si Tricia." - nag simula ng mag paputok ng baril si Isabelle at tumabi kay Tricia.

Pumunta naman din ako sa tabi ni Isabelle at nag nag pabaril. Whooooa. Ang lakas ng baril na to. Sunod sunod ang baril. I don't know this type of gun. Armalite? Aish. Basta mag babaril nalang ako.

May mga zombie na tumatakbo. Kaya napapaatras kami bawat may lumalapit samin. Nang kaunti nalang ang zombie. Bigla kaming pinatigil ni Isabelle.

"You've got to see this guys. Just be quiet. Wag kayo gumalaw." - Isabelle. Bigla naman napa kunot ang noo ko at sinundan nalang siya.

Bigla naman sumigaw ang natitirang zombies. 10 nalang silang natira. Pero nag tataka ako. Hindi nila kami nakikita? Lalo akong napapikit dahil sa ingay na ginagawa nila. Nakakairita sa tenga. Nakakain ba to ng megaphone?

"Hindi nila tayo nakikita, naamoy at naririnig." - napatingin ako kay Isabelle

"Anong ibig mong sabihin?"- tanong ni Tricia

"May iba't ibang klase ng zombie."-  Isabelle. Agad nyang inangat ang baril at pinaputukan ang mga ito sa ulo. "This ten,"- lumapit siya sa napatay niyang mga zombie. "They called, Muted Zombie. Sounds funny but yun talaga ang tawag sakanila dahil sa kalagayan nila."

Napatango nalang ako at tumingin kay Tricia na nakakunot ang noo.

"Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong zombies pala. Wow."- sabi nito at natawa.

"Let's go. We need to find them."- sabi ni Isabelle at nag lagay kami ng bala sa mga baril namin bago tuluyang lisanin ang lugar na to.

Charice's POV

Kasalukuyang tumatakbo kaming tatlo sa may meat section ng grocery store. Rinig na rinig ko ang hingal namin. Tumigil ako at kinasa ang baril ko.

"Eh kung kumuha kaya tayo ng kahit ilang karne dito? Tapos ihagis natin kung saan di nila tayo mahahanap."- sabi ni Kytes habang nag pupunas ng pawis sa mukha niya.

"Magandang ideya yan. Dali kumuha tayo."- anyaya ko sakanila at kinuha namin agad ang mga plastic gloves sa tabi ng karne.

Habang nag pupuno kami ng mga karne sa plastic ay papalapit ng papalapit ang naririnig naming mga ungol mula sa mga halimaw na yun.

"Tigil na guys. Tara na kung ayaw niyong mamatay tayo dito."- sabi ni Jerome at agad umalis. Sinundan namin siya at nag simula na kaming mag kalat ng karne. At nang matapos namin ay tama ang ginawa namin. Dahil nandun silang lahat sa mga karneng nakakalat sa sahig.

"Uto-uto ang mga ungas na to."- sabi ni Kytes at ngumisi. "Tara na. Lumayo na tayo dito"- agad kaming tumakbo papunta sa mga pagkain.

"Jerome, punuin mo yung back pack mo ng mga mineral water. Kytes, samahan mo si Jerome dito, after nyong manguha ng mga mineral, puntahan niyo ko sa mga canned station."- sabi ko at nag lakad. Napatigil ako ng may humablot ng braso ko.

"Ikaw lang mag isa? Seryoso ka ba?"- sabi ni Jerome habang nakahawak sa braso ko.

"Oo seryoso ako. Mukha ba kong nag bibiro? Dalian niyo nalang. Pupunta tayo sa may mga gamit pang luto."- tinaggal ko mula sa pag kakahawak ni Jerome sa braso ko at agad umalis.

End Of The World (The Return Of The Living Dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon