Chapter 7 (Before the apocalypse happened)

185 14 0
                                    

--- Chapter VII 

(special chapter)

Aatroxx's POV

Ako si John Aatroxx F. Martinez, at Ito ang kwento ko nang bago mag simula ang apocalypse.

Masayang nag lalaro ang mag kapatid na sila Ashleigh at Angela dito sa play ground ng school habang nakaupo ako sa isang swing. Nakatingin lang ako sakanila, ansaya nilang tingnan. Sophomore kami ni Ashleigh at ang kapatid naman niyang si Angela ay grade 2. Nang maramdaman ko ang pag kabored, nilabas ko ang tablet ko, nag search ako kung nasaan na si jannah, kaklase ko siya sa section 2. Kahit hindi bukas ang GPS niya masesearch ko kung nasan man siya. Sabi nila ang mga nakakagawa lang nun ay isang technology expert. Nang makita ko na ang red line ay malapit na siya dito sa school. Nung malaman ko kung nasan na siya ay pinatay ko na ang tablet ko.

Nung lumingon ako sa bandang gate, nakita ko ang van ng mga Lopez. Ang mga anak nila mr and mrs Lopez ay nandito na. Sophomore, section 1. Bumaba na ang driver para buksan ang pintuan ng van. Bumababa ang dalawang babae. Tinitigan ko lang sila hanggang sa makaalis. Maya maya pa ay nag bell na, pumipila na ang mga bata para sa flag ceremony. Tumakbo na rin ang mag kapatid papalapit saakin at sabay kaming tatlo pumila.

Nang matapos ang flag ceremony, pumasok na kami sa sarili naming mga classroom. Nakita kong nag wave si Ashleigh sa kapatid niya, ganun din ang ginawa ni Angela. 

Nang makapasok na kami, umupo na kami sa sarili naming mga upuan at katabi ko si Ashleigh. Lumingon siya saakin at kinausap ako.

"Uy aatroxx, yung tablet mo nandiyan ba?"- Ashleigh

"Oo nandito, hihiramin mo ba?"- ako

"Mmhmm, may ire research lang akong importante."- Ashleigh

"Oh sige" Sabi ko at kinuha ko ang tablet ko sa bag at inabot ko sakaniya "Leigh ito na, ingatan mo ah, may mga importanteng data diyan. Sayo ko lang pinapahiram yan"- dag dag ko.

"Sus, yun lang pala. Sige iingatan ko."- Sabi niya sabay tawa ng mahina.

Napailing nalang ako. Tumingin ako sa bintana, malapit lang ako kaya kitang kita ko kung sino ang mga paparating na tao. Nakita ko yung taga section 1 na tumatakbo. Late na siya kaya ganun. Kinalabit ako ni Ashleigh, tumingin ako sakaniya.

"Oh, Ito na aatroxx. Salamat."- sabi niya sabay abot sakin nung tablet

End Of The World (The Return Of The Living Dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon