Chapter 11: Adventure?

60 6 0
                                    

Charice's POV

Habang ginagamot ako, napansin kong parang may hinahalong gamot si Jerome sa isang kwarto. Medyo naka uwang kasi ang pintuan kung saan ginagamot yung sugat ko sa tagiliran.

"Oww.."

"Ayy sorry.."

Tinatahi kasi yung sugat ko. Wala namang anastesia kaya mag titiis ako sa sakit.

"Kamusta na po ang magulang niyo?"-paninimula ni Kytes

"Wala akong balita nung nag simula ang apocalypse. Ni hindi ko rin alam kung nakaligtas sila."- sabi ko at medyo nararamdaman kong umiinit ang sulok ng mata ko

"Sana naman ay ligtas sila. Paano nalang kami ni Jerome? Marami pa kami dapat matutunan tungkol sa mga gamot"

"Tsh, yan talaga ang iniisip mo eh noh? Ano ka ba! Nandito pa naman kami mag kapatid."

"Pero kaunti palang ang nalalaman niyo tungkol sa ibang gamot na nalalaman ng magulang niyo."

"Kwini-question mo ba ang kakayanan namin--- aray!"

Di ko natapos ang sinabi ko dahil nabiglang nahila ni Kytes ang sinulid dahil may narinig kami mula sa labas.

"Ano yun?"- halos na sabay namin

Nang matapos matahi ni Kytes ang sugat ko, tinakpan niya ito ng bandage.

"Miss Charade, may mga zombie sa labas."- ito na nga ba sinasabi ko eh.

"Mag handa kayo para sa madugong bakbakan."- sabi ko at kinasa ang shotgun habang nakangiti

"Ito na nga ba't sinasabi ko. Dala ng mga online games at arcade-- aray ko po."- Jerome. Di ko siya pinatapos dahil alam kong alam niya na mahilig ako sa mga ganung laro kaya parang wala lang sakin ang lahat ng nangyayaring ito.

"Kaaaaaambaaaaal! Eeeehhh. Nandyan na yung mga sabog ang pisngi!"- agad na bungad saakin ni Tricia at yumakap ng mahigpit. Arrgh baliw.

"Masakit! Yung---waaaaaah!!!"- napasigaw ako dahil nayakap niya yung sugat ko.

"Ay hala. Pasensya na---waaaaaahhhhh!!!!!"- napatigil siya dahil may agad na nakapasok na zombie dito sa clinic. Pinaputukan ko naman ito gamit ang baril at sakto sa ulo nito.

Agad naman ako napapikit ng mata dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Umalis ka nga muna sa pagkayakap Tricia. Papatayin mo ata ako eh."- sabi ko sakaniya.

Nang makalabas kami ng clinic, agad namin pinuntahan ang mga kasamahan namin.

"Ashleigh! Sa likod mo!"- sigaw ni Aatroxx habang bumabaril. Agad naman siniko ni Ashleigh ang mukha nung zombie at pag katumba nito ay agad binaril nito ang ulo.

Napalingon naman agad ako kay Jannah. "Jannah! Dapa!"- sabi ko at binaril ang zombie na nasa likod nya kanina. Agad ako lumapit sakaniya at itinayo siya. "Ayos ka lang?"- tanong ko sakaniya."oo. Tara na lumabas na tayo bago pa tayo makain ng buhay dito."- sabi niya at nangunang lumabas.

Sumunod naman kaming lahat. Kahit na medyo nahihirapan na ko sa back pack na nasa likod ko, patuloy parin ako sa pag takbo. Nang wala na kaming makita ay nag lakad na kami. Habang nag lalakad ay bigla nalang ako napaluhod at napahawak sa tagiliran ko. Tumigil din yung ibang kasama ko sa pag lalakad.

"Ako na sa bag mo."- sabi naman ni Tricia at kinuha ito.

"Haist. Kailan ba matatapos ang delubyong to?"- sabi ko at tiningnan ang kamay kong puno ng dugo. "Mukhang bumuka ata yung sugat ko."

"Teka? Nasan sila Jannah? Napahiwalay ata sila."- Jerome

Agad naman akong napatingala at ang mga kasama ko lang ay sila Bea, Tricia, Jerome at Kytes, at Daniel. Ang mga napahiwalay naman ay sina Jannah, Aatroxx, Ashleigh, Marcus at Darren.

"Hanapin nalang natin sila."- sabi ko at tumayo. Inalalayan naman ako ni Tricia.

Jannah's POV

Pagkatakbo na pag katakbo namin sa labas, 'di na namin nakita yung ibang kasamahan namin.

"Sh*t guys pano na tayo? Nahiwalay tayo kanila Charice?"- Ashleigh

"Don't worry, may tracking device akong nilagay sa mga bag natin kung sakaling mag kahiwa-hiwalay tayo."- Aatroxx. Nag simula na siyang mangalikot sa tab niya ng bigla kaming makarinig ng parang nag hihila ng kadena.

"Tara na baka maabutan tayo dito. Dahan dahan lang sa pag takbo."- Marcus at may nilagay siyang bomba kung saan namin naririnig ang paghila ng kadena.

Nag simula kaming magsitakbuhan. Hays. Sana mahanap na namin sila. Pawala na mga bala namin.

Nang makaramdam kami ng pagod. Pumasok kami na parang staff room. Mag papahinga muna kami ngayon.

"Mga ate at kuya, pahinga muna kayo. Ako muna ang mananatiling gising habang nag tra-track sa ibang kasamahan natin." - Aatroxx

At unti unting nag sara ang mata ko at ng ibang kasamahan namin.

Aatroxx 's POV

Kahit na gusto kong magpahinga katulad ng mga kasamagan ko ngayon ay hindi maaari. Tsk.

"T*ng*na naman. Bakit 'di sila makita?!"- bulong ko.

Habang tina-try ko parin, ay may nabasa ako tungkol sa mga iba't ibang uri ng zombies. Nang simulan ko ay may biglang kumalabog sa pintuan namin.

Bigla akong napatayo at inayos ang baril ko. Nakita ko ang mga kasamahan kong biglang nagising at inihanda rin ang mga baril. Lalong lumalakas ang pintig ng puso ko kasabay ng malakas na kalabog galing sa labas ng pintuan.

Sumenyas ako kay Jannah na kunin lahat ng gamit ko.

"Tss. Bahala na. Ako na muna bahala sainyo. Paki sabihan nalang sila kapag namatay ako."- sabi ko habang papalapit sa pintuan.

"Sht brad. Wag ganun. Kailangan ka namin."- biglang sabi ni Marcus. Hays.

Bawat daloy ng pawis ko sa mukha ko ay kasabay yun ng paglunok ko. Nanginginig akong hinanda ang pag kalabit ng trigger ng baril ko.

'Dyos ko. Kayo na ho bahala saakin.'- dasal ko.

Agad kong sinipa ang pintuan at pinaputukan sa mukha ang mga zombies na nakasalamuha namin. Paano kami natunton ng mga kutong lupa na to?

Kasabay ng pagbaril ko ay ganun sila Ashleigh at Marcus. Habang sila Darren at Jannah ay gumamit na ng katana na nakita nila ata sa parang staff room na pinuntahan namin.

May naaninag ako na parang tao. Sino nga ulit to?

"Aatroxx dito! Dalian niyo!"- sabi ng lalaki na to.

Agad kaming pumunta sa lalaking sumigaw at pinag tago kami kung saan di kami makikita ng mga zombie.

"Oh? 'Di ba kasama ka nila Charice, Daniel? Anong nangyare?"- tanong ni Ashleigh. Ah so si Daniel nga pala to.

"Oo nga? Nasan na sila?" - tanong ni Jannah.

"Pag katapos kasi natin mag kahiwa-hiwalay, hinanap namin yung grupo niyo. Leche mali yung nadaanan namin. Ayun. Nag kahiwa-hiwalay naman kami. Malas ko nga at ako lang nag iisa."- sabi ni Daniel habang hingal na hingal.

Bigla naman tumunog ang tab ko.

"Don't worry guys. Tara na. Mahahanap natin sila. 'Di na tayo mahihirapan dahil malalapit lang ang mga distansya natin. May dalawa sa 3rd floor, sila Bea at Tricia. May tatlo sa 2nd floor which is may grocery store doon. Nandoon sila Charice, Kytes at Jerome." - itinago ko na yung tab ko at nag reload ng baril.

------------

Hi guys! Super sorry sa tagal ng update. Busy sa school eh. Kaya ngayon, mag a-update na ko kasi bakasyon na yes! Huahua. Sorry kung medyo bitin. May kasunod pa kasi to.

End Of The World (The Return Of The Living Dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon