Chapter 4 (The attack of zombies)

266 12 0
                                    

- - - - Chapter IV

Tuluyang nawasak ang pintuan. Nag kalat ang mga bubog sa sahig. Muntik na kami matamaan buti nalang ay nakaiwas kami. May naramdaman akong mahapdi sa braso ko. Shoot! Natamaan pala ako ng bubog. Nakita ko si Tricia na papunta sakin. Tinigil niya ang pag baril pumunta kami sa isang sulok. Tinanggal niya ang bubog sa braso ko. Tumingin ako sa direksyon nila Charice, nag papa putok na sila ng baril, sumilip ako sa pintuan. Andaming mga zombie na tumatakbo. Yung iba ay gumagapang sa sahig. Marami nang dugo sa pintuan para na itong pool Kung titingnan mula sa taas. Okay na ang sugat ko kaya tumayo narin kami at tumulong sa pag babaril. Pakonti na ang zombie kaya nag desisyon si charice na unting unting lumabas sa pintuan.

"Move! Lumabas na tayo! Konti narin sila kaya na natin ang mga yan" -Charice

Sinunod namin siya. Sa wakas ay nasa hallway na kami. Si William nawawala. Tingin ko naiwan siya sa loob. Wala na kaming makita pang zombie na kaya tinigil na namin ang pag babaril. Maya maya pa ay lumabas na si William. Punong puno siya ng mga dugo. Wala namang duda na dagger ang gamit niya. Buti nalang ay Hindi siya nahirapan sa pag salsas sa ulo ng mga zombie. Pero ang nakakagulat ay meron pang zombie. Gumapang Ito hanggang sa nakagat siya ng zombie sa binti niya. Napasigaw siya at tuluyang bumagsak sa sahig. Binaril namin ang zombie. Nakahawak si William sa kanyang binti. Lumapit si Tricia.

"Masyadong malalim ang kagat niya. Hindi ko siya kaya. Tatakpan nalang natin ito para Hindi mag kaimpkesyon."-Tricia

"Kahit wag na. Hayaan nyo nalang ako mamatay dito."-William. Nilabas niya ang dagger at tipong isasaksak sa sarili niya. Pero pinigilan namin siya. Pero Huli na ang lahat.

Nakita ni Tricia lahat nangyare. Tumalsik ang dugo ni William sa mukha ni Tricia.

"C'mon guys. Wala na tayo magagawa. Nag suicide si William. Just pray his soul"- Sabi ni charice

Tumayo na si Tricia at Naglakad papunta samin. Kawawa naman si William. Kakakilala ko Lang sakanyan namatay pa. Tumalikod na kami at nag simula nang maglakad. Si charice ang nangunguna. May nadadaananan kaming mga room puro dugo ang mga ding ding nito. Ang mga ilaw patay bukas. Nangangamoy ang mga sariwang dugo at ang mga patay ay wala na ang mga ibang parte ng katawan. Pumasok kami sa isang room para mag pahinga. Umupo muna kami. Katahimikan ang nangingibabaw saamin. Pero binasag nang isang maglakas na kalabog mula sa labas.

"Ano nanaman ba yan? Susugod nanaman ba ang mga bwiset?"-iritang Sabi ni Daniel

"I don't know. Just have fun Daniel."-nakangiting Sabi ni charice. Wow she's enjoying this huh? Pwes ako Hindi. Nagulat lahat ng Sinabi ni charice iyon. Kahit si Tricia nakangiti. Ay ewan parehas nababaliw ang mag kapatid na to.

"Ready bea?"-mysterious

Napatingin ako sakanya tinanggal niya na ang hood niya.

"Yeah"-tipid kong sabi. May pag ka Japanese siya. Tingin ko'y may halo siyang pilipino.

Nag handa na kami. Si Daniel at Charice ang nanguna at binuksan ang pintuan. Sa totoo lang sila yung laging nauuna. Takot kasi kami. Nasa hallway na sila ngayon. Nag sign si charice na wag muna kaming lumabas. Panay lingon sila sa likod at harap. Maya maya pa ay napatigala sila. Ano na ang nangyayare? Hindi ko alam kung ako lang ang nakakarinig pero parang may nag hihila ng bakal. Nag simula na sila barilin yung zombie. Tumakbo na sila pero kami dito muna. Hihintayin namin na makalagpas yung zombie ay hindi higanteng zombie. Teka higante nga hinihila niya yung may bolang patusok. Puno Ito ng dugo, merong ding ibang parte ng katawan. Nasusuka na ko. Wala na yung zombie.

"Ready for the war."-mysterious

Lumabas na kami. Hindi pa naman sila nakakalayo. Sa gymnasium sila patungo. Tumakbo na kami pero bakit parang marami? Napalingon kaming lahat. Darn it wrong timing! May kasunod kaming zombie. Nag paputok na kami. Marami sila may buntis pang zombie. Sa totoo lang naawa ako sa mga nahawaan ng sakit na to. Ambilis lahat. Hindi nauubos ang zombie, Pero nauubos na ang bala namin. Kamalasan nga naman. Naalala ko nga pala na may granada dito sa bag ni charice. Pakuha na ko nang makita ko yung loob nito andami iba't iba ang mga Ito. Pero mas gusto ko yung merong bilog na natatanggal. Halungkat lang ako ng halungkat. JACKPOT kumuha nako at tinapon ko na.

"Bilisan niyo ang pag takbo!"- sigaw ko

"Bakit?"- andrixx

"Mag tanong pa merong gra---"- Hindi ko natuloy dahil sumabog na yung granada.

Sumabog na Ito kaya yung iba sabog na rin. Konti nalang. Nakita ko si andrixx may mga galon siyang tinatapon. Amoy gas. Nang matapos na ay sinindihan niya Ito at tumakbo na siya saamin

"Buwis buhay teh!"- Tricia

"Kailangan para naman Hindi tayo mabawasan. Kaya iyon patay sila Diba!"- andrixx

"Good job andrixx"- mysterious

"Che! Hindi pa tayo tapos!"- mataray na Sabi ni andrixx

"What ever!"- mysterious

"Wag na kayo mag away. Nasa gymnasium sila bilisan niyo."- ako

Sa wakas nasa gymnasium na kami. Naabutan nalang namin yung higanteng zombie na nanghihina. Nakita ko sila Charice at Daniel meron silang kasama dalawang babae at isang lalaki.

"Fire!"- guy

May bazooka siya kaya iyon patay ang zombie. Head shot. Ang masaklap naligo sila sa dugo.

"Pssh pinahirapan mo pa kami meron ka pala niyan!"- iritang sabi ni charice

"Oo nga nag sayang pa tayo ng bala."- Daniel

"Ayaw niyo yun? May fun parin ah?"- guy

"Ewan sayo."- yung babae

"Nga pala ako si aatroxx"- yung guy

(A/N: sino nag lalaro o nakakaalam ng League of Legends or LOL? I'm sure kilala niyo si aatroxx. Yan yung pinili nung kaklase ko. Share langss)

"Ako naman si Ashleigh pinsan ko si aatroxx"- yung babae. Pretty siya

"Ako naman si Jannah. Sophomore kami. Diba kayo rin? Iba Lang ang mga section natin." Si ms long hair.

"Yah we know that."- charice

"Teka sino sino ba kayo?"- aatroxx

"Charice. Ito naman si Tricia, Bea, Andrixx, Daniel, at si Mysterious." - charice

"( nag katinginan yung tatlo ) bakit mysterious ? " - Sabay nila ng tanong

"Tanong mo Kay bea. Siya tumawag nang ganun eh"- charice

"Pano mo nalaman?"- ako

"Nabasa ko nasa Isip mo."- charice

"Wow nice! Ge nga ako. Ano nasa Isip ko ngayon?"- aatroxx

"Hahhahahahahha! Maligo!"- charice

"Ok ok tama. HAHAHAHA I think we should find a hideout na merong shower." - aatroxx

"Diba meron dito? Dito nalang tayo mag shower then mag hanap narin tayo ng hideout."Tricia

"Tama si Tricia." - jannah

"So kailangan na natin maligo. Puno na tayo ng dugo."- aatroxx

"Oo nga Tara na!"- Daniel

Nag hiwalay na kami magkakasama ang girls. Yung dalawang boys tingin ko nakakita na sila. 

Nasa shower room na kami. Buti naman ay may tubig pa. Sa loob ng shower room may mga damit dito. Kaya no choice kami Ito ang susuotin namin. Malinis ang mga Ito. Tapos na kaming lahat. Pati rin ang boys. Nilabas ni aatroxx ang tablet niya.

"Anong Gagawin mo diyan?"- andrixx

"Well pwede to maka track ng pwede pa nating puntahan."- sagot nito.

"Shemay! Nauuhaw ako. "- Tricia

"Lahat tayo. So Baka meron pa sa mga cafeteria dito sa school. Tingnan mo nga aatroxx Kung ok pa ang dalawang cafeteria?"- charice

Scanning....

Scanning ....

Scanning.....

Scanning complete

"Yup ok pa naman. Bali parang may Tao pa nga dun eh. Tara tulo ng tulong na!"- aatroxx

Nag lakad na kami papunta ng cafeteria kahit papano ay may na encounter parin kaming zombie. Pero bakit gento ang nararamdaman ko? Parang may masamang mangyayare?

- ------------

(A/N: ano kaya nararamdaman ni bea na masama? Abangan sa chapter 5 :)) Medyo mababagalan ng konti ang pag update :) thanks for reading.

End Of The World (The Return Of The Living Dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon