Ang Pagsalo at Pagmahal ng Isang Kapatid

73 1 6
                                    

Noong gabing iyon, sa gitna ng gubat, may isang malaking salo-salo sa isang barangay. Ito ay ang Barangay Karagatan, dahil ito ay malapit sa matubig  na lugar.  Dito kung saan nakatira sina Dagat at Dagatin. Dito lahat sama-sama ang mga tao, na ito ay pinamumunuan ng isang Raha, si Raha Madalo. Mahal na mahal siya ng kanyang mga katauhan dahil sa kanyang kabaitan at walang kupas na pagtulong at ngiti sa bawat tao. Matalik rin siyang kaibigan nina Dagat at Dagatin dahil matagal niya ng kasama ang kanilang tatay noong bata pa lamang sila.

Balik tayo sa may kwento. Ngayon, tuwing pag may okasyon at salo-salo sa barangay, siguradong bonga at walang kupas ang kasiyahan at sayawan at pagsasalamat kay Bathala, ang Diyos ng mga sinaunang katauhan. Sa gitna ng barangay ay may sunog, at dito ay binibigay nila ang kanilang mga paghahandog kay Bathala. Bakit ba may ganitong salu-salo? Dahil sa tagal kasi ng walang isdang nahuhuli sa barangay, para ba itong isang ‘kakaibang’ pangyayari, para bang ito’y isang himala sa barangay.

Sa palibot ng sunog ay dito kumakain ang mga tauhan. Naghahabulan ang mga bata at walang tigil na kwentuhan at tawanan ng mga dalaga at mga binata ang matatagpuan mo. At dito hindi matigilan ni Dagatin na ngumiti rin, dahil paglingon niya ay nakita niyang nakangiting nagkwekwento ang kapatid niya na sin Dagat, kasama ang mga kabarkada niya, nakalibot sa kanya habang detalyadong pagkwento ang sinagawa ng binata.

Lumingon si Dagat, at nakita niya ang kapatid na nakangiti sa kanya. Ngumiti rin siya. Kung hindi dahil sa ilaw ng sunog, na kung saan ito’y nasa likod ni Dagat at tuloy madilim na tignan ang mukha niya, halatang namumula siya. Matagal na hindi ngumigniti si Dagat, simula noong wala ng nahuhuli na isda tuwing siya’y maghuhuli. Siguro kailangan lang niya talaga ng tulong sa kapatid niya sa pagiging matyaga sa paghintay.

Noong gabing iyon, pagkatapos ng salu-salo ay bumalik na sa kani-kanilang mga bahay na gawa sa natural na materyales at mahuhusay na mga kamay. Dahil ang bahay nina Dagat at Dagatin ay isa lamang ang ginawang kwarto, parehas na kwarto nila. Dito sila natutulog at nagpapahinga. Silang dalawa ay may ginawang higaan, gamit ng dahon at pwedeng gamitin na higaan at hindi ka makakaramdam ng pangangati. Dito may dalawang higaan, isa sa may kanan (pag ito’y tinitignan mula sa may pintuan) at isa pa sa may kaliwa.

 Nakahiga si Dagatin sa may kanan na higaan. Ang ilaw lamang sa loob ng kwarto ay nagmumula sa may bintana lamang ng kwarto, na ito’y tinatakpan lamang ng dahon ng saging. CRASH! Umuulan ng malakas, na may halong kulog at kidlat. Hindi maisara ni Dagatin ang kanyang mga mata dahil tuwing umuulan at madilim ang labas, maraming masasamang nangyayari. Noong ibang taon ay ninakawan sila, at noong isang taon ay may narinig silang pinatay. Lahat ito ay nangyari sa tag-ulan. Kaya lagging natatakot si Dagatin pag may darating ulan ng gabi. Nasa labas si Dagat na nag-aayos ng sinibak na kahoy, kaya mag-isa lamang si Dagatin sa kwarto.

CRACK! Napa-upo si Dagatin ng nakarinig siya ng malakas na tunog galling sa labas ng kwarto niya. Kaagad siyang bumangon sa higaan at kinuha ang kanyang sariling kutsilyo na gawa sa matulis na bato at binigay sa kanya ng kapatid niya. “Dagat? Ikaw ba iyan?” Biglang may pumasok na nakakatanda at matangkad na lalaki. Hindi nakilala ni Dagatin kung sino ito. Kaagad sinugod si Dagatin, habang ito’y may bolo sa kamay. “DAGAT!” Biglang mayroon nanamang pumasok na lalaki na matipuno at binate ang mukha. Si Dagat!

“Huwag mong hawakan ang aking kapatid!” Kaagad itong pinalo ang mangnanakaw gamit ng isang malapad at matigas na kahoy, at diretso itong tinama sa ulo ng nakakatanda. Napatumba ang matanda at kaawa-awang gumapang palayo. “Huwag kang bumalik mula dito!” At sabay tinapon ni Dagat ang kahoy, at tuluyang gumapang patungo sa pintuan ang matanda.

“Sinaktan ka ba Dagatin?” Kaagad nilapitan ni Dagat ang kapatid, kung saan siya ay napa-upo sa sahig, na nakatutok ang bolo sa kanya. Kaagad tinulungan ni Dagat si Dagatin; nilayo niya ang bolo at kaagad hiniga ang kapatid. “Wala ba siyang ginawang masama sa iyo?” Muling tanong ni Dagat. “Opo, tinutukan lang ng bolo, pero hindi naman niya ako sinaktan.” Maluwag mulang huminga si Dagat ng narinig ang sinabi ng kapatid. Walang umimik ng sandal sa loob ng kwarto.

 “Buti nalang narinig kitang sumigaw,” bulong na pagsabi ni Dagat. Walang imikan muli. “Matutulog na rin ako…” Muling sabi ni Dagat habang siya ay patungo na rin sa kanayang kama. “Dagat…” lumingon si Dagat at tinignan ang kapatid, na nakatingin lamang sa kanya. “Huwag kang… umalis… Dagat…” malakas na bulong ni Dagatin. Hindi alam ni Dagat kung anong sasabihin sa kapatid, ngunit ngumiti na lamang siya. “Oo naman. Kapatid naman kita, at walang iwanan sa oras ng saklolo…” Ngumiti si Dagatin sa sinabi ni Dagat at tumalikod na siya upang matulog.

Humiga na rin si Dagat sa kanyang higaan at paulit-ulit na iniisip ang sinabi niya kay Dagatin.

“Walang iwanan…”

At mga bandang kalagitnaan ng gabi, tumigil ang pagbuhos ng ulan.

Pilipinas I: INDEPENDENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon