Ang Kwento Nating Dalawa (6)

3.7K 217 33
                                    

Dirediretso ako sa hotel room na tinutuluyan namin. I grab my bag and packed my things. I need to get away. Dun sa malayo. Malayong malayo sa kanila. Sa reyalidad. Gusto kong tumakas. Gusto ko na lang takasan ang lahat. I've always been a fighter but I should know when to stop.

In my life, I've been to so many battles. Most of them I shared with her. But now I'm all alone. Pakiramdam ko naiwan ako sa isang lumulubog na barko, walang masulingan, walang mapuntahan. At hindi ako makatalon sa dagat. Hindi dahil sa hindi ako marunong lumangoy, kundi dahil natatakot ako sa malalaking alon. Kaya mas pinili ko na lang maiwan.

My tears fell like water habang nag eempake ako. Hindi ko na nakuhang ayusin ang mga damit ko. Basta nilagay ko na lang lahat sa luggage ko. Halos patapos na ko sa mabilisan kong pag eempake ng bumukas ang pinto sa likod ko.

"Aalis ka?"

Natigilan ako ng may magsalita sa likod ko. Inaasahan ko ng susundan ako ng isa sa barkada pero hindi ko inasahang sya ang susunod sa'kin. Kahit hindi ako lumingon, kilalang kilala ko ang boses nya. Mabilis kong pinunasan ng kamay ang mga luha ko. Ayokong makita nyang affected ako sa naging announcement nila.

"Oo, may emergency kase sa office. Kailangan daw ang presence ko dun." Sagot ko na hindi lumilingon. Tinapos ko na ang pag eempake.

"Please stay." She said in a croaked voice.

Mabilis akong lumingon sa kanya. I saw her with tears in her eyes. Hindi ko napigilang lapitan sya at pahidin ang luha sa mga mata nya.

"I-I missed you Yoyon. I missed my bestfriend." She said in between sobs.

"Mas namiss kita." Sagot ko. Napakagat labi na lang ako para pigilan ang mga luha ko sa muling pagdaloy. Bakit ba hindi ko sya kayang tiisin?

She hugged me tight, na ginantihan ko naman ng mas mahigpit na yakap. Hindi na kailangan ng madami pang salita para magkaintindihan kami. Sapat na ang kaalamang namiss namin ang isa't isa. Napapikit ako ng mariin habang yakap ko si Glaiza. God, how I love this woman.

"Congrats nga pala. I'm happy for you." Pahayag ko mayamaya pagkatapos naming magyakap. Pinilit kong ngumiti para magmukhang sincere ang pagbati ko.

"Bakit parang hindi ka naman mukhang happy?" Nakangiti nyang tanong.

"Ano ka ba, syempre masaya ko pag masaya ka." I said defensively. Trying to convince her and myself.

Ngumiti lang sya sa sinabi ko at umupo sa gilid ng kama. She's a picture of a woman in love. Dati ako lang ang nakakapagpangiti sa kanya ng ganu'n, ngayon iba na ang dahilan ng pagngiti nya.

"Mahal mo talaga sya 'no?" Naupo na ko sa tabi nya.

"Yon, pagkatapos akong lokohin ng gago kong ex ... araw araw kong dinadasal na sana dumating yung araw na makilala ko yung tamang tao para sa'kin."

Ang Kwento Nating Dalawa (RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon