Ang Kwento Nating Dalawa (5)

3.1K 191 23
                                    

I'm alone in my room. Halos madaling araw na pero hindi pa din ako dalawin ng antok. I've been like this since Glaiza and I had a fight. Palaging sya ang laman ng isip ko. Mula paggising ko sa umaga hanggang sa gabi bago ako matulog. Naaapektuhan na nga pati ang trabaho ko sa office. I cannot even function anymore.

It's been a week since Glaiza and I talked. At ganun na din kami katagal na hindi nag uusap. So far, ito na ang pinaka matagal na away namin. Hindi ako sanay na hindi kami nag uusap. Nasanay ako na nakakatanggap ng text sa kanya every morning. Nagpapaalala na hwag akong magpapalipas ng gutom. Dati rati sya ang unang nagsosorry sa mga away namin. Kahit ako pa ang may kasalanan, sya ang unang nakikipagbati. Ngayon, dumating lang sa buhay nya yung lalakeng yun parang nakalimutan nya na ko ... natitiis nya na ko.

I missed her so much pero since hindi nya naman ako namimiss, baka nga mas maganda nang ganito kami. Baka mas madali para sa'king makamove on sa feelings ko sa kanya kung hindi na kami mag uusap at magkakasama.

----

"Rhi, pumunta ka na kase sa birthday ni Luis." Si Chynna na kinukulit ako para pumunta sa birthday celebration ni Luis sa Batangas. Sinadya nya talaga ako sa office ko dahil halos isang buwan na kong hindi sumasama sa mga hang out ng barkada.

"Chyns, pass muna ko. Masyadong maraming trabaho ngayon dito sa office that's why I can't afford to go out of town right now. Kikitain ko na lang si Luis pag nagkaron na ko ng time para bumawi." Tugon ko na nasa paper works pa din sa ibabaw ng table ko ang pansin.

"Eh lagi ka na ngang pass eh. Rhi, one month ka ng hindi nagpapakita sa barkada. Namimiss ka na namin. Pinapaalala ko lang sa'yo, kayo lang ni Cha ang may misunderstanding. Sa kanya ka lang umiiwas, hindi sa buong barkada."

Napatigil ako sa pagbabasa ng report sa desk ko. Tumingin ako kay Chynna bago nagsalita.

"Hindi ako umiiwas. Busy lang ako talaga sa trabaho." Paliwanag ko.

"Sus, iba na lang Rhi. Hwag ako! Lokohin mo ang lolo mong pango!" Nang aasar nyang sabi.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nya.

"Unang una, walang pango sa lahi namin. Pangalawa, bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pangatlo, bakit naman ako iiwas? Wala naman akong kasalanan. Kung meron man, yun yung masyado lang akong naging concern na bestfriend."

"Talaga? Hindi ka umiiwas? Sige nga, patunayan mo. Pumunta ka sa birthday ni Luis." Naghahmong tugon nito.

Huminga ako ng malalim.

"Chyns, hwag ng makulit. Madami pa kong trabaho oh. So, please ..." Tiningnan ko sya sa nagpapaawang mukha. Pagkatapos ay ibinalik ko na ang tingin ko sa mga paper works na nagkalat sa ibabaw ng lamesa ko, umaasa na aalis na si Chynna. Pero wala yata syang balak sumuko.

"Fine! Pupunta ka na ba kung sasabihin ko sa'yong hindi naman pupunta si Cha?" Tanong nya na nakapagpatigil sa ginagawa ko. Tumingin ako sa kanya sa nagtatanong na mga mata.

"Bakit hindi sya pupunta?" Nagtataka kong tanong. Lagi yung present sa mga hang out ng barkada. Kahit gaano pa sya kabusy, she made time for friends. Kaya nakapagtataka lang na aabsent sya sa birthday ni Luis.

Nagkibit balikat lang si Chynna sa tanong ko.

"Baka umiiwas din na kagaya mo."

Tiningnan ko sya ng matiim.

"Joke! Eto naman hindi na mabiro." Nakangiting sagot nya at nagpeace sign pa.

Hinihintay ko pa din ang matinong sagot nya sa tanong ko. I wanna know Glaiza's reason for not coming.

Ang Kwento Nating Dalawa (RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon