"Hi! Kanina ka pa ba? Sorry traffic eh." Bungad ko kay Rafael pagdating ko sa restaurant na pagkikitaan namin.
Nagkasundo kaming magmeet dahil may importante daw syang sasabihin. Hindi daw pwedeng sabihin sa telepono kaya nagpaalam muna ako kay Bianca na maglulunch na lang sa labas. Mabuti na lang at wala masyadong customers.
Tumayo sya pagkakita sa'kin at ipinaghila ako ng upuan.
"Hindi ako pwedeng magtagal ha. Lunch lang ang paalam ko kay Bianca eh." Sabi ko matapos makaupo.
"Hwag kang mag alala, sandali lang naman 'to. You'll be back in RK before she know it." Nakangiti nyang tugon.
Rafael is really such a sweet guy. Gentleman in every way. Mabait, magalang, mapagmahal sa pamilya, at may takot sa Diyos. Lahat ng qualities na hinahanap ng isang babae halos nasa kanya na. Maswerte ang babaeng mamahalin nya.
We're seeing each other for quite sometime now. Formality na lang ang kulang para masabing kami na talaga.
"So, ano ba yung importante mong sasabihin na hindi pwedeng sabihin sa phone?" Curious kong tanong.
"That can wait. Let's have lunch first. Shall we order?"
Tumango lang ako at tinawag nya na ang waiter. Hinayaan ko na lang na sya ang umorder para sa'ming dalawa. We are in a Japanese restaurant, one of my favorites kaya lahat ng pagkain gusto ko.
We're almost done in our lunch ng magtanong akong muli tungkol dun sa pag uusapan naming importante.
May iniabot sya sa'king envelope. Atubili kong kinuha at binuksan, tiningnan kung anong laman. Inside are different pictures of him. Iba ibang anggulo, sa iba ibang lugar. There are pictures of me and him, there's also him and some girls, others are with his family. Mostly, stolen shots.
"What's this?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakuha ko yan sa isang private investigator. Private investigator who happens to work for your bestfriend."
Naguguluhan pa din ako sa sagot nya. Bakit may private investigator? At bakit nadamay dito si Rhian?
"Pwede bang pakilinaw mo yung sinasabi mo. Medyo scattered brain ako ngayon eh." Kunot noo kong sabi.
"Your bestfriend hired a private investigator para imbestigahan ako."
"Rhian? My bestfriend Rhian?" Gulat kong tanong. Hindi pa din makapaniwala sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento Nating Dalawa (RaStro)
Hayran KurguAng istoryang napapaloob sa nobelang ito ay maaaring kwento ko, kwento mo, o ng mga taong minsang naging bahagi ng buhay mo. Maaari ding ito ang pinapangarap mong kwento at ang happy ending na naging mailap sa'yo. Kaya kung sino ka man, kung ano ka...