1.5: W-what?!

3 1 0
                                    

Erica's POV

"Alam ko na kung nasan si Kent." Wika ni Eric noong binaba na niya ang phone niya.

Bigla naman akong nabuhayan dahil sa sinabi niya.

"Oh? Asan?" Tanong ko, pero ikinagulat ko ang kaniyang isinagot.


"Kasama niya ngayon si Kuya mysterious."

"Asan ba kasi sila ngayon?!" Inis kong sabi.


"Yan ang di ko alam ate. Sinabi niya lang na nasa sakaniya si Kent, pagkatapos nun binaba niya na agad ang telepono. Nagtataka rin ako, kung pano niya nakuha ang number ko." Wika ni Eric.


"Eh anak ng kalabaw naman oh! Napaka ugh! Nakakainis talaga yang lalaking yan! Sobrang pa 'cool' na akala mo kung sino! Tsk. Ugh! Nakakainis na siya! Ano yun? Pa gangster effect, na kunwari kidnapper siya ganun?! Tae." Tuloy tuloy kong sabi, dahil sa sobrang pagka irita. Akala mo naman kasi kung sino kung maka asta yung mokong.


"Chill lang ate. Wala naman siguro masamang gagawin si kuya sa kaniya eh. For sure tatawag din yun para ipa alam kung nasan sila." Nakangiting sabi ni Eric.


Pero ewan ko ba. Parang mas lalo akong nairita sa sinabi ni Eric. Mukhang sa kaniya na nga ata ako naiinis ngayon eh.


"Eric naman. Tsk. Yung lalaking yun walang masamang gagawin?!" Medyo pasigaw kong sabi. Itsura pa lang nun di ko na mapagkatiwalaan eh.


Kung alam lang ni Eric na yung lalaking yun ang sumusunod sakin at parati akong pinagmamasdan sa malayo, panigurado akong kakainin niya lahat ng sinasabi niya tungkol kay mysterious. Ang mysterious niya talaga, I mean like alam niya number ni EK? Hindi naman kasi yun basta basta pinapamigay ni EK kahit na tropa ka niya. Weird...



Nakakainis. Kanina sobrang creepy niya nung nakatingin siya sakin mula sa puno habang nasa locker room ako. Tapos, alam niya yung ten years ago thingy. Tapos the way na makitungo siya saming dalawa ni EK parang matagal niya na kaming kilala, at nagpapanggap lang siyang hindi.


Nakakainis talaga siya. Not to mention, yung angas niya rin na akala mo kung sino. Tsk.


Ngayon lang akong nainis ng ganito sa buong buhay ko. Pakiramdam ko gusto ko ng sumabog.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon