Erica's POV
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, at naiwang nakatulala dahil sa mga sinabi niya.... sino ba siya
Siya na kaya ang lalaking pinangakuan ko? Pero teka.. imposible..
Napatingin ako sa leeg niya, pero wala akong nakitang locket.
Medyo lumayo na ang mukha niya sakin, pero magkaharap parin kami, at patuloy parin siya sa pag ngiti sakin.
Ngayon ko lang, napagmasdan ng mabuti ang pagmumukha niya. Maganda ang tindig ng katawan niya, maputi siya, singkit ang mga mata, at brownish ang buhok. Medyo may angas rin siya.
Kung hindi lang ako kinikilabutan sa lalaking to, malamang kanina pa ko naglalaway sa harap nito dahil sa kastigan niya. Ang cool niyang tignan. Oo na "Cool" siya pero teka.... sino nga ba talaga siya?
"Ate!" Nabaling naman ang atensiyon ko mula kay "mysterious guy" dahil sa sigaw na iyon. Napalingon ako, at napagtanto kong si Eric lang pala ito, na papalapit samin.
Nagulat ako ng biglang nagbago ang ngiti ni mysterious guy. Oo, pinanindigan kong mysterious guy na ang itawag sa lalaking to.
Mula sa ngisi ay napalitan ito ng isang maamong ngiti. Biglang nawala ang mga mata niya dahil sa kasingkitan nung ngumiti na siya.
T-teka.. ako lang ba to o gwapo talaga si mysteious guy?
"Bro! Nandito ka pala!" Nakangiting bati ni Eric. Napalingon akong muli sakaniya, at nakita kong nakangiti narin siya kay mysterious guy. Weird.. p-pero teka nga! Magkakilala sila?!
"Oo bro eh. May kailangan lang kasi akong bilhin." Nakangiting sabi ni mysterious.
Dahil sa pinaghalo halong pagkalito, pagkainis, at pagka badtrip narin ay agad kong binatukan si Eric. Kaasar.
"Hoy kumag! Magkakilala kayo ng lalaking toh?!" Sigaw ko sa kapatid ko, habang walang modong tinuturo turo si mysterious guy. Tae lang. Nakakainis tong kumag na to. Magkakilala naman pala sila nitong si mysterious.
"Oi! Oo nga magkakilala kami! Ate naman eh. Di mo naman kailangang mangbatok! (-3-)" sabi ni Eric.
Agad namang nabaling ang atensiyon namin ni EK, nang biglang magsalita si mysterious.
"Ah hahaha, mukhang ang sweet niyong dalawa na magkapatid ah? Hahaha, sige I'll get going na bro. Ingat ka :-) " pero bago pa man siya tuluyang umalis, tumingin muna siya sakin saka nag smirk! Tsk. Anak ng! Tae talaga ang lalaking yun.
Nang tuluyan ng makaalis yung mokong agad kong hinarap yung isa pang mokong and I'm referring to my brother.
"Sino yun?" I asked.
"Hala ka na. Di mo siya kilala tapos nakikipag usap ka sakaniyaaa" he said na nagbibiro. And take note pinrolong niya talaga ang pag pronounce sa "sakaniya" tss. Parang bata.
BINABASA MO ANG
Promise
RomantizmWhen everything is falling apart, isang bagay lang ang hindi pwedeng magbago, hindi pwedeng makalimutan, at hindi pwedeng palitan kailanman... they say mind can forget, but hearts? It never does. The past holds us together, but its the eagerness of...