Chapter 1.2: Is He Really Back?

26 3 0
                                    


Erica's POV

First day of school ngayon, at kinukulit ako ni Kenzo dito sa kwarto ko -_-

"Atee! Sige na kasi!! T^T!" Sabi ni Kent sabay pa-cute pa sakin. Siya nga pala ang nakababata kong kapatid. Well actually, siya yung bunso saming makakapatid.

7 years old pa lang siya, at Kenzo Kite Sanchez ang whole name niya. Well, of course he,s a guy xD and Kent ang nickname niya :-)

Kung bakit niya ako kinukulit? Simple lang. Gusto niyang pumunta kami mamaya sa mall at mamasyal -_-

Kanina ko pa ine-explain na hindi pwede dahil busy ako, kaso ayaw magpaawat eh. Sabi niya, matutulog at magfe-facebook lang naman daw ako mamaya -_- well, tama nga naman siya xD

"No baby, hindi pwede. Busy si ate." Sabi ko sakaniya. Totoo naman kasi eh, busy ako.... sa pag e-fb

Natahimik siya, tapos nakatingin lang siya sakin. Nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang nagmamaka awa.. argh! Those puppy eyes!

"Kent, wag mo kong tignan ng ganiyan." I warned him, dahil any minute from now, ay siguradong papayag na ako sa gusto ng batang to T^T

Pero, sadyang ayaw niyang magpa awat ng batang to, kaya ginamit ko ang pinaka patok na blackmail ko sakaniya xD

"Gusto mo ba ipagkalat ko yung tawag ko sayo dun sa mga kaklase mo? Hihihihi xD"

Nakita ko naman ang paglaki ng mata niya dahil sa gulat. Hihihi, mukhang effective nga xD 'Kei-kei' kasi ang tawag ko sakaniya, kaso ayaw niya nun at naiinis siya dun eh xD

Pang bakla daw, according to him -_-

Ang kyut kyut kaya xD initials niya kasi yun sa pangalan niya :-)

Tumahimik ng sandali si Kent, saka tumalikod, and he headed to the door. Nakayuko lang siya't di umiimik..

Lakas maka pa-guilty ng batang to T^T

"Okay.. ganiyan kana man talaga eh.. kapatid mo ko, pero.. nevermind, unahin mo na yung pinagkakaabalahan mo.. ganun naman talaga diba? Mas inuuna mo yan, simula nung umpisa pa lang.."

Nosebleed naman ako sa ginawang drama ni Kent, tapos dagdag mo pa yung payuko yuko effect niya -_-

Eh halata namang nagpapalambing lang, dahil dahan dahan kung buksan yung door knob, na parang naghihintay na pigilan ko siya xD

"Oo na sige na -_-" pagpayag ko. Tss, do I have a choice? Eto na nga bang ayaw ko pag nai-spoil namin tong batang to eh -_-

Bigla naman siyang tumakbo papunta sakin saka ako niyakap. "Yiieeeh!! Sabi ko na ba papayag ka eh! Hihihihi, di mo talaga ako matitiis ate! XD" sabi niya, habang ngiting ngiti. Sus, abot tenga pa ang ngiti -_-

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon