Chapter 1: Different

76 5 1
                                    



Chapter 1: Different



"Rain nga ang pangalan ko pero bakit kahit ganun.. not like rain, my life is not gloomy. Actually, I am LUCKY with my life 'cause I have a perfect family, friends and social life" - Rain


Rain's POV

"I am lucky to have you kaya sige na please" sabi ko sa best friend ko na napaka gwapo with matching puppy eyes pa, pinagdikit ko rin yung dalawa kong palad para mas effective.

Andito ako ngayon sa bahay ng bestfriend kong si Stanley Hess. Siya ang pinaka gwapo sa campus. Actually, siya nga ang Campus Prince sa Standalone Academy.

"Wag mo kong dinadaan sa ganyan An-an ha" Ha ha di talaga maresist ni bestfriend ang charms ko.

"Tan-tan, sabi kong wag mo na kong tawaging An-an ngayon dahil dalaga na ako. At isa pa, baka marinig yan ng mga manliligaw ko, nakakahiya" sabi ko sa kanya. Totoo naman yun eh, grade 11 na kami this coming school year kaya hindi nya na dapat akong tawagin sa ganung nickname. Isa pa, ang bantot ng nick name ko na yun, parang ang kati kati sa pandinig. Parang yung tumutubo sa katawan na kati.

"Oo na, oo na. Basta wag mo lang akong daanin dyan sa pagpapacute mo kung hindi naku, tatawagin kita nun sa campus" sabi nya pa habang tumatawa- tawa.

Pinipilit ko kasi siyang pahiramin ako ng kotse niya since ayaw pa ako bigyan ni daddy ng car kasi bata pa daw ako. Gusto ko kasi sanang pumunta ng mall nang walang kasamang driver. Hindi na ako makakapag bar nun kung andyan sya at nakabantay.

"Sige na Tan please" sana naman madaan na siya sa pagpapacute ko, gusto ko talagang masubukang pumunta sa bar. Curious ako masyado kung ano bang meron dun since narinig ko si kuya pati yung kaibigan niya na nag-uusap tungkol sa bar. Sabi pa nila babalik at babalik daw sila dun kasi heaven yung feeling pag andun ka, madami daw angel. Gusto kong malaman kung totoong heaven nga dun.

"Ano ba kasing gagawin mo at gustong- gusto mong hiramin ang car ko? May driver ka naman kaya makakapunta ka sa kahit saan at isa pa umuulan oh" Haay! ang hirap naman pakiusapan nitong si Tan.

"Eh kasi Tan gusto kong pumasyal mag- isa saka isa pa, may gusto akong madiskubre kung totoo ngang nag-eexist ang heaven na sinasabi ni kuya atsaka ano naman kung umuulan? Pwede naman magpayong ah" sabi ko habang nakapout.

"Okay sige but in one condition"

"Yes! Ano yung condition mo? Kahit ano pa yan gagawin ko" sabi ko. Ang saya lang kasi makakapag gala ako mag- isa.

"Let me drive, sasama ako sayo"

"What? Tan naman, sabi ko gusto kong gumala ng mag-isa kaya ayaw kong magpasama sa driver ko. It means ako lang Tan, ako lang at hindi ka kasama" Yung saya ko kanina agad napalitan ng pagkadismaya dahil sa sinasabi ni Tan.

"Take it or leave it An. Sino mas gusto mo kasama? Yung driver mo o ako?" sabi pa niya.

"Fine" I said in surrender. Wala naman akong choice kung hindi ang pumayag. Alam ko naman na susundin niya kung saan ko gustong pumunta.

....

Ilang minuto lang ay nakarating na kami dito sa mall. Alam ko malapit lang dito yung tinatawag nilang bar. Una naming pinuntahan ay ang mall. Bumili kami ng mga damit, sapatos at kung anu-ano pa tapos kumain narin kami sa Shakeys.

"Akala ko ba pupunta tayo sa heaven? San ba kasi yung lugar na yun dito?"

"Wait lang Tan okay? Sa labas yun nitong mall. Hahanapin ko lang rin okay?" sabi ko sa kanya habang naglalakad palabas nitong mall.

Loving The Wrong OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon