Chapter 2: The Start

41 3 0
                                    

Chapter 2: The Start

"Start a new journey and fill it with happiness before it ends" - The Positive

Rain's POV

First Day of school ngayon sa Standalone Academy. Masaya akong naglalakad ngayon sa gymnasium since orientation lang naman ang gagawin ngayon. Nakakailang hakbang palang ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"An" Sino pa ba ang magtatawag sakin ng An kundi si Tan lang naman.

"Hi Tan, kamusta ang Sunday mo?" tanong ko sa kanya. Di kasi kami nagkita nung linggo pagkatapos naming mamasyal nung Sabado ng gabi.

"Okay lang. Umuwi na pala si dad galing sa business trip niya"

"Talaga? Buti naman. May pasalubong ba sakin si Tito?"

"Oo naman. Dalaw ka nalang sa bahay namin." Wow ang saya ko na talaga ngayong araw.

"Sana magkaklase tayo Tan. Para may kasama na ako palagi bukod sa magiging new friends ko." sabi ko sa kanya nang ngiting- ngiti. Tinap niya lang ang ulo ko habang nakangiti rin.

Nang makarating na kami sa gymnasium, ang dami ng tao sa loob kaya sa may bandang gitna kami naupo.

"Students of Standalone Academy, please settle yourselves now. The orientation will start in no time." sabi ng emcee.

Nagsimula sa Openning Remarks tapos sinundan ng mga performers at diniscuss din yung rules and regulations ng school at marami pang iba bago nagtapos. Mga 10:00 narin yung natapos ang orientation kaya pinag break na muna kami at pinahanap ng rooms and section namin. Sa hapon nalang daw mag start ang first class namin.

"Tan, tara sa cafeteria." aya ko.

"Tara, balita ko meron daw bagong flavor ng cake dun."

Habang naglalakad, naririnig pa namin ang mga bulungan ng mga tao sa paligid namin na walang ibang topic kundi kami.

'How cute..'

'Aww.. Bagay talaga sila'

'Kyaaah.. Magkasama nanaman ang campus prince and princess'

'Cute couple'

'Ang swerte talaga nila kasi nahanap nila ang isat- isa'

'Aww.. Sana may syuta narin ako'

'Kainggit'

'Nangangamoy forever'

Grabe. Nakakahiya naman at lagi kaming pinagkakamalan ni Tan na magkasintahan.

"Tan, akala talaga nila ay tayo" bulong ko kay Tan nang  makarating na kami dito sa cafeteria.

"Hayaan mo na, hindi naman totoo eh" ang tanging nasabi ni Tan.

"Ano palang gusto mo?" tanong niya sakin.

"Leche Flan tapos choco frappe Tan. Yun lang at medyo diet ako eh." nahihiyang pahayag ko sa bestfriend ko.

"Diet? Kailan kapa natuto nyan?" sabi niya sakin ng natatawa tawa. Grabe naman tong si bestfriend. Ang sama.

"Ang sama mo Tan" sabi ko ng naka pout pa.

"Joke lang, sige bili lang ako ah"

Habang hinihintay ko si Tan na makabili ng order naming dalawa, may biglang lumapit sa akin na babae. Ang ganda niya at mukhang napakabait pa.

"Hello" sabi niya. "Pwede bang makiupo saglit?" tanong niya. Tumango lang ako habang nakatitig sa kanya.

"Rain? Tama ba?" tanong niya sakin.

Loving The Wrong OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon