Chapter XVI: Reunited

18 1 0
                                    

C H A P T E R  XVI:
reunited

BRIAN'S POV

"Parekoy?"

Sa pagbigkas palang ni Theo sa 'Parekoy' agad ko nang ibinaba ang cellphone at pinutol ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako sa katangahan ko.

Kaibigan ko naman 'yun, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Pakiramdam ko nakapatay ako ng tao at ayoko nang makipagkita sa kaniya dulot ng kahihiyan.

Nagsimula akong maglakad pabalik sa bahay.

Siguro naman ayos lang si Keila. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya.

"Bakit bigla kang tumakbo?" Kunot noong tanong ni Nathan nang makapasok ako sa bahay.

"Wala naman. May nakalimutan lang ako." Pagsisinungaling ko saka mabilis na umakyat sa kwarto.

Itinapon ko sa kama ang bag ko kasabay ng pabagsak kong paghiga.

Pinagmasdan ko ang cellphone kong ring ng ring dahil kay Theo.

Bakit kasi tinawagan ko pa? Kainis.


***

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Alas syete na pala ng umaga.

Imbis na bumangon, dumapa ako sa kama saka isinubsob ang mukha ko sa unan. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil lang sa katamaran o talagang masama ang pakiramdam ko.

Itinukod ko ang dalawa kong braso para makabangon saka sumandal sa headboard. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may mahalagang message.

From Hailey:

Brian. Meet me at the cafeteria.

Maaga pa para pumunta sa cafeteria. Tsk.

Sinubukan kong tawagan si Keila pero ring lang ng ring.

To: Keila

Hey. Are you up?

From: Keila

No. You're disturbing me.

To: Keila

Sorry.

Ok naman siguro si Keila. Sinungitan ako eh. Nandito kaya siya sa bahay?

Ipinatong ko sa side table yung cellphone saka dahan-dahan na naglakad papunta sa kabilang kwarto.

Nakabukas ang pinto nito at nakapatay ang ilaw. Tanda na wala si Keila.

"Hindi na uuwi si Keila."

Napapitlag ako nang marinig ko si Kyle na nagsalita. Hindi ko napansin na gising na pala siya.

"Morning." Sambit ko na lamang saka bumalik sa kwarto para maghilamos.

"Brad siguro oras na din para umuwi na kami." Dinig kong sabi niya mula sa labas ng kwarto.

Binuksan ko ang cabinet ko saka kumuha ng malinis na Tshirt at pantalon.

"Kailan niyo balak?" Isinara ko ang cabinet saka hinablot sa sandalan ng upuan ang towel ko.

"Bukas siguro." Tumango ako.

"Sige. Sabihan niyo nalang ako." Pumasok ako sa banyo at ilang sandaling pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

Simula bukas, mag-isa nanaman ako.

The Butterfly Effect: Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon