Chapter XIV: Unknown

26 1 0
                                    

C H A P T E R XIV:
Unknown

Third Person's POV

"Who are you?" Kunot-noong bungad ng lalaki sa pagpasok pa lamang ng binatang si Theo at ang kanyang ama.

"Mr. Parker, I'm Mr. Rodriquez and this is my son, Theodore Rodriguez." Pagpapakilala ng ama bagay na lalong ikinunot ng noo ng lalaki.

"Do you have an appointment?" Tanong pa nito.

"Actually we're here to tell you about Brian Parker." Walang pag-aalinlangang sabi ni Mr. Rodriguez. Hindi man sigurado sa magiging reaksyon ng ama ni Brian ay pinili niya pa din na sabihin na agad ang tungkol sa naiwan na anak.

"Brian Parker? Who's that?" Nagtataka nitong tanong saka pinagpalit-palit ang tingin sa mag-ama.

Kinuyom ng binatang si Theo ang kanyang kamao dahil sa galit na nararamdaman nang mapagtanto na hindi kilala ng sariling ama ang kaibigang si Brian.

"Your son that you left 18 years ago." Walang emosyong sagot ni Theo.

Kapwa nakunot ang noo ng mag-ama nang biglang tumawa ang lalaki, "I thought Giena did an abortion."

"She didn't." Ani Mr. Rodriguez, "She raised him." Dagdah pa nito.

"I see. Teka, paano niyo nga pala nalaman na ako ang ama ng batang iyon? 18 years is too long to figure out who's his father."

"You don't need to know. We're here to tell you that your-" Hindi natapos sa pagsasalita ang ama ni Theo nang biglang sumabat si Mr. Parker.

"I don't have a bastard son." Seryoso nitong sambit saka nagtungo sa kanyang mesa, "Pwede na kayong umalis. Wala kayong mapapala saakin."

Hindi na napigilan pa ni Theo ang sobrang galit na nararamdaman. Sinugod niya ang ama ng kaibigan at kinwelyuhan ito.

"Gago ka! Nang dahil sa'yo nagkaleche-leche ang buhay ng kaibigan ko!" Sigaw nito habang pilit na hinihigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ng lalaki samantlang ang kanyang ama naman ay pilit siyang inaawat.

"Malay ko bang hindi pala pinalaglag ang batang iyon ng nanay niya? And besides, he's already 18 years old. He's with his mother, right? He can raise-"

Natigil sa pagsasalita nang sunggabang siya ng suntok sa mukha ni Theo. Sa sobrang lakas ng suntok ay nagawa ni Theo na paduguan ang labi at ilong ng lalaki.

"His mother died! He's now all alone! Tapos ngayon sasabihin mo na kaya niya ang sarili niya?! Palibhasa wala kang alam sa pinagdadadaanan ng kaibigan ko!" Sigaw ni Theo habang dinuduro ang ama ni Brian.

"S-she died?" Nauutal nitong sambit.

"Oo. Ngayon mo lang nalaman? Tangina mo kasi. Mayaman ka nga, saksakan ka naman ng kabobohan. Mabuti pang hindi ka nalang namin pinahanap." Asik ni Theo, "I just hope na mapatawad ka ng sarili mong anak. Now that we know who you really are, we don't anything from you. Oras na maging mabuti ulit ang kalagayan ni Brian, sisiguraduhin kong magsisisi ka na itinakwil mo siya."

Pagkasabi ay agad na lumabas ng opisina ang mag-ama ngunit bago pa man nila maisara ang pinto ay muling nagsalita ang ama ni Brian.

"May sarili akong pamilya at wala akong anak sa labas." Sambit pa nito.

Ikinuyom na lamang ni Theo ang kanyang kamao saka pabagsak na isinara ang pinto ng opisina dahilan para makuha niya ang lahat ng atensyon ng mga empleyado.

***

Brian's POV

"Ano nanaman bang ginawa mo?" Tanong ni Samara kay Hailey nang makarating kami sa school.

The Butterfly Effect: Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon